Santa Clara, Batangas (Town), Batangas: Historical Data Part IV
PART IV
PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V
[p. 22]
MGA PANIWALA TUNGKOL SA SAKIT AT KULAM
(Beliefs About Sickness and Witchcraft)
Ang mga mangkukulam ayon sa mga taga Sta. Clara ay nakakagawa ng paghihiganti sa kanyang kagalit sa pamamagitan ng pagkulam. Mayroon daw isang manyika ang mangkukulam na ito ay tinutundos ng aspili ang bahagi ng katawang nais pasakitin. Kapag ito’y natundos ay ang taong kinulam ay makakaramdam ng di birong sakit sa bahaging tinundos na maaaring ang tiyan o ang ulo at paa at iba pa. Ang nakukulam daw ay naluluka marahil dahil sa sakit ng bahaging tinundos.
Ang may sakit ay ipinagagamot sa arbularyo sapagkat ang tunay na manggagamot ay nagkakamali sa paggamot. May paniwala ang manggagamot na kapag inilubog halimbawa ang sumakit na bahagi ng katawan ng may sakit sa kumukulong tubig, ang may sakit ay hindi nasasaktan. Sa halip ay ang mangkukulam ang nakararamdam ng sakit. Umaabot tuloy sa ang masakit ay mamatay sa ganyang maling paniwala.
Mayroon din ditong kung tawagin ay “manggagahoy.” Ang taong ito’y masamang bumati o tumitig sa kanyang kinatutuwaan. Kapag ikaw raw ay natitigan o nabati nito ikaw ay magkakasakit. Sasakit ng matindi ang iyong ulo at magsusuka ka pang lagi.
Sa ganito’y tinatawag ang magbubuga at kapag nakapagngata ng ikmo at bunga ito’y ibubuga sa may sakit at dagli naman mawawala ang pananakit ng ulo at pagsusuka.
People in Sta. Clara believed in [the] “Mangkukulam.” They said these mangkukulam have the power to avenge their enemies through the spell of evil spirits. It was believed that the “mangkukulam” had a doll which he pricked with a pin on the part of the body where he wished his enemy to feel extreme pain. The object of his evil desires would then suffer as much as he would feel endless pains at a certain part of his body, say, the stomach. The victim sometimes became crazy as the pain increased unceasingly.
The patient would then be treated by quack doctors. The licensed physician as they believed would make the patient’s condition worse, so they called upon the “arbulario.” As soon as the doctor learned of the origin of the patient’s state, he indulged on treating the patient inhumanly. Often he whipped him or poured water over him. This, he believed, would not be felt by the
[p. 23]
patient himself but by the “mangkukulam” who, on the other hand, will relieve the patient’s pain.
The belief had done more harm than good. Often, the patient is slowly being killed without catching the “mangkukulam.”
Another person possessing such powers is the “manggagahoy.” He is not as cruel as the mangkukulam. The moment he stares, glares of praises a person she admires, the person will suffer from extreme headache and constant vomiting. A “magbubuha” is called. He chews the “ikmo” and its extract is spat on the patient’s forehead. The patient recovers instantly as if he had never suffered any pain.
ANG PANGANGANAK NG KAMBAL
May paniniwala ang mga taga Sta. Clara na kapag daw ang isang buntis ay kumain ng saging na kambal, siya ay magluluwal ng kambal. Mayroon din namang nagsasabi na kapag ang pinaglinhan ay batang kambal o dili kaya’y larawan ng kambal ay kambal din ang iaanak.
Yaon namang iba’y naniniwala na ang panganganak ng kambal ay mana-mana. Agad nilang tinutuntun ang mga kamaganakn at ninuno at kanilang hinahanap ang mga nag-anak ng ganyon.
THE BIRTH OF TWINS
It is believed that a pregnant woman must avoid eating twin bananas as it will cause her to give birth to twins. Others believe that mothers give birth to twins because they happen to admire pictures of twins when conceiving.
Another belief is that giving birth to twins is hereditary. The birth of twins in a family is traced to relatives, immediate parents and even to preceding generations.
[p. 24]
SUPERSTITIONS
(Pamahiin)
1. If someone sings in front of the stove, she will marry a widower.
2. When a man going to the cockpit goes down the house and meets a snake, it is a sign of good luck.
3. Kapag ang pusa ay naghihilamos, ito ay tanda ng may darating na bisita.
4. Pag ang ibong laying-layang ay lumilipad ng mababa, iyan ay tanda ng may darating na masamang panahon.
5. Pag ang unan ay inupuan ay magkakaroon ng pigsa.
6. Pag ang langit ay batik-batikan, iyon ay tanda na maraming mahuhuling isda.
7. Kapag nañgamoy o nagamoy kandila at walang nalalamang pinanggagalingan ng amoy na ito, may namatyan ng kamaganak.
8. Sa isang bagong kasal ay kapag ang lalaki ang nangunguna sa pagpanhik sa bahay buhat sa simbahan, ito’y nangangahulugang ang kagustuhan ng lalaki ang mangyayari sa pamumuhay ng magasawa.
[p. 25]
11. Kung gabi raw ay huwag magdadakot ng gabok upang itapon sapagka’t oras ito ng paghihikap ng Mahal na Virgen at maaaring mahagisan sa kanyang paglalakad.
12. Ang mga babae raw na nagdadalang-tao ay huag titiñgala sa langit kapag mayroong eklipse upang huag magdanan ng hirap sa pañgañganak.
13. Kung magtatayo raw ng bahay ay dapat humukay muna ng isang dimukot (one-arm-length deep) sa pagtatayuang ito. Kung sa kinabukasan ay puno o awas ang lamang tubig nito, ay mabuting patayuan ng bahay ang lugal na ito, ngunit kapag ang hukay ay tuyo at walang tubig, ay hindi mabuting pagtayuan ng bahay ito.
