Wawa, Batangas (Town), Batangas: Historical Data Part II - Batangas History, Culture and Folklore Wawa, Batangas (Town), Batangas: Historical Data Part II - Batangas History, Culture and Folklore

Wawa, Batangas (Town), Batangas: Historical Data Part II

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART II

PART I | PART II

[p. 6]

IV. Marriage – Pagkakasal

1. Sometimes, the bridegroom presents a dowry to the parents of the prospective bride.
Kalimitan ay nagbibigay ng “bilang” o bigay-kaya ang ikakasal na lalaki sa mga magulang ng babae.
2. The neighboring folks give their due share by offering their help in preparations for the wedding party.
Ang mga kahanggan ay kusang tumutulong sa paghahanda para sa kasal na idaraos.
3. Newlyweds are showered with money publicly by relatives and guests as a part of their gift.
Sinasabugan ng kwarta o pilak ng kamag-anak o bisita sa harap ng maraming tao ang ikinasal.
4. When the marriage rites are terminated, the couple usually rushes to their house to light candles and to witness for themselves which of their candles will burn out first. It was believed that the candle that goes out of light first will mean early death for the owner of that candle.

V. Death – Kamatayan                     Burial – Paglilibing

1. A whole night and even longer than such is spent in watching over the corpse before burial.
Magdamag o matagal pa sa rito ang ginugugol sa pagbabantay sa patay bago ito ilibing.
2. There must be church rites before the burial.
Bago ilibing ang patay ay kinakailangang ito’y dalhin sa simbahan upang mabigyan ng kaukulang pananalangin.
3. The bereaved family or the family of the deceased never file their plates after eating for nine days after the death occurred.
Ang mga pinggan kinakainan ng naulilang mag-anak ay hindi pinapagpatong-patong hangga’t di nakakapagsiyam.

VI. Visits – Pagdalaw

1. The sick is visited by his neighbors.
Ang may sakit ay binibisita o dinadalaw ng mga kahanggan.
2. Cigarettes and/or confectionaries are offered to visitors.
Mga sigarilyo o matamis ang siyang idinudulot ng may bahay sa dumadalaw.

VII. Household – Pamamahay

1. The stairs of houses in this barrio face the east, north or south. Seldom are the stairs

[p. 7]

made to face west.
Ang hagdanan ng mga bahay dito ay nakaharap sa silangan, hilaga, or ibaba. Bihira ang sa kanluran nakaharap.

Superstitions – Pamahiin

Kapag ang ibang layang-layang ay lumilipad ng mababa, iyan ay tanda na may masamang panahon.

It is believed that when swallows fly low, it is a sign of bad weather.

Kapag ang pusa o kuting ay nanghihilamos sa duyo ay tanda ng may darating na bisita o panauhin.

When a cat or kitten washes or scratches its face, it is a sign that visitors will be coming.

Ang manganganak na tao ay hindi dapat umupo sa hagdanan.

It is believed that a conceiving woman must not sit at the stairs.

Hindi dapat sa ikakasal na babae na magsukat ng kakasalang-damit. Yaon ay mangangahulugang di pagkatuloy ng kasal.

It is advised to a prospective bride not to wear or don her bridal gown before the wedding. It may mean postponement of [the] marriage or change of idea.

Favorite songs – Kinatutuwaang mga awit

Leron, Leron, Beloved

Leron, Leron, beloved
Up a tall papaya tree
He climbed with basket gay
That held his love for me
The tip-tip branch he touched
It broke off with a click
Ah, what evil luck
Please choose another, quick!

Leron, Leron, Sinta

Leron, Leron, sinta, umakyat sa papaya,
Dala-dala’y buslo, sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo, nabakli ang sanga
Kapus kapalaran, humanap ng iba.

[p. 8]

Awit ng Nangingisda

Wala ng mahirap
Kaparis ng mandaragat
Kalaban ay puyat
Sampu ng hanging malakas
Lubha’t amihan
O kaya’y hangin sa silangan
Sa lakas ng pananagwan
Halow mabawi ang baywang.


