Sitio Cawong, Barrio Pantay, Calaca, Batangas: Historical Data Part II - Batangas History, Culture and Folklore Sitio Cawong, Barrio Pantay, Calaca, Batangas: Historical Data Part II - Batangas History, Culture and Folklore

Sitio Cawong, Barrio Pantay, Calaca, Batangas: Historical Data Part II

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART II

PART I | PART II

[p. 5]

POPULAR SONGS

Magtanim ay di biro

Maghapong kang nakayuko

Di naman maka-up

Di naman makatayo.

Sa umaga pagkagising

Ay agad iisipin

Kung saan may patanim

May masarap na pagkain.

Magtanim ay di biro

Maghapong nakayuko

Di naman makaupo

Di naman makatayo.

Halina-halina, manga kaliyag

Tayo’y magsipag-unat-unat

Magpanibago tayo ng lakas

Para sa araw ng bukas.

[p. 6]

POPULAR SONGS PAGE 2

LERON-LERON SINTA

Leron-Leron sinta

Umakyat sa papaya

Dala-dala’y buslo

Sisidlan ng hinog,

Pagdating sa dulo

Nabali ang sanga

Kapos kapalaran

Humanap ng iba

[p. 7]

M G A    B U G T O N G

1. Nagtago si Chiquito, labas ang ulo. (PAKO)

2. Bahay ko sa Pulo, ang balahibo’y pako. (NANGKA)

3. Oo nga’t niyog, nasa loob ang bunot. (MANGA)

4. Oo nga’t manga, nasa loob ang pula. (ITLOG)

5. Pag araw ay bumbong, pag gabi ay dahon. (BANIG)

6. Oo nga’t sili, nasa loo bang aligi. (ALIMANGO)

7. Titi ng Kastila, liga-ligata. (PIPINO)

8. Tumindig siya at sinabing siya’y matapang. (TANDANG)

9. Puki ng pulubi, naninigas ang tabi. (POSPORO)

10. Langit sa itaas, langit sa ibaba, may tubig sa gitna. (NIYOG)

11. Ang manok kong pula, nagdapo sa banaba, nagpakita ng ganda. (BUWAN)

12. Ang aso kong puti, inutusan kong dali-dali. (LURA)

13. Una, siya’s sumigaw, bago siya nagnakaw. (LAMOK)

14. Bahay ko sa kaingin, nataba’y walang pakain. (KAMOTE)

15. Kawayan ko sa bundok, abot dito ang putok. (BALANGAW)

16. May balbas walang baba, may mata walang mukha. (TUBO)

17. May isang babai, sa tagiliran natai. (GILINGAN)

18. Nakalampas hindi nakabutas. (SALAMIN)

19. Sa bahay nagsampakan, sa lupa nagbunutan. (GULOG AT KALUBAN)

20. Maraming kuwarto, ngunit walang tao. (KAWAYAN)

21. May isang prinsesa, nakaupo sa tasa. (KASOY)

22. Sinampal ko muna, bago ko inalok. (SAMPALOK)

23. Magtag-ulan magtag-init, hanggang tuhod ang biyakis. (MANOK)

24. Buhok ng pare, hindi mahawe. (ULAN)

25. Alin dito sa mundo, ang pamagat ay C. D. O.? (BUWAN)

26. Dahon ng dahon, sanga ng sanga, ngunit di naman nagbubunga. (KAWAYAN)

27. Maliit pa si kumpare, naakyat na sa tore. (GUYAM)

[p. 8]

MGA BUGTONG: PAHINA 2

28. Humanda ka pandak, dadag-anan ka ng mabigat. (PALAYOK AT DIKIN)

29. Isang panyong parisukat, kung buksan ay nakakausap. (LIHAM)

30. Nagsaing si Hudas, kinuha ang hugas, itinago ang bigas. (NIYOG)

31. Tinga-tingalain, hindi ka abu-abutin. (NOO)

32. Limang magkakapatid, iisa ang dibdib. (KAMAY)

33. Isang bakod-bakuran, sari-sari ang nagdaraan. (NGIPIN)

34. Dalawang balong malalim, di maabot ng tingin. (TAYNGA)

35. Dumaan sa ilog, hindi nalunod, dumaan sa apoy, di nasunog. (ANINO)

36. Dalawang tindahan, sabay kung buksan. (MATA)

37. Ang bahay ni Gabriel, palibot ng baril. (PAPAYA)

38. Narito-rito na, hindi ko Makita. (HANGIN)

39. Pumasok, lumabas, dala ang panggapos. (KARAYOM)

40. Pinatigas ko muna, saka ko pinirot, sa butas ko isinuot. (PANAHI AT KARAYOM)

41. Hindi tao, hindi hayop, ang taynga ay nasa likod. (ARARO AT LIPYA)

42. Narito-rito na may sunog ng baga. (TANDANG)

[p. 9]

Riddles –

43. Ang baka ko sa Maynila, abot dito ang unga. (KALUGKOG, KULOG)

Prepared by:

(Miss) Victoria R. Custodio

PART I | PART II

Notes and references:
Transcribed from “History and and Life of the Sitio of Cawong” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post