14. Ang pagdaan sa ilalim ng hagdanan ay nagdadala ng masamang kapalaran.
[p. 26]
AMUSEMENTS COMMON IN STA. CLARA
MGA KASAYAHANG KARANIWANG IDINIRAOS SA STA. CLARA
GAMES (PALARO)
Karakol (Pareha ng Bangka)
Ang “Karakol” ay pareha ng mga bangka. Ito’y ginaganap sa tuwina kapag kaarawan o piesta ng mahal na Patron, Sto. Niño. May mga pagkakataong ginaganap din ito kung nagpaparangal sa katapusan ng Flores de Mayo. Maraming bangka ang maaaring sumali sa paligsahang ito. Sabaysabay ang mga itong aalis sa isang takdang lugar at sa pamamagitan ng mabisang paraan sa paggaod ay unahan sila upang makarating sa itinakdang hangganan.
Boat Racing
Boat racing is done usually during the fiesta of the Patron Saint and sometimes during the May Festivals. Many boats can take part in the race. These boats start at the same time, at a given place and stop when they reach the designated goal. The first boat to reach the goal wins.
Sibatan ng Singsing sa Bisekleta
Ang palarong ito’y maaaring salihan ng kahit ilang nakabisekleta. Ang mga nakabisekleta’y nagdaraan sa ilalim ng isang kawayang salo ng dalawang poste na kinasasabitan ng mga singsing na may kabit na laso. Ang mga maglalaro’y sisibat ng singsing na may kabit na laso. Ang mga maglalaro’y sisibat sa pamamagitan ng isang maiksing bakal na pino at matulis. Ang makarami ng laso na makuha ay magkakamit ng gantimpala.
“Huego de Anillo” on Bicycles
The participants are men. Several ribbons with a ring at one end of each rolled ribbon are hung on a stick which is supported by two posts in a horizontal position. The man rides his bicycle and tries to get the ribbon as he passes under the arch by inserting a certain pointed stick or steel through the ring. He makes as many rounds as he desires to get the most number of ribbons.
[p. 27]
The winner is he who gets the greatest number of ribbons.
Sibatan ng Singsing sa Dagat
Sa paligsahang ito’y bangka na pinatatakbo ng motor ang ginagamit. Ang mga bangkang ito’y daraan sa ilalim ng arkong nakatayo sa dagat. Nakabitin sa arko ang mga singsing na may kabit na nakapulong laso. Paramihan ng makukuhang laso ang maglalaro. Ang pinakamaraming nasibat na singsing ay siyang magkakamit ng gantimpala.
“Huego de Anillo” at Sea
The participants in this game use motor boats as it is played at sea. The participants are men and the number is not limited. An arch is constructed at a reasonable distance from the shore. Several ribbons with a ring at one end of each rolled ribbon hang from this arch. The participants ride the motors boats and try to get the ribbons as they pass under the arch by inserting a certain pointed stick or steel through the ring. He makes as many rounds as he desires to get the most number of ribbons. He who gets the greatest number of ribbons wins.
Sibat Singsing sa Kabayo
Ito’y katulad rin ng sibat singsing sa bisekleta. Ang pinagkakaibahan lamang ay ang sinasakyan ng mga maglalaro ay kabayo.
“Huego de Anillo” on Horses
It is played in the same manners as Huego de Anillo on a bicycle. This time, the participants use horses instead of bicycles.
Huego de Kurbata
Mga dalaga at binata ang nagsisiganap sa paligsahang ito. Ang mga dalaga’y nakahanay ng tuwid sa isang dako. Sa katapat nila ay may ilang dipa ang agwat nakahanay ang mga binata. Ang mga binata ay patakbong
[p. 28]
lalapit sa mga dalagang katapat sa hudyat na ibibigay ng nangangasiwa ng palaro. Pagkaraka’y kakabitan ng dalaga ng binata ng kurbata na kanyang dala. Ang magkaparehang unang makakatapos at wasto ang pagkalagay ng kurbata ay siyang magtatagumpay.
NECKTIE RACE
The participants are ladies and gentlemen. The ladies are in one row and the gentlemen are in the opposite row. Each lady has a necktie. The gentlemen run to their lady partners at the same time at a given signal. The ladies put the neckties around the men’s necks nicely. The couple that returns first to their place with the tie properly placed is the winner.
Mga Larong Pampalakas
(Athletics)
Ang mga tao dito sa nayon ng Sta. Clara ay mahilig sa mga larong pampalakas katulad ng basketball, baseball o softball, volleyball, pimpong at iba pa. Kung mga araw ng Linggo ay kanilang ginagamit ang kanilang malayang panahon sa mabuti at malusog na paraan. May mga lugar dito na sadyang laan sa ganyang uri ng laro. Manakanaka din nilang ginagamit ang malapad na palaruan sa paaralan.
The people in Sta. Clara are interested in athletics. On Sundays and on days when the winds are unfavorable to fishing, they spend their leisure hours wisely by participating in games such as basketball, baseball or softball, volleyball, ping-pong and others. There are recreational centers where these games are held. Sometimes, they use also the school ground for the purpose. The games attract a big audience and so these provide better and healthier ways of spending their leisure times rather than staying in gambling places.
Cockfighting
Cockfighting, though not a desirable form of amusement, is occasionally engaged in by the older men of the barrio. There is no cockpit in the place, but usually once a week, these men whose hobby is to take care of the fighting cocks assemble at a convenient spot. They select the two best bets among the cocks available and in a small arena which these man and onlookers form, the cocks are
PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V