Santa Maria, Bauan, Batangas: Historical Data Part II - Batangas History, Culture and Folklore Santa Maria, Bauan, Batangas: Historical Data Part II - Batangas History, Culture and Folklore

Santa Maria, Bauan, Batangas: Historical Data Part II

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART II

PART I | PART II

[p. 6]

6. People believe that if a very young child suddenly develops fever without any apparent reason, that child has been frightened by something that adults cannot see, or that a stranger has taken a fancy to the child and wants to take it from the parents. It is believed that the cure for such a situation is known as “tawas.”

7. The first rain of May, if drunk, is the best cure for stomach troubles.

8. Seeds of vegetables are wrapped in pieces of paper and inserted between the eaves of the house to prevent weevils.

9. It is believed that boils are caused by sitting on pillows or cushions.

10. Bottles or pots are suspended from trellises for ampalaya, upo, patola, and other vegetables so as to bring good to the plants.

11. To maintain prosperity, one who has just built a new house, the owner must fill a pot with lugaw in which has been mixed some mongo. The tightly seal the pot. This is suspended from the ceiling and supposedly attracts [luck?] into the house.

12. A palm leaf [that] has been blessed during Palm Sunday, when placed inside the house, it will divert lightning and other destructive elements from the house.

13. Doors must not face each other or else they will bring bad luck.

14. Transferring residence or occupying a new house must always be done when the moon is getting larger not when it is smaller.

15. To bring good luck to a new house, money is placed under the post of the house. This is to be done secretly.

16. Most house owners want their stairways to face the east. At any rate, the stairway must never face the west. This is founded on [the] belief that since it is in the east that the sun rises, a house whose stairway faces that direction will be blessed with good luck.

17. In planting a banana, one should not look up the plant. If he does, the banana will grow very tall before it bears fruit.

[p. 7]

18. One should not point at a budding or fruiting tree or fruit will not develop.

19. A conceiving woman who develops a strong liking for the fruit of a certain tree will cause that tree to be sterile, that is, it will not bear fruit thereafter.

12. POPULAR SONGS, GAMES AND AMUSEMENTS:

a. Harana ni Boanerjes
b. Alavina
c. Camia Flower
d. Awit ng Pulubi
e. Lumilim ka Angge
f. Bahay Kubo

13. Puzzles and Riddles:

a. Dalawang tindahan, sabay buksan – mata
b. Buhok ng pari hindi mawahi – tubig
c. Bahay ng senyora libot ng espada – pinya
d. Bahay ng hukom libot ng kanyon – papaya
e. Isang princesa nakaupo sa tasa – kasoy
f. Isang munting bakuran sari-sari ang nadaan – bibig
g. Alin dito sa mundo nasa labas ang buto – kasoy
h. Pagtanda naglilislis, pag bata’y nagtatapis – kawayan
i. Dalawang magkapatid, tig-isa ng silid – mata
j. Bahay ni kiring-kiring butas-butas ang dingding – bakid
k. Isang biging palay sikip sa buong bahay – ilaw
l. Ito ito na may sunong na baga – tandang
m. Ako’y nagtanim ng granada sa puno ng laguerta, pitong puno, pitong bunga, at pitong pare ang nanguha – Pitong Sakramento
n. Walang kampit, walang itak, gumagawa ng bahay ng ipit – gagamba
o. Lumalakad walang paa, lumalakad walang pluma – pluma
p. Limang magkakapatid, tig-iisa ng silid – kuko ng kamay
q. Mataas ang ibinitin kay sa pagbibitinan – saranggula
r. Mahaba kung nakaupo, maigsi kung nakatayo – aso
s. Nang bayaan ay nabuhay, nang hawaka’y namatay – dahong makahiya
t. Iisa ang hitsura, marami ang pangalan niya – palay
u. Kung hipuin ay malamig, usok ang paligid – yelo
v. Nakalatag kung gabi, kung araw nakatabi – banig
w. Gumagapang pa ang ina, ang anak ay umuupo na – kalabasa
x. Magtag-ulan magtag-init, hanggang tuhod ang bayakis – manok
y. Ang paa’y apat, hindi naman nakakalakad – la mesa
z. Munting tampipi, punong-puno ng salapi – sili
A. Baboy ko sa pulo, balahibo’y pako – langka
B. Matanda na ang nuno hindi pa naliligo – pusa
C. Aling ina ang sumususo sa anak – dagat
D. Tinaga ko sa puno, sa dulo nagdurugo – gumamela
E. Na ito na o ito na hindi pa nakikita – hangin
F. Dalawang biyas na kawayan mauna’t mahuli – paa ng tao
G. Nagsaing si Hudas, kinuha ang hugas, itinapon ang bigas – gatas ng niyog

[p. 8]

H. Hugis puso, kulay ginto, mabango kung amuyin, masarap kung kanin – mangga
I. Umupo si maitim, sinulot ni pula, nang lumaon ay kumara-kara – sinsing
J. Hindi pa natatalupan, nanganganinag na ang laman – kamatsili
K. Di madangkal, di madipa, pinagtutulungan ng lima – karayom
L. May puno walang sanga, may dahon walang bunga – sandok
M. Ako’y may kaibigan, kasama ko saan man, mapatubig hindi nalulunod, mapaapo’y hindi nasusunog – anino
N. Hindi hari, hindi pari nagdadamit ng sari-sari – sampayan