Amusements common in Wawa – Mga kasayahang karaniwang idinaraos sa Wawa

Kapag may pistang idinaraos sa nayon ng Wawa, sari-saring palarao ang ginaganap ng mga taga nayon upang lalong mapatingkad nila ang kasayahan ng nayon. Isa sa mga palarong ito ay ang tinatawag na “sibatan ng singsing sa dagat.” Ilang bangkang sinasagwan o ginagamit. Ang mga bangkang ito’y daraan sa ilalim ng arkong nakatayo sa dagat. Sa arkong ito nakabitin ang mga singsing na may kabit na nakapulong laso. Paramihan ng makukuhang laso ang mga katimpalak, at ang may pinakamaraming sibat na singsing ang siyang nagkakamit ng gantimpala. Mayroon ding tinatawag na pareha ng bangka. Ang mga bangka ay sabay-sabay na aalis at unahan itong makakarating sa isang hangganan. Mayron pa ring “huego de crubata” na tinatampukan ng pagtatali ng mga dalaga ng kurbata sa binata at kung sinong makakapagtali kaagad ng mahusay at makakarating sa hanggahan ay siyang binibigyan ng gantimpala.

During the barrio fiestas, different games are sponsored by barrio officials. Of the many games that are being held, boat racing, “huego de anillo” on the sea, “huego de anillo” on horseback, and “huego de krubata” are among the best and most interesting.

Mahilig din ang mga tao rito sa mga larong pampalakas tulad ng baseball o softball, volleyball, atbp. Ginagamit nila ang palaruan ng paaralan sa pagsasanay.

School playgrounds are also utilized for sports and games by young men.

Mga bugtong ng Wawa – Common riddles

1. Dalawang magkakapatid, tig-isa ang silid – balintatao.

[p. 9]

There are two brothers.
But they have separate rooms. Retina of the eyes.
2. May binti walang hita

May balbas walang baba
May mata walang mukha. Tubo

It has legs but no thigh
It has [a] moustache without [a] chin
It has eyes without [a] face. Sugarcane.

3. Isang bahay ng mayaman

Napasok ng magnanakaw
Nakuha ang kayamanan
Walang nakibo sa lagay. Aklat.

There was a rich man’s house
That was ransacked by robbers
They have taken the treasures
They have not changed or destroyed its appearance. Book.

4. Ako’y may kasama sa paghingi ng awa.

Ako’y di umiiyak, siya ang lumuluha. Kandila.

I have a companion in my praying
I do not cry but she sheds tears. Candle

5. Hindi hayop, hindi tao

Kuhang-kuha ang kilos mo. Anino.

It is neither man nor animal
But it takes the resemblance of your acts. Shadow.

MGA SALAWIKAIN (PROVERBS

1. Ang magandang asal ay kaban ng yaman.
Good manners are a treasure.
2. Ang taong tamad, ginto man ang ulan, ay hindi makakapulot.
A lazy man will get nothing even if it rains with gold.
3. Ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gagawin sa kapwa mo.
Do not do unto others what you do not want others to do unto you.

[p. 10]

4. Ang salita ng taong sinungaling ay hindi pinaniniwalaan kahit na totoo.
The word of a liar cannot be relied upon although it is true.
5. Ang madaling hanapin ay madali ring mawala.
Easily earned, easily lost.

MGA PARAAN UPANG MAKILALA NG TAONG-NAYON ANG ORAS:

Sinasabi ng matatanda sa nayon na ganap na ikalabindalawa ng tanghali kapag ang araw ay tapat sa iyong ulo o sa iyong kinatatayuan. Gayundin, ang manok sa kanilang pagtilaok ay kanilang ginagawang palatandaan.

Most of the old folks here believe that it is exactly 12:00 high noon when the sun is directly overhead. The cock’s crow also signifies time according to them.

KALENDARYONG GAMITIN NUONG UNANG PANAHON

Ang “Bristol” kalendaryong ginagamit noong unang panahon ay kahawig na rin ng kasalakuyang kalendaryo natin. It ay ang mga araw o takdang sunod-sunod na kinatitikan ng ngalan ng Santo na kalimitan ay siyang pinagkukunan ng mga pangalan ng bagong silang na anak.

“Bristol,” a form of calendar, was commonly used during the past years. It has little difference from our present calendar. Opposite each date in “Bristol” can be found the day and names of the Saints. People of that time usually consulted this calendar for the name of the newly-born child.

PART III – Other Information

A. Information on books and documents treating of the Philippines and the names of their owners.

1. Political and Cultural History of the Philippines, by Gregorio F. Zaide, Part I; Owner – Mr. Jose Lopez.

2. I Saw Bataan Fall, by Carlos P. Romulo, Owner – Mr. Pedro Atienza.

3. The Saga of Dr. Jose P. Rizal, by Castillo and Castillo. Owner – Mr. Victor Evangelio.

B. Names of Filipino authors born or residing in the community, the titles and subjects of their works, whether printed or in manuscript form, and the names of the persons possessing them. None.

PART I | PART II

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of the Barrio of Wawa” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post