Aplaya, Bauan, Batangas: Historical Data Part II - Batangas History, Culture and Folklore Aplaya, Bauan, Batangas: Historical Data Part II - Batangas History, Culture and Folklore

Aplaya, Bauan, Batangas: Historical Data Part II

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART II

PART I | PART II

[p. 6]

Sitsiritsit, alibangbang,
Salaginto, salagubang
Ang babae sa lansangan
Gumigiring parang tandang.

Ale, ale, namamangka,
Isakay mo yaring bata,
Pagdating mo sa Maynila
Ipapalit sa manika.

Ale, aleng namamayong
Isukob mo yaring sanggol,
Pagdating mo sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.

Meme na bunso ko
Ang tatay mo’y wala rito
Nagpunta sa ibayo
Bumibili ng putong
Ipapakain sa iyo.

Meme na ang batang munti
Isisilid ko sa gusi;
Ang pagdaraan ng pari’y
Ipapalit ko ng salapi.

Meme na ang batang sanggol
Isisilid ko sa bumbong
At pagdaraan ng patron
Ipapalit ko sa bagoong.

oo000oo

Tulog na, tulog na batang matulugin
Pagkamayamaya’y kita’y gigisingin
Ang sasabihin ko’y “Bangon ka na, Ineng,
Bangon na si Nene’t bibili ng saging.”

Meme na, meme na, ang bata
Ang ina mo’y buntis, ang tatay mo’y wala
Kung ikao ay matulog para kang mantika
Kung ikao magising para kang guya.

oo000oo

May isa raw papel na lilipad-lipad
Sambutin mo, Neneng, ng dalwa mong palad
Kung itatanong mo ang laman sa sulat
Ang batang si Pepe’y humihinging tawad.

[p. 7]

Games and Amusements

The games and amusements in which the people of Aplaya need to indulge are the “Tres Siete,” “Entre Seis,” “Panguigue,” “Quijo,” and cockfighting. Young boys pass their time playing basketball. “Tres Siete” and “Entre Seis” are the recreational games of young men and young ladies during parties or during “lamayan.” The “panguigue” and “quijo” are the games of the adults.

Puzzles and Riddles

1.Matanda na ang nuno
Hindi pa naliligo.
1. Pusa
2.Heto na si lelong
Bubulong bulong.
2. Bubuyog
3.May ulo'y walang buhok
May tiyan, walang pusod.
3. Palaka
4.Baboy ko sa pulo
Balahibo'y pako
4. Nangka
5.Isda ko sa Maribeles
Nasa loob ang kaliskis.
5. Sili
6.Isang prinsesang marikit
Nakaupo sa tinik.
6. Pinya
7.Nang bata pa ay nagsaya
Naghubad ng dalaga na.
7. Mais
8.Maitim na parang uwak
Maputing parang busilak
Walang paa'y nakakalakad
Sa hari'y nakikipag-usap.
8. Sulat
9.Lumalakad walang paa
Lumuluha walang mata.
9. Pluma
10.Duwag ako sa isa
Matapang ako sa dalawa.
10. Tulay na kawayan.
11.Eto na si kaka
May sunog sa dampa.
11. Pagong
12.Dalawang tindahan
Sabay buksan
12. Mata
13.Dalawang magkumpare
Mapauna at mapahuli.
13. Paa
14.Gintong binalot sa pilak
Pilak na binalot sa balat.
14. Itlog

[p. 8]

15.Buto at balat
Lumilipad.
15.Papagayo
16.Tubig ako sa digan-digan
Di mapatakan ng ulan.
16.Tubig ng niyog
17.Malalim kung bawasan
Mababaw kung dagdagan.
17.Tapayang may tubig
18.Ako'y nagtanim ng granada
Sa gitna ng laguerta
Pito ang puno at pito ang bunga
Pitong pari ang nangunguha.
18.Pitong sacramento
19.Kung kelan ko pa pinatay
saka nagtagal ang buhay
19.Kandila
20.Hiniila ko ang bagin
Nag-ututan ang matsin.
20.Kampana
21.Bumile ako ng alipin
Mataas pa sa akin
21.Sambalilo
22.Bagama't may takip
Ay nakakasilip.
22.Matang may salmin

Proverbs and Sayings

1. Pakristo ka na, pahesus ka pa.

2. Ibang pari, ibang ugali.

3. Ang naniniwala sa sabi

Walang bait sa sarile.
4. Ang nagtatanim ng hangin
Bagyo ang aanihin.
5. Ang may sinuksok sa dingding
Ay may titingalain.
6. Pagkaraan ng ulap
Ay lilitaw ang liwanag.
7. Pinupuri sa harap
Sa likod ay nililibak.
8. Walang matigas na tutong
Sa taong gutom.

[p. 9]

9. Marunong man dao ang matsin
Ay napapaglamangan din.
10. Ang taong napipilit
Sa talim man ay nakapit.
11. Walang matimtimang birhen
Sa matiyagang manalangin.
12. Magpakataas-taas ang lipad
Sa lupa rin ang bagsak.
13. Bago ka pumula ng sa ibang uling
Ang uling mo muna ang iyong pahirin.
14. Naiiwan ang saya
Ay hindi ang dasa.

15. Kilala sa labong ang magiging bumbong.

16. Wala sa pigura at nasa linahi
Ang iginaganda ng isang babayi.
17. Ang makipatol sa wala
Ul-ol ang kahalimbawa.
18. Nahangad ng karampot
Nawala’y isang dakot.
19. Magsisi ka man sa huli
Ay wala nang mangyayari.
20. Ang taong maagap
Daig ang masipag.
21. Ang taong walang kibo
Nasa loob ang kulo.
22. Ang bayaning masugatan
Nag-iibayo ang tapang.
23. Kusinerong Markos
Naluluto’y nauubos.
24. Bumiro ka na sa lasing
Huwag lamang sa bagong gising.

25. Sa bawa’t gubat ay may ahas.

Methods of Measuring Time

During the early days in the past, time was measured by the number of cigarettes smoked, by the shadow of the objects and by the condition of the tide of the sea. This method of measuring time is still used by some old people.

oooooooo00000oooooooo

PART I | PART II

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of the Barrio of Aplaya” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post