Palindan, Ibaan, Batangas: Historical Data Part II
PART II
PART I | PART II
[p. 6]
Walang binhing itinanim
Taon-taon ay nakakain.
Naito na may sunong na baga.
Mata’y kong lingos-lingosin
Hindi ko manabot-abotin.
Itinapon ang itinanim
Ang pinagtamnan ay hinain.
Pag naaalala’y naiiwan.
Dala-dala naman pag nalilimutan.
Ako’y nagtanim ng hilolo [or bilolo]
Sa harap ng kumbento
Hindi pa natatapos ang sabi ko
Bulaklak na hanggang dulo.
Binaril ko ang kulyawan
Sa dulo ang kawayan
Kung tinamaan ay buhay
Kung sala naman ay patay.
Buhok ng pari
Hindi mawahi.
Buhok ni Adan
Hindi mabilang.
Isang biging palay
Sikip sa buong bahay.
Nginibitan-nginibitan ko muna
Bago ko kinain.
Kalabaw ko sa Maynila
Abot dito ang unga.
Nagbibigay na, sinasakal pa.
Paglagapak, turingan mo agad.
Dibina, dibina de grasya
Malayo ang bulaklak sa bunga
Nakakakita kung may piring
Di makakita kung alisin.
Hindi hayop hindi tao
Kuhang-kuha ang kilos mo.
Dalawang katawan
Tagusan ang mga tadyang.
May ulo’y walang mukha
May katawa’y walang sikmura
Namamahay nang sadya.
May katawan ay walang bituka
May puwit ay walang paa
Kinakagat at tuwi na.
Kung hindi ang taga-bundok
Ang taglati ay nahulog.
Dinadal ko siya
Dinadala ako niya.
[p. 7]
Katuturan ng mga bugtong - -
itlog langka itlog bituin mata bakir suso sambalilo santol guyam mata langgam sabon o gugu bayabas kalabasa mais mukha palansa kasoy Karsada bignay itlog mangga sili hipon kalogkog bakya o tsinelas tubig ng niyog balangaw posporo |
kakaw papaya ngipin habihan kamatsili baril ilong ilawang gas dahon ng saging kabuti manok amorseko kandila palito ng posporo ulan ulan lingas ng ilawan mais kalogkog bota palakpak mais ang nagsasalamin sa mata anino hagdan palito ng posporo baso yantok at pawid bakya manok niyog |
14. Proverbs and sayings - -
Ang buwan ay di laging bilog
Ang araw ay nalubog.
Ang taong masalita at kulang sa gawa
Ay tulad sa hardin sa damo’y sagana.
Bago ka pumahid ng sa ibang uling
Ang uling mo muna ang unang pahirin.
Walang Sabadong di uminit
Walang dalagang di umibig.
Ang lumura ng patingala
Sa mukha ang tama.
Ang batang makirot
Makakayapak ng ipot.
Kung anong puno
Ay siyang bunga.
Walang matimtimang birhen
Sa matiyagang manalangin.
Ang pawis sa paggawa
Sa tao’y pataba
Kung anong idinipa siyang ibabara.
[p. 8]
Kung anong utang ay siyang kabayaran
Ang lumakad nang marahan
Matinik ma’y mababaw;
Ang lumakad ng matulin
Matinik ma’y malalim.
Ang tubig na matining
Tusukin mo’t malalim
Kapag may pinipita
Sa iyo at inoola
Totoong minamahal ka
Datapuwa’t kung nangyari na
Dili ka na maalaala.
Ang tao hangga’t mayaman
Marami ang kaibigan
Kung mahirap na ang buhay
Kahait masumpong sa daan
Di na batii’t tingnan.
Ang taong naniniwala sa sabi-sabi,
Walang bait sa sarili.
Kilala mo na sa labon
Ang magiging bungbung.
Kapalaran mo man ay di hanapin
Dudulot lalapit kung talagang akin
Kung di siya lumapit
Pilit ko siyang hahanapin.
Magpakataastaas nang lipad ng taingbaboy
Sa lupa rin nagkukoykoy.
Ang halaman palipatlipat
Ay hindi mag-uugat.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Ay hindi makararating sa paroroonan.
Makikilala mo ang taong may bait
Sa kilos ng kamay at sabi ng bibig.
Kaya hanggang buhay ka pa
Ikaw ay magsamantal
Magtipon at maghanda ka
Ng mga gawang maganda
Na may datnin kang ginhawa.
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad.
Walang yayaman dito sa lupa
Na di muna nag-adhika.
Magpakapula-pula ng saga
Maitim din ang kabila.
Nasa Diyos ang awa
Nasa tao ang gawa.
[p. 9]
Nakikita ang butas ng karayom
Subali’t di nakikita ang butas ng palakol.
Ang hipong tulog nadadala ng agos.
Walang mailap na pugo
Sa matiyagang magsilo.
Huwag kang dumais sa patayan
Kung hindi mo ibig maduguan.
Tulak ng bibig
Kabig ng dibdib.
Makipito kong isipin
Bago ka may gagawin.
Hindi matadtad ang ulam
Ng walang sangkalan.
Saan pa kakapit ang kuto
Kundi sa balat ng ulo.
Pag may sinuksok
May madudukot.
Ang bayaning masugatan
Nag-iibayo ang tapang.
Ang bahay mo man ay kubo
At patira ay tao
Daig pa ang palasyo
Na ang natira ay kuwago.
Ang hindi magmahal sa sariling wika
Ay higit pa sa hayop at malansang isda.
Aanhin pa ang damo
Kung patay na ang kabayo.
Ang ugali sa pagkabata
Ay dala hanggang tumanda.
Ang hanap sa bula-bula
Sa bula-bula rin mawawala.
Ang pagkit sa Birhen galing
Sa Birhen din ihahayin.
Ang gawang kabaitan
Ay lalong higit
Sa ginto at pilak.
Maari kang mabuhay sa pagsisinungaling
Nguni’t mamatay ka kung ikaw ay nahuli.
Ang ayaw mong gawin sa iyo
Huwag mong gagawin sa kapwa mo.
Humarap ka na sa lasing
Huwag lamang sa bagong gising.
Kung anong puno
Ay siyang bunga.
Magpakahabahaba ng prosesiyon
Sa simbahan din ang urong.
Ang sabi man ay arawin
At ang bigas ay pagputlin-putlin
[This document appears incomplete.]
PART I | PART II