Palindan, Ibaan, Batangas: Historical Data Part I
PART I
PART I | PART II
Full transcription of the so-called “Historical Data” for the barrio of Palindan in the Municipality of Ibaan, Batangas, the original scanned documents at the National Library of the Philippines Digital Collections not having OCR or optical character recognition properties. This transcription has been edited for grammar, spelling and punctuation where possible. The original pagination is provided for citation purposes.
[p. 1]
HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE BARRIO PALINDAN
Part One: History
1. Present official name of the barrio – Palindan
2. Popular name of the barrio, present and past; derivation and meanings of these names. Names of sitios included within the territorial jurisdiction of the barrio.
There are two clashing theories on the origin of the name “Palindan.” One theory avers that in the childhood of mankind, there were no houses yet in the region named Palindan. The place was a great wilderness. The land was heavily forested with trees of all sorts. Such verdant vegetation consisted principally of palms, coconut, buri, betel nut, and pandan. The pandan specie seemed to outnumber all the rest. When families came to settle, they decided to give a name to their settlement. In a meeting of elderly men, it was finally decided that their place would be named “Pandanan” because everywhere they looked, they could see pandan palms. In the course of time, the word “Pandanan” became “Palindan.”
From another information who claims to be wiser comes this version. Long ago, there was as yet no road built in the barrio of Palindan. The place had no name, either. When people came to settle here, they saw the need of having a road. So, they built one. The kind of road they built was twisted and curving. People who saw the newly-built road called it “paling na daan,” meaning twisted or curved road. The curved road or “paling na daan” became a famous landmark to passers-by. As soon as they reached this road, they knew they were nearing the poblacion. Whether they liked it or not, the inhabitants of the region became known as “taga paling na daan.”
3. Date of establishment – 1832
4. Original families –
5. List of tenientes from the earliest time to date.
Juan R. Marino
Tomas Ramos
Elino PiƱero
Juan G. Marino
Miguel M. Mercado
6. Important fact, incidents or events that took place:
During the Spanish occupation, the Katipunan organized secretly, a band of soldiers wherein one Alejandro Zaraspe of Palindan was a member. Although he did not live to see the independence of his country, he will be long remembered for his bravery and courage.
When the Americans came to the Philippines in the year 1898, a new set of government was organized, military in nature.
[p. 2]
Songs, games and amusements –
[Top two paragraphs of page torn.]
Paalam sa pagkadalaga - -
O kinlaningin ibo’y malapit na
Pag panaw sa kanyang tahanang hawla
At ang nagkandiling minumutyang ina
Ay uulilain sa titig ng mata
Kung mapalayo ka ay sino pa
Ang pagsasakdalan ng hirap at dalita
Kung di mamalagi sa linuha-luha
Ang abang ina mong lipos ng dalita
Magandang Pag-asa - -
Magandang pag-asa o bayang tahimik
Uamang ang tuwa ko’y pumanaw na pilit
Sa isang kataong sunumpang pag-ibig
Puso niya’y ibinigay na walang panganib
Pinakamahal siya na walang katulad
Ngunit ang palimot niya’y sa aki’y ibinayad
Limutin naman siya ay di ko rin hangad
Ngunit ang paglimot niya’y tunay kong pagliyag.
Paghandog - -
Ano kaya bagang sukat ihandog
Sa ating matandang ipagbigay loob
Sana ay mayroon ‘sang dosenang itlog.
Limang dumalagang matatabang manok.
Ako ay bibili, ako ay bibili
Nang yapyap na hipon
May siling pasiti, may siling pasiti
Makapa bagaong
Ako’y maglalaga, ako’y maglalaga
Nang kamuting kahoy
At kamuting baging
Sa pulot ng kawong.
Ako’y paroroon sa aking kaingin
Yaong aking asnoy, aking huhulihin
Doon ko isasakay ang mga gulayin
At mga panigang pati mga saging.
Bawang at sibuyas, bawang at sibuyas
At mga rikado
Kamatis at sili, kamatis at sili
Kalabasa’t upo
Mantikilya’t gatas, mantikilya’t gatas
At mayroon pang keso
May bunga’t may mamin
Apog at tabako.
[p. 3]
Bayang Masagana - -
[First paragraph not scanned properly.]
Masaklap na luha, nadaloy sa mata
Sanhi ang paglipas, ang iyong ligaya
Tibok sa puso ko ay sa iyong dusa
Tuwang agam-agam, ang iyong ligaya
Nguni o bayan ko, panahong malawig
Lakas ay susuko, pilit sa matuwid
Tapat na pag-asa, mabuhay sa dibdib
Unang maantayan, araw na sasapit.
