Mahabang Dahilig, Batangas (Town), Batangas: Historical Data Part III
PART III
[p. 11]
8. Pagkakasakit – Sickness
Kapag ang isang tao ay sumalok ng bendita at pagkatapos ay naligo siya ay lalagnatin. Ito’y dahil sa ang tubig na bendita ay nahugas sa kanyang katawan.
If anybody gets fever after going to church because he takes a bath, it is because the holy water in is body was washed away.
Kung ang isang bahagi ng inyong katawan ay biglang sumakit at kayo ay may nakasalubong na tao at bumati sa inyo, kayo ay malalalinan.
If a part of the body becomes painful, they say another person happened to greet him. That is called “naalusan.”
Ang lunas doon ay yaong inaakalang nakalaling tao ay hinahagod ng ikmo yaong taong nalalinan.
The cure for this is that the suspected person chews ikmo and the chewed ikmo is spread over the aching part of the person.
Kapag ang isang babae ay nagsilang agad ng isang sanggol na kulang sa gulang, naniniwala silang “patianak” ang sumusunod.
A pregnant woman who delivers a premature child is said to have been followed by a patianak.
Pinaniniwalaan din nila na mayroong mangkukulam na nakakilala sa pamamagitan ng nagniningas na kamay. Kapag nakakita ng tubig sa mga pusali ng bahay. Pagkatapos ang mga nagsisipanirahan sa bahay na iyan ay magkakasakit.
It is believed also that there is a mangkukulam who is identified by having burning fingers at night and black nails during the day. When he sees water under houses, he soaks his hot fingers and after this the family gets sick.
12. Popular songs, games and amusements
Mga kinagigiliwang awitin, laro at libangan.
[p. 12]
Ang mga kinagigiliwang mga awitin sa nayon ng Mahabang Dahilig ay ang mga sumusunod:
1. The most popular songs in Mahabang Dahilig are:
b. Sinilangan
c. Mga makabagong awitin
2. Games – laro
b. Sakate
c. Luksong tinik – Jump the spine
d. Pata
e. Luksong lubid – Jumping rope
3. Amusements – libangan
b. Gambling – Sugal
c. Cockfighting – Sabong
d. Reading Tagalog magazines – Pagbasa ng babasahing Tagalog
13. Mga bugtong – Puzzles and riddles
1. |
Lumalakad, walang paa
Without feet, it walks |
2. |
Baboy sa pulo
I have a pig in an isle |
3. |
Isang magandang dalaga
A beautiful lady |
[p. 13]
4. |
Nagtago si Pedro, labas ang ulo. – Pako Pedro hid, his head could be seen yet. – Nail |
5. |
Isang butil ng palay, sikip sa buong bahay. – Ilaw A grain of palay crowds a room. – Lamp |
6. |
Walang puno't walang ugat It has no roots but has flowers. – Stars |
7. |
Buhok ng pari, hindi mahawi. – Tubig. The priest's hair which can't be combed – Water |
8. |
Buhok ni Adan, hindi mabilang. – Ulan Adam's hair which could not be counted. – Rain |
9. |
Apat na sundalo, iisa ang sumbrero. – Haligi Four soldiers who wear a hat. – Post |
10. |
Hugis puso, kulay ginto. – Mangga
Heart-shaped and golden |
11. |
Noong walang ginto ay saka palalo
When she was empty of gold she was proud |
12. |
Hindi hayop, hindi tao
Neither an animal nor a person |
14. Mga Salawikain – Proverbs
1. | Kung ano ang hinala ay siyang gawa |
[p. 14]
What one suspects, it is what he does. | |
2. |
Magpakahaba-haba ng prosisyon, sa simbahan uurong. No matter how long the procession is, the church is its destination. |
3. |
Ang lumalakad ng matulin, matinik man ay malalim.
One who walks fast, when it hurts, hurts gravely. |
4. |
Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang. A wounded hero becomes braver. |
5. |
Kung ano ang bukang bibig ay siyang laman ng dibdib. What one speaketh, her heart keepeth. |
6. |
Kapag may sinuksok ay may titingalain.
If you keep something up in the roof |
7. |
Kapag may itinanim ay may aanihin. If something is planted, something will be harvested. |
8. |
Ang hipong tulog ay dinadala ng agos. A sleeping shrimp is carried away by the current. |
9. |
Daig ng maagap ang masipag. It is better to be up-to-date than to be industrious. |
10. |
Matalino man ang matsin Mapaglalamangan din. |
[p. 15]
Though a monkey is intelligent He can be fooled. | |
11. |
Mahirap ang mamangka sa dalwang ilog. It is difficult to go boating in two rivers. |
12. |
Pag ang tubig ay maingay, tarukin mo at mababaw.
If the water is noisy, be assured that it is shallow |
15. Paraan ng pagtingin sa oras, mga tanging kalendaryo.
a. Ang Mahabang Dahilig ay isang nayon kung kaya’t hangga ngayon ay mayroon pa ring tumutukoy sa oras sa pamamagitan ng pagtingin sa lagay ng araw. Kung ang araw ay nasa silangan nangangahulugang umaga pa. Kung ito naman ay nasa gawing kanluran na, nagpapakilalang hapon na o lagpas na sa katanghalian.
Kung sa gabi at medaling araw ay nalalaman nila ang oras sa pamamagitan ng tilaok ng manok.
Marami na rin sa kanila ang may sari-sariling orasan at nauunawaan nila ang paggamit.
Mahabang Dahilig being a barrio has still some old folks that tell time by looking at the direction of the sun. If the sun is still in the east, it is still morning, but if it goes to the west, it shows afternoon time.
At night and at dawn, the barrio folks watch or listen for the crowing of the cocks for it alarms the four to five o’clock in the morning.
Some already own clocks and time pieces.
b. Ang mga kalendaryo ngayon sa bukid
[p. 16]
na ito ay mga kalendaryong ginawa na at nagsasaad ng tumpak ng mga ngalan ng araw at buwan gayong din ang taon.
The calendars used in this barrio are calendars purposely made which relates the exact names of days, months and years.
16. Ibang kwento tungkol sa nayon – Other folktales
Noong unang pahanon ng Kastila ay may isang kawal na pinatay ng isang magsasaka. Ito diumano’y totoong mapanikil at malupit na kawal (Kastila). Isang gabing namamasyal ang Kastila, ang magsasakang pinaglupitan niya ay nagkaroon ng pagkakataon na siya ay nasundan. Pagdating sa isang ilang na pook ay sinaksak ng magsasaka ang kawal hanggang sa mamatay. Mula noon ay sa may tabing-sapa sa Mahabang Dahilig ay nababalita ang isang aninong lumalabas sa kalaliman ng gabi. Ito, ayon sa sabi ng isang malaking tao na lumiligid sa may paaralan ngayon. May nagsasabi pang may mga bakas ng galamay ng malaking tao sa dinding ng paaralan. Ito ay nakikita sa kinaumagahan. Ang paniwala ng taga roon ay ang multo ng Kastila ang lumalabas kung gabi.
During the Spanish time, there was a cruel Spanish soldier. One of the victims of his cruelty was a farmer. One evening, while he was taking a walk, the farmer followed him. When they came to a thicket, he stabbed the Spaniard to death. After several nights by the riverside appeared the dark shadow of a person resembling that of the soldier. According to stories, this could be seen lingering around the school near the place where the killing happened. Still others say that fingerprints could be seen on the walls of the school building the next morning. They believe that the Spaniard’s ghost goes around the night.
oo0oo