Tumalim, Nasugbu, Batangas: Historical Data Part III - Batangas History, Culture and Folklore Tumalim, Nasugbu, Batangas: Historical Data Part III - Batangas History, Culture and Folklore

Tumalim, Nasugbu, Batangas: Historical Data Part III

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART III

PART I | PART II | PART III

[p. 11]

At krus ng kamatayan
Ay sa akin nakapataw
Naikaw, ang dahilan

Koro

Sa gabing madilim
Ng sawi kong palad
Napapangarap ka
Sa buong magdamag
Kung ako’y magising
Na di ka mamalas
Itong sugat ng puso ko
Ay lalo pang naghihirap

----------
Ang Kagandahan Mo

Magmula ng kata’y magkita – Lalaki
Ang kagandahan mo’y sadya
Puso ko’y nabalisa
Inakay mo sa pagsinta;
Iwawaksi ko na sana
Ang gawaing panininta
Isa ko pang alaala baka ako’y hiyain mo pa.

Ikaw pala’y may nasa – Babae
Na ako’y paglingkuran
Bakit di mo pa sinabi
Noon pa mang unang araw
At sa puso mo’y pinamalagi
Ang dilang kalumbayan.

O, irog alalahaning kita’y di dapat gawin – lalaki
O, giliw aking mahal, ito’y do mo dapat at gawin – babae

----------
Luha Mo Rin Ang Papatak

Sinisinta kita’y di ka kumikibo
Akala mo yata’y may kahalong biro
Saksi ko ang tikling, sampu ng labuyo
Kung di kita sinta’y magputok ang puso.

Koro

Aba’y naku! Di naman dapat
Ang magkamit niyaring palad
Ang luha mo rin ang siyang papatak
Kung Makita mo sa hirap.

[p. 12]

MGA PALA-ISIPAN

1. Si Pedro’y aking inutusang bumili ng singkong tubig, singkong kahoy, singkong niyog; ang padala ko ng pera ay singko ngunit nang dumating ay ipinagbili ko'y hustong-husto. (niyog)

2. May dalagang magkaibigan; ang isa’y nagtitinda ng sintones at ang isa nama’y may kaibigang binata. Ang wika ng dalaga, makakuha ka lamang ng sintones na hindi binibili, hindi rin ninanakaw at ni hindi hinihingi ay Iibigin kita. Ang madali ang sagot ng binata’y, “Siguradong magiging akin ka ngayon.” Ano ang gagawin ng binata? (Sagot – Pinaltok ng maliit na bato ang dalagang may tindang sintones at nang magalit ang dalaga ay pinaltok siya ng maraming sintones.)

3. May tatlong baboy sa ulbo, naglukso ang isa. Ilan ang natira? (tatlo)

4. Mayroong tatlong pusa ng magkakaibigan. Nagkayakagan silang mamasyal sa bukirin. Maya-maya’y dinaanan sila ng pagod kaya nagpahinga sa lilim ng Isang punong kahoy. Sa kanila ng pagpapahinga’y bawat isa ng pusa’y nakakita ng dalawang pusa. Ilan silang lahat kung magkakasama-sama? (tatlong pusa)

5. May isang hari ng malupit na may anak na prinsesa. Nagpagawa siya ng tore at ipinakulong ang prinsesa na napapaligiran ng bakod na bakod. Lahat ng pinto ay may guardia na ang ispada’y bunot. Ipinabalita ng hari sa mga tao na sino man ang makapasok sa tore ay ipakakasal niya ang prinsesa. Ano ang ginawa ng pumasok at hindi napatay? (Pinagkukuha bunot ng niyog kaya nakapasok.)

MGA BUGTONG:

1. Ito na si kaka, may sunong na dampa. (pagong)

2. Ito na si kaka, may sunong na baga. (manok)

3. Kahoy na pilipilipit, pilipilipit man ay matuwid, kung iisipin ay may bait, nakagugulo ng isip. (sulat)

[p. 13]

