Reparo, Nasugbu, Batangas: Historical Data Part III - Batangas History, Culture and Folklore Reparo, Nasugbu, Batangas: Historical Data Part III - Batangas History, Culture and Folklore

Reparo, Nasugbu, Batangas: Historical Data Part III

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART III

PART I | PART II | PART III

[p. 13]

11. Kapag kabilugan ng buwan ay may vampire.
When it is full moon, vampires come out. They have wings and are bloodthirsty creatures. It is believed that they are the followers of Dracula.
12. Pa gang isang tao ay pumatay ng pusa, siya ay magbibilang ng balahibo ng pusa sa langit.
If a person kills a cat, he will count the cat’s hairs in heaven after death.
13. Kung ikaw ay pupunta sa sabungan at sa daan ay may nasalubong kang ahas o pusang puti, ikaw ay mananalo.
If, on your way to the cockpit, you meet a snake or white cat, you’ll surely win.
14. Kung ikaw ay nakagat ng bangkalang, uminom ka kaagad sapagka’t kung ikaw ay maunahan, ikaw ay mamamatay.
If you are bitten by an alligator, drink at once, because if this venom drinks ahead of you, you will die.
15. Pag ang babaeng nagdadalang-tao ay naupo sa may pintuan ng bahay, siya ay maghihirap sa panganganak.
If a woman on the family way sits beside the door, she will suffer on her delivery.
16. Bago ka manaog ay magantanda ka muna.
Make the sign of the cross before leaving the house.
17. Pag ang tala sa umaga ay malapit sa buway ay mayroong magtatanan.
When the morning star is near the moon, someone will elope.
18. Mabuti ang magtanim ng pinya sa hapon upang ang mga mata ng pinya ay maging mababaw.
It is advisable to plant pineapple in the afternoon so that its eyes will be shallow.
19. Sa paghahasik ng palay, dapat ilaylay ang manggas ng baro, upang lumaylay ang dahon ng palay.
In sowing palay, the sleeves should be let to hang so that the leaves of the palay will hang at harvest.

[p. 14]

20. Huag magtaklob ng bakid o sima pag hapon, pagka’t baka [maging] matahing manok.
Do not put over your head a net because you will have poor eyesight at night.
21. Ang pusod ng bata ay huwag pababayaang makuha ng daga sapagka’t magiging mang-uumit.
The [umbilical] cord of the child should be kept so that the rat cannot get access to it, otherwise the child will become a thief.
22. Ang mag-aanak sa binyag ay dapat magpakimkim sa inaanak upang sila ay huag maging masasaktin.
The godparents should give something to the godchild so that they will not be susceptible to illness.
23. Sa baso ilagay ang inunan ng bata para pumuti ang ngipin paglaki.
Place the placenta of the child in a glass so that the child will have white and brilliant teeth.
24. Ang inunan ng bata ay dapat labhan bago ibaon upang huwag maging matigas ang ulo paglaki.
The placenta of the child should be washed first before it is buried so that she will not be stubborn.
25. Ang mga pusod ng mga magkakapatid ay dapat sama-sama upang huwag mag-away-away.
The [umbilical] cords of the brothers and sisters should be kept together so that they will not quarrel.
26. Ang babaeng nagdadalang-tao kapag pumanhik sa bahay ay dapat tuloy-tuloy agad upang huwag mahirapan sa panganganak.
A woman who is on the family way, when going upstairs, should go directly without stopping so that she will not suffer much during delivery.
27. Ang batang bagong anak ay huwag buhusan sa ulo kung paliliguan pagka’t baka maging siponin.
In bathing a newly-born baby, do not pour water over his head because he will be susceptible to cold.

28. Ang asawa ng babaeng nagdadalang-tao ay masamang magtukod ng bahay pagka’t mahihirapan sa panganganak ang asawa niya.

[p. 15]

INTERPRETATIONS:

Ang ilan sa mga pangitaing pinaniniwalaan ng mga taong-bayan ay ang mga sumusunod:

1. Birth of twins or more – The women, during the period of conception, like to eat twin fruits like twin bananas and others.

2. Pag humuni ang usa ay uulan.
When the deer shouts, it will rain.
3. Pag ang tandang-hawo ay nagpakanluran sa tag-ulan, nangangahulugang mag-iinit at pag magpasilangan ay mag-uulan.
When the tandang-hawo (a kind of bird) flies westward during the rainy season, sunny days will follow, and vice-versa.
4. Pag ang “hulawan” (isang uri ng ibon) ang humuni sa medaling araw ay kakaunti ang palay, maglulugaw. Pag ang bahaw ang humuni sa medaling araw ay tama ang palay sapagka’t magkakabahaw.
When the bird called “bahaw” first tweets in the early morning, there will be a good harvest of rice; when the oriole first tweets in the early morning, there will be famine.

PUZZLES:

1. Ako’y may trabaho, araw-araw ang gawa ko’y peso, makapapagpautang pa sa tao.
S – Kulang ang kinikita ng tao kaya’t marami na siyang utang. Kung hindi na siya makautang ay nakiki-usap sa isang kaibigan na siya ay iutang naman. – “Nagpapa-utang sa tao.”

2. Ilan ang pito pa po para sampu, ang aking huling labuyo, ang sagot ng anak sa kanyang tatay noong siya ay tanungin kung ilan ang nahuli? – tatlo

3. May isang mayaman na may mga niyogan na hitik na hitik sa bunga. Napakadamot ng mayamang ito at walang nakahingi ng kanilang niyog. At pinatatanuran sa dalwang soldado. May isa namang taong pangahas na

[p. 16]

lumapit sa tanod. Paano siya nakakuha ng niyog gayong bunot ang espada ng mga tanod?

S – Nakakuha siya ng niyog sapagka’t “bunot” lamang ng niyog ang kanilang espada.

4. Ano ang nalakad sa aso? S – purgas

5. Ano ang nangunguna sa motor? S – relis

6. May isang palalong mayaman ang nagpaskil sa kaniyang tarangkahan ng ganito “Sa dunong ko, sa yaman ko, anuma’y magagawa ko.” At ang makapagbigay sa kanya ng suliraning hindi niya malulutas ay siya niyang bibigyan ng lahat ng kanyang yaman. Ano ang suliraning ibinigay sa kanya? S – Isang batang lalake ang nagbigay sa kanya ng ganitong suliranin, “Dalhin mo ang martilyong putol at ipako mo ang pakong putol sa langit.”

7. May dalawang mag-anakan na tigatlo ang sa magkabilang isang ilong. Ang isang mag-anak na tatlo ay naghirap kaya’t ang ginawa ay lumipat sa bahay ng kabilang ilong. Pagdating noong isang tatlong mag-anak sa tatlong mag-anak ay ganito ang sabi ng batang dumating, “Tayo po ngayon at pito na.”

Tanong – Bakit naging pito ang dalawang mag-anak na tiga-tigatlo?

Sagot – Hindi pa totoong nakakaalam bumilang ang batang lalake, kaya ang tawag sa anