Santa Clara, Batangas (Town), Batangas: Historical Data Part V - Batangas History, Culture and Folklore Santa Clara, Batangas (Town), Batangas: Historical Data Part V - Batangas History, Culture and Folklore

Santa Clara, Batangas (Town), Batangas: Historical Data Part V

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART V

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V

[p. 29]

induced to test their skill. With much shouting and excitement, they watch the angry cocks exhibit their grit. More matches are made from cocks. From the movements of these cocks, they determine their best bet in the Sunday cockfighting appointment in town.

Birthday Party

Relatives, friends and neighbors are invited to a luncheon or merienda when someone celebrates his or her birthday. There are singing and dancing among the young generation. It is also customary among the educated group to give birthday presents to the celebrant.

Kaarawan

Karaniwang nagdaraon ng kasiyahan upang parangalan ang isang may kaarawan lalo na sa mga nakakaya sa buhay. Mga kaibigan ang marami sa mga inaanyayahan at karaniwang merienda ang kanilang inihahanda. Ang mga inanyayahan ay nagdadala ng kanilang mga ala-ala sa may kaarawan. Mayroon ding mg kantahan at sayawan sa mga kasayahang ito.

[p. 30]

MGA AWITING KARANIWAN SA STA. CLARA
AWIT NG PULUBI

Doon po sa amin, bayan ng San Roque
May nagkatuwaang apat na pulubi.
Nagsayaw ang pilay, umawit ang pipi.
Nanood ang bulag, nakinig ang bingi.

Doon po sa amin, maralitang bayan,
Nagkatay ng hayop, nik-nik ang pangalan.
Ang taba po nito nang maipatunay,
Ang nakuhang langis, siyam na tapayan.

Doon po sa amin, bayan ng Malabon
May isang matandang, nagsaing ng apoy.
Palayok ay papel, papel pati tung-tung.
Tubig na malamig, ang iginagatong

BEGGARS OF SAN ROQUE

In our place along the bay
Barrio of San Roque,
Met four jolly beggars.
In full festal mood one day,
The cripple gaily, gaily danced,
The mute sang a melody,
And the blind enjoyed the sight,
Gladly listened the deaf.

In that humble little town,
That we proudly call our town,
People slaughter insects,
That we call nik-nik.
And the fat of these mites,
When melted and drained,
Grace oil that filled
All nine earthen vats.

In our place along the shore
Town of Malabon.
There’s a certain old man
Whose fire did boil
In a flimsy paper fat,
Set upon a paper stove.
And for fuel, did you know
He used water cold.

[p. 31]

SA DAKONG SIKATAN

Sa dakong sikatan
Ng masayang araw
May lupang sagana
Sa madlang kariktan
Nasisiphayo ng palalong asal
Na iyang bayan ko
Bayan ko minamahal
Nawalay sa kanya
Anong laking sakit
Maging sa pag-ibig
Araw na malalam
Malumbay ang langit
Na di ka masilip

MY NATIVE LAND

Mid the sunny Orient sea
Birth place of the glorious day
Lies a lovely Eden land
Treasure land in every way
Thousand isle be
Under skies of tropic blue
Verdant veils and mountains
Enchanting to the river oh.
Land of blessing come above
Land of ardent sterling love
Land of charms an ending
Land of patriots brave in shiner [?]
Land where life is blush divine
This is my fair beloved land
My own dear native land.

LERON, LERON SINTA

Leron, leron sinta, umakyat sa papaya,
Dala-dala’y buslo, sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo, nabakli ang sanga.
Kapus kapalaran, humanap ng iba.

Leron, leron beloved,
Up a tall papaya tree
He climbed with basket gay
That had his love for me
The tip-tip branch he touched,
It broke off with a click
Aba, what evil luck,
Please choose another quick.

[p. 32]

MGA BUGTONG SA NAYON NG STA. CLARA
(Riddles Common in Sta. Clara)

1. Nagtanim ako ng dayap sa gitna ng dagat, marami ang nagsihanap, isa lamang ang nagkapalad… Pagliligawan.

I planted lemon in the middle of the sea, many searched for it but only one is lucky to own… Act of courting.

2. Taglong magkakaibigan, magkakalayo ang bayan. Kung magkakainan ay nagkakaharapan… Ikmo, Bunga at Apog.

There are three friends living separately in distant places, but when eating they are together… Beetle nut, beetle leaf, lime.

3. Kung araw ay bumbong, kung gabi ay dahon… banig.

It is a tube during the day, and an open leaf at night… mat.

4. Ako’y may kaibigan, kasama ko saan man, mapagtubig ay di nalulunod, mapa-apoy ay di nasusunog… Anino

I have a personal friend who is always with me wherever I go; in water, he doesn’t drown in in fire he never gets burnt… Shadow.

5. Tubig na pinagpala, walang makakuha kundi munting bata… Gatas ng ina.

Blessed water from a holy spring; no one can get it but the babe… Mother’s milk.

6. May ulo’y walang mukha, may katawa’y walang sikmura, namamahay ng sadya… Palito ng posporo.

It’s a head without a face, a body without a stomach, living in its natural home… Match.

7. Pantaleo’s dog jumped across seven valleys and over seven hills before he found his glory… game of sungka.

Ang aso ni Pantaleon, lumukso ng pitong talon, umulit ng pitong gubat bago nagtanaw dagat… sunkahan.

[p. 33]

8. Kandado roon, kandado rito, kandado hanggang dulo… kawayan.

It is locked here and there and still locked from head to foot… bamboo.

9. Eto na si Kaka, may sunong na dampa… pagong

Here comes my brother with a roof on his forehead… turtle.

10. Munting bundok, di madampot… ipot.

A little heap but can never be picked up… chicken manure.

11. Limang principe sa Balete, sombrero’y tigkakalahati… daliri.

Five princes in a tree with heads covered with hats partly… fingers.

12. Eto na si Lelong, bubulong-bulong… bubuyog.

Here comes Daddy Long Legs, who is whispering all the time… bumble bee.

13. Bumili ako ng alipin, mataas pa kay sa akin… sombrero.

I bought a slave but he became higher than I… hat.

14. Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo… pako.

Pedro hid in a house, but his head is out… nail.

15. Itinapon sa dagat, sa bundok hinanap… bobo

I threw it at the bottom of the sea and found it on top of the mountain… fish trap called bobo.

16. May puno walang sanga, may daho’y walang bunga… sandok.

A branch [tree] without a branch, and a leaf without a fruit… ladle.

[p. 34]

17. Pantas ka man at maalam, angkan ka ng mga paham, turan mo kung ano ang bapor nating katihan ay walang pinaglalagyan kundi ang gamit nating mahal… prensa.

If you are intelligent and wise, your relatives are all bright, guess a ship on the land which only floats on dresses and pants… iron.

18. Kitang-kita ang nakamatay ngunit di pa matalian… hangin.

You can see the killer but you can’t arrest him… wind.

19. Lumalakad ay walang munihila [humila?], tumatakbo’y walang paa… bangka.

It walks but it has no feet, it runs without being pushed… boat.

20. Kung araw yumao ka, kung gabi hali ka na… banig.

It leaves during the day and comes back at night without delay… mat.

21. Magsaing si Kurukutong, kumukolo’y walang gatong… bula ng sabon.

Kurukutong cooked rice and it boiled without fire… soap suds.

22. Bahay ni Ka Huli, haligi’y bali-bali, ang bubong ay kawali… alimango.

The house of Ka Huli has broken posts and a frying pan for a roof… crab.

MGA SALAWIKAIN (PROVERBS)

1. Ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili.

He who believes in tales does not have a mind of his own.

2. Ang hipong tulog ay natatangay ng agos.

The sleeping shrimp is carried away by the current.

[p. 35]

3. Ang tunay na kaibigan ay isang kayamanan.

A faithful friend is a treasure.

4. Madali ang sumira ngunit mahirap ang gumawa.

It is easier to destroy than to construct.

5. Ang kahoy habang bata pa’y hutukin at kapag tumanda na’y mahirap baluktutin.

Bend the tree while young.

6. Huag mong gagawin ang masama sa kapwa upang ikaw ay huag ding gawan naman ng masama.

Do not do unto others what you would not have others do unto you.

7. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa parurunan.

He who doesn’t care to look back from whence he came cannot hope to reach his destination.

8. Kapag ang dagat ay matining turukin mo at malalim.

A quiet sea runs deep.

9. Ang taong padaskul-daskul sa anumang ginagawa ay malimit magkamali at madalas malisya [mali siya?].

10. Walang pagkakautang na hindi pinagbabayaran.

All debts must be paid.

METHODS OF MEASURING TIME

Those who do not own time pieces or do not know how to use one tell the hour during the day by looking at the position of the sun or at the length of the shadow it causes objects to cast. When the sun is directly overhead, it indicates high noon.

At night, the crowing of the cocks or else the position of the constellations and the moon when these are visible enable them to tell the hour. Fishermen out in the deep sea know when it is midnight when the Southern Cross is directly overhead and that

[p. 36]

it is four o’clock in the morning when the Morning Star is clearly visible.

Information on books and documents treating of the Philippines and the names of their owners.

1. Philippine National Dances – Reyes-Tolentino
Owner – Miss Elena Maracaig
2. Political and Cultural History of the Philippines by Gregorio F. Zaide; Part II
Owner – Miss Elena Macaraig
3. Philippine Saga, A Pictorial History of the Archipelago Since Time Began – Prof. H. Otley Beyer and Prof. Jaime C. De Veyra
Owner – Mr. Ernesto Abacan
> 4. The Philippine Revolution – Teodoro M. Kalaw
Owner – Ernesto Abacan

Names of Filipino authors born or residing in the community, the titles and subjects of their works, whether printed or in manuscript form, and the names of persons possessing these.

1. Poems by Vicente Papasin
a. Paalam Na, Guro
b. Ang Guro
2. Story by Vicente Papasin
a. Dakilang-dakila

Both poems and story by Vicente Papasin are in manuscript form. The above-mentioned articles are in the author’s possession.

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of the Barrio, Santa Clara,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post