Ayaw ko - -
Umibig sa iyo
Sapagka’t ikaw raw
Ay maraming nobyo
May pang araw-araw
May pang Linggo-linggo
Bukod pa ang pamiyesta’y
Bukod pa ang pamasko.
Kamantiging Pula, Kamantiging Puti - -
Huwag kang iibig sa kaparis kong munti
Munti ang isipan, munti ang ugali
Kausapin mo pa’y pa oo pa hindi.
Mahal na binata, nagkakamali ka
Akala mo yata ay ako’y dalaga na
Iyan palay hindi pa at ako’y bata pa
Kausapin mo pa’y pa oo pa hindi.
Pilipinas - -
Pilipinas sa ganda’y labis
Binibining kapilas ng langit
Paraluman na sakdal dikit
Na kay Venus, ang ningning nawangis
Bawa’t kilos mo’y ligaya
Pawang pang-aliw sa dusa
Ang kagandahan mong sadya
Tulad sa bagong bukas rosas.
Masamyo mong bango
Kaligaligaya - - - - -
Kayumangging kulay tunay Pilipina
Malambing mong titig na may panghalina
Kung dito sa mundo ay ikaw ang ginhawa.
Nena - - -
Ang pag-ibig na tunay
Ligaya mong puso ko
Nasa iyo lamang
Sino pang tatawagin
Sa sakit at kahirapan
Ay, ay naku Nena
Ay, naku Nena ng aking buhay.
[p. 4]
Kahilingan - -
At hindi mangyari kami ay makasuay
Kayo na ang magpuno ng kulang
Sa kanta nakaya niyaring kabataan
Lingasin ang iyong loob na maganda
Na di tinitikis ang aming pagkanta
Kami ay di nag-aral na kaparis ng iba
Pagsunod nga lamang sa hiling at pita.
13. Puzzles and riddles - -
Batong kinay, batong kipot
Batong tinalopan nang hagoralipot.
Baboy ko sa pulo
Balahibo’y pako.
Bahay ng Senyora
Nabuksan ay di maisara.
Walang puno, walang ugat
Hitik na hitik ng bulaklak.
Dalwang tindahan sabay buksan.
Bahay ni Kiringkiring
Butas-butas ang dingding.
Alin sa mundo
Ang ilinalakad ay ulo.
Sinamba ko muna
Bago ko nililo.
Matayog, matayog
Ang bunga’y bilog.
Munti pa si Oto’y
Nakaaakyat na sa kahoy.
Dalawang mabibilog
Malayo ang abot.
Munti pa si Kumpadre
Nakaaakyat na sa torre.
Nagsaing si Katongtong
Bumulak ay walang gatong.
Nagsaing si Kapirit
Kinain pati anlit.
Baboy ko sa kaingin
Nataba’y walang pakain.
Pag bata’y nagtatapis
Kung tumanda’y inaalis.
[p. 5]
Isang bayabas
Pito ang butas.
May isang batang gagapang-gapang
Malinis ang dinanan.
Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Saging ko sa Maynila
Abot dito ang palapa.
Munting uling nabibitin
Pwera duhat nakakain.
Ha-pula, ha-puti
Eskwelang munti.
Hugis puso, kulay ginto
Mahirap kunin, masarap kanain.
Isda ko sa Mariveles
Punong-puno ng kaliskis.
Oo nga’t sili, nasa loob ang aligi.
Kalabaw ko sa Maynila,
Abot dito ang unga.
Dala mo, dala ka ng iyong dala.
Tubig sa digan-digan
Di matausan ng ulan.
Manok ko sa Maynila
Abot dito ang tuka.
Bahay ni Epi
Punong-puno ng garote.
Manok ko sa Balete
Nagpakita ng giri.
Ang ibabaw ay araruhan
Ang ilalim ay batohan.
Puno’y anos
Sanga’y kalbang
Bunga’y gatang
Lama’y lisay.
Dalawang bakurbaruan
Sari-sari ang nadaan.
Hingit ko ang baging
Nagkuol ang matchin.
Putukan nang putukan
Hindi nagkakarinigan.
Isang bias na kawayan
Punong-puno ng kamatayan.
Dalawang bungbong palusong.
Kristal na palayok
Tubig na malamig ang iginagatong.
Hindi naman piyesta
Hindi naman pasko
Napakarming bandera.
PART I | PART II