4. Dalawang balon, hindi malingon. (tainga)

5. Ang anak ay naupo na, ang ina ay nagapang pa. (kalabasa)

6. May ulong walang mukha, may binti walang hita. (pako)

7. Puno’y kahoy, sanga’y anos, daho’y kalabasa, bunga’y gatang, laman ay paminta. (papaya)

8. Nanganak muna bago maglihi. (palay)

9. Bahay ni giring-giring, butas ang dingding. (bithay)

10. Isang bayabas, pito ang butas. (ulo ng tao)

11. Hapula-haputi, iskuwilang munti. (itlog)

12. Dahong pinagbungahan, bungang pinagdahunan. (pinya)

13. Nagtago si Pakito, sipot din ang ulo. (pako)

14. Isa ang sinuutan, tatlo ang nilabasan. (baro)

15. Puno’y bias-bias, daho’y waras-waras, bunga’y perlas. (palay)

16. Araw gabi’y lumalakad, hindi napupuyat. (tubig)

17. Isang kamalig na sundalo, puro itim ang ulo. (posporo)

18. Kapirasong patpat ngayon sa bundok nagtaboy ng hayop. (suyod)

19. Walang puno, walang ugat, humihitik ang bulaklak. (bituin)

20. Maghapong kaabay, hindi mahipo ang tiyan. (sahig)

21. Lumuluha’t umiiyak, patay ang kausap. (sulat)

22. Walang binhing tinatanim, taon-taon ay kinakain. (kabuti)

23. Bahay ni Kiko, punong-puno ng ginto. (itlog)

24. Nagkula’y walang sala, nagsisising walang sala. (kulasisi)

25. Dahon ng dahon, sang ng sanga, wala namang bunga. (kawayan)

[p. 14]

PROVERBS AND SAYINGS
(English and Tagalog)

The Filipino proverbs are our valuable heritage which enrich our daily conversations as in many nations. They constitute a sort of unwritten law, eternally written in the soul of the nation.

1. He is growing like a bamboo tree.

But he is not properly brought up.

Lumalaking parang kawayan.
Ay walang kasaysayan.

2. Whether or not a person chews betel nut is shown in his mouth.
Makikilala sa labi ang palanganga’t hindi.
3. Better a glutton than a thief.
Mabuti pa ang matakaw kay sa magnanakaw.
4. Though we may guard a pig with zealous care,
It will always wallow in the mire.
Mahalin man ang baboy, sa dumi rin gumugulong.
5. Soft words comfort the heart.
Ang marahang pangungusap sa puso’y nakakalunas.
6. Borrowing is the source of trouble.
Ang panghihiram ay simula ng hinanakitan.
7. One need not inherit riches

If he inherits good behavior.

Di man magmana ng pag-aari,
Magmana lamang ng ugali.

8. Never make a promise that you cannot fulfill.
Huwag mangako ng hindi matutupad.
9. It is more blessed to give than to receive.
Mabuti pa ang magbigay kay sa tumanggap.
10. A modest girl is known by her behavior.
Ang mahinhing dalaga sa kilos nakikilala.
11. Bamboo or wood of any kind,
Will never decay if cut in due time.

[p. 15]

Alin mang kawayan o kahoy ay di bubukbukin
Kung taga sa panahon.
12. The earth has ears, rumors have wings.
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
13. The word of the liar cannot be trusted.
Ang salita ng sinungaling, kahit katotohanan ay hindi pinaniniwalaan.
14. One may lose his riches so long as he keeps his words.
Masira man sa pamimilak, huwag sa pangungusap.

Methods of Measuring Time

In the peaceful barrio of Tumalim and the sitios within its jurisdiction, the people seldom use the commercialized clock. Instead, the content in advising Mother Nature as there accurate time-teller.

They are the following:

(1) The crowing of the cock:
(2)

According to the beliefs of the old folks of the barrio, the first crowing of the cock is at nine o'clock; third growing at three o'clock; fourth crowing at four o'clock in the morning.

(2) Looking at the stars:

(a) The Big Dipper appears at 7:30 P.M.
(b) The Morning Star appears at 4:00 A.M.
(c) The constellation which is formed like a cross when tilted in the direction of the east denotes time from 8:00 – 11:00 P.M. At 12 o’clock in the evening, the cross is very well formed; from 1:00 – 4:00 A.M. it is tilted in the direction of the west.

(3) At daytime, the usual and easiest time-teller is the sun. However, in the absence of the sun, the Mirasol flower is substituted because its flower faces the direction of the sun.

(4) When patola is in season, the flower opens at 5:30 A.M.

[p. 16]

(5) The flowering plant so-called “Lascuatro” in the Spanish language opens its flower at 4 o’clock.

(6) The bird so-called in the national language as “calo” starts singing at 7:30 A.M.

(7) The leaves of the acacia tree, so-called “rain tree,” and the wild mongo plant, close their leaves at 5:30 P.M.

PART I | PART II | PART III

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of Tumalim,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post