14. PROVERBS AND SAYINGS:

1. Malakas ang bulong kay sa sigaw.
2. May taynga ang lupa, may pakpak ang balita
3. Walang lihim na di mahahayag din.
4. Ang bibig na tikom, ligtas sa linggaton.
5. Sa bibig nahuhuli ang isda, ang tao ay sa salita.
6. Ang taong mahirap na laging tahimik, daig ang mayamang laging nasa panganib.
7. Kung anong puno’y siyang bunga.
8. Ang pangako kong makaliban, tupdin ma’y wala nang linamnam.
9. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
10. Ang tao’y kung magwiwika, ang mga sinabi’y dapat isagawa.
11. Bago ka pumahid ng sa ibang uling, ang iyo muna ang iyong pahirin.
12. Sino ma’t palamara, sa biyaya’y huag kang aasa.
13. Ang sino mang magdaraya ay di magkakamit ng biyaya.
14. Ano man ang gagawin, makasampo munang iisipin.
15. Ang palalong walang toto, api saan pumatungo.
16. Walang matalim na hasa, pag sa buto tumama.
17. Tuso man ang matsin, napaglalamangan din.
18. Ang biyayang handog, mabisang panghimok.
19. Ang taong mapaghili sa kayamanan at ari, hindi luluwat at sa hirap lulugami.
20. Walang mabuting di may kapintasan, walang masamang di may kapurihan.
21. Hindi nakikita ang butas ng palakol, nguni’t nakikita ang butas ng karayom.
22. Pag ika’y lumura ng paitaas, sa mukha mo rin ang patak.
23. Sa aral na matimyas, walang lugod na malalasap.
24. Ang kuwarta man ay kuliro, itago mo’y iyan ay iyo.
25. Ang mga gawi pagkabata, dala hanggang tumanda.

15. METHODS OF MEASURING TIME, SPECIAL CALENDAR:

During the old days in the barrio of Sta. Maria, watches were not used, but instead they used the position of the sun, the shadow of the trees, the rays of the sun that entered the houses, and the crowing of the cock at midnight.

[p. 9]

Some kinds of birds signified the different times of the night and day. Some kinds of plants opened their buds at ten o’clock in the morning, the acacia trees and leaves that bloomed between night and day. The appearance of the stars in the morning and the evening stars, the dippers and also the Ark of Noah signified the different hours of the night.

The methods of measuring time during the previous days were somewhat primitive, but since civilization continues its progress, these methods of measuring time now in this barrio was little by little disappearing in the minds of the barrio folks and they are not used in general.

16. Folktales:

PUNO NG BALETE SA NAYON NG STA. MARIA

May isang puno ng balete sa tabi ng dagat sa nayon ng Sta. Maria. Itong baliteng ito’y naging isang kapulungan ng mga tao sa nayong ito. Mayroong nagsasabi na ang punong ito ay pinamamahayan ng isang maligno. Dahil dito’y walang makapangahas na dumaan at mangahoy sa lugal na iyon. Ayon sa sabi ng matatanda’y magkakasakit daw ang taong dumaan doon o kaya’y batiin ang nasabing puno. Marami rin ang nagsasabi na ang taong mangahoy sa lugal na iyon ay masasaktan ng wala sino mang napalo. Kaya’t ang lugal na ito’y pinagkatakutan ng lahat ng tao sa lugal na ito.

Isang araw ay mayroong matapang na lalaki na nangahas na umakyat sa nasabing puno ng balete. Ang matapang na lalakeng umakyat na siya’y nahulog dahil sa wari niya’y may nagtulak sa kanya. Siya ay nagtamo ng maraming sugat sa katawan. Mayroon ding nagbabalita na mayroon ding nahulog na babae.

Dahil sa maraming mga pangyayaring ang sino mang mangahas o dumaan o umakyat sa puno ng baleteng ito ay nagkakasakuna, ay maraming tao ang takot magdaan ditto o mangahas hanggang sa ngayon.

ANG DWENDE SA BUNDOK NG STA. MARIA

Isang matandang lalake sa nayong ito ang nagkukuwento tungkol sa mga dwende ng bundok. Sinasabi sa gabing tahimik na madilim na madilim na walang buwan ay siya ay nakakatanaw ng maliliit na tao sa bundok na kung tawagin niya ay mga dwende.

Sinabi rin ng matandang ito na kung tahimik ang mga gabi’y nakakapakinig siya ng mga kalansing ng bakal

[p. 10]

sa bundok na iyon. Mayroon daw doon na nahuhukay nag into sa bundok na iyon, ngunit walang taong makapangahas na pumaraon. Sinasabi rin ng matandang ito na kung tahimik na tahimik ang gabi ay napapakinggan ang taginting ng salaping ginto. Ayon daw sa matatanda ay mayroon isang matandang-matandang enkantado na nagtatanod sa maraming salaping gintong ito sa bundok na iyon. Doon ay maliwanag na maliwanag kong gabing walang buwan ni bituin.

Sa gitna ng gabi na maliwanag na maliwanag ang buwan lahat ay tahimik na tahimik ay nakikita niya ang mga maliliit na taong may dalang tambol at gitara. Mayroon dalang trumpeta at silindron na nag-aawitan at sumasayaw sa kanilang tapat. Ang mga dwendent ito’y mababait at sila’y naghaharana sa magagandang dalagang nakikita nila. Ngunit isang araw ay mayroon taong hinabol ang dwende. Nagkatakbuhan sila at ang iba pa’y nasaktan at napilayan. Sila’y nagtago ng mahigpit sa ilalim ng bundok na iyon. Kaya mula noon ay wala na tayong nakikitang dwende sa pook na iyon.

Prepared by all teachers of
Sta. Maria Elem. School

CONRADO DIMAUNAHAN
Head Teacher

PART I | PART II

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of the Barrio Sta. Maria” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post