San Miguel, Batangas (Town), Batangas: Historical Data Part II
PART II
PART I | PART II
[p. 6]
3. If it is your fate, whether you like it or not, it will come to you.
4. Still water runs deep.
5. One who does not look back from where he comes cannot reach his goal.
MATANDANG KAUGALIAN AT GAWAIN SA BUHAY
A. 1. Pag ang bahay na titirahan ng mag-asawa ay matagal gawin ay matagal ding panganakan.
2. Pa gang may bahay ay namatay sa panganganak, ang kanyang kaluluwa ay magtatamo ng langit.
3. Pag ang nanganak ay naghihirap ay ipinakakalag ang mga itinali ng asawa habang nagdadalang tao.
B. Pagbibinyag
1. Pag ang binibinyagan ay lalaki at ang mga kasama ay lahat na babae, ang ibig sabihin ay malapit ang mga babae sa lalaking ito pag naging binata.
2. Pa gang binibinyagan ay babae at ang mga kasabay ay lalaking lahat, ang ibig sabihin ay ang dalagang ito ay sabuhin.
3. Ang batang walang binyag ay malapit sa tukso.
K. Pagliligawan
1. Pag ang nangliligaw ay nagregalo ng medyas o ano mang panuot sa paa sa kanyang nililigawan, may paniwala ang marami na ang dalaga ay magtataksil.
2. Pag ang ala-ala ng binata sa dalaga ay matamis ay nagpapakilalang matamis ang kanyang pag-ibig.
3. Pag ang binata ay sumulat sa rosas na papel, ang ibig sabihin ay pag-ibig.
4. Ang iba’t ibang tayo ng selyo sa sobre ay nagpapahiwatig ng iba’t-ibang kahulugan.
D. Kasal
[p. 7]
1. Pag ang damit pangkasal ay isinukat ng ikakasal, nangangahulugang di magtatagal siya o dili kaya ay may masamang pangitain.
2. Ang bigas ay isinasabug sa kinasal upang magkaroon ng kasaganaan sa buhay at nang mag-anak ng mapuputi.
3. Binabasag ang palyok kapag pumapanhik ang ikinasal upang magkaroon ng maraming anak.
4. Ang lumaglag na belo sa ikinakasal ay nangangahulugang mamamtay ang isa.
5. Kung ang lalaki ay nauna sa babae paglakad buhat sa altar, ito’y nangangahulugang siya ang may kapangyarihan sa kanilang buhay.
E. Kamatayan
1. May paniwala na kapag ang tao ay namatay sa gabi ay maghihirap sa pamumuhay ang naiwan.
2. Pag ang namatay ay may naiwang utang of mahalagang bagay, pinaniniwalaang magbabalik ang kanyang kaluluwa.
3. Pag naipanaog ang bangkay, ang matandang anak nito ay hindi dapat bumalik ng bahay at di umano ay may susunod na mamamatay.
4. Huag papatakan ng luha ang bangkay at ito ay ipaghihirap ng kaluluwa.
F. Paglilibing
1. Upang huag maalaala ang naiwan ng namatay, ay pinapapaghulog ng bulaklak o lupa sa hukay ang naulila.
2. Pag umambon sa paghuhulog ng bangkay sa hukay, ang ibig sabihin ay ang namatay ay mabait.
G. Pagbibisita
1. Pag naghilamos ang pusa sa harap sa duyo, ang ibig sabihin ay may darating na bisita.
2. Pag natawa ang apoy, ang ibig sabihin ay may
[p. 8]
darating na bisita at may dalang ala-ala.
3. Pag may nalaglag na alin man sa kutsara o tinidor ay may darating na bisita sang-ayon sa nagpatak.
4. Pag sumugba ang langaw sa sabaw ay may darating na bisita.
11. Mga kuwentong walang katutuhanan, mga alamat, paniniwala, kahulugan, pamahiin, pinagmulan ng mundo, lupa, bundok, kweba, dagat, sanog, ilog, halaman, kahoy, hayop, araw, buwan, bituin, paglalaho ng buwan at araw, lindol, kidlat, kulog, alapaap, hangin, bagyo, pagpapalit ng panahon, at ang iba pang nilalang; ang unang lalaki at babae, ang panganganank ng kambal o marami pa, pagkakasakit, mangkukulam, mahika.
ANG ALAMAT NG DUHAT
Noong unang pahanon, nang ang Pilipinas ay nasa kapangyarihan ng Espanya, ay isang pulutong na mga taong maitim ang nanirahan sa isang gubat. Itong mga taong ito ay pinamumunuan ng isang taong ang pangalan ay Duhat. Siya ay isang mabait, tapat at marunong na pinuno.
Dahil sa kanyang kabaitan ay siya ay nagkaroon ng maraming kaibigan. Subalit sa kabila ng lahat ng ito ay mayroong aayaw sa kanyang palakad at tinangkang siya ay patayin. Ang balak na ito ay nagtagumpay. Bago siya namatay ay ang kanyang dugo ay napabuhos sa bunga ng isang halaman. Ang pulang bunga ay naging violeta. Ang bungang ito ay tinawag ng mga taong Duhat, bilang ala-ala sa nawalang pinuno nilang ang pangalan ay Duhat.
12. Popular songs, games and amusements
1. Kundiman | 2. Awit |
3. Pandanggo |
1. Dama 2. Sungka 3. Huego de Prenda |
4. Huego de Anillo 5. Sabong 6. Tubign |
[p. 9]
13. Bugtungan
a. Dala mo dala ka, dala ka pa ng iyong dala.
b. Nito na si Lola may sunog sa baga.
c. Kawayan ko sa bundok, abot sa Maynila ang hutok.
d. Ang isang butil ng palay, sikip sa buong bahay.
e. Hinigit ko ang bagin, nagkagulo ang matsin.
f. Pinilipit, kinadena, pinatungan ng bibingka; kinadena at pinilipit, pinatungan ng pilipit.
g. Kristal ang palyok, Kristal ang tungton, malamig na tubig ang iginagatong.
14. Mga salawikain
1. Walang matimtimang birhen sa matyagang manalangin.
2. Pag may sinuksok ay may titingalain.
3. Ang kapalaran ko’y di ko man hanapin, dudulog, lalapit kung talagang akin.
4. Pa gang tubig ay matining, asahan at malalim.
5. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makakarating sa paruruunan.
15. Pamamaraan ng pagsusukat ng oras, at di pangkaraniwang kalendaryo.
1. Ang tayo ng araw.
2. Ang awit ng ibong kalo.
PART THREE Other Information
1. No information on books and documents treating of the Philippines are available in this barrio.
2. There [are] no Filipino authors born or residing in this community.
PART I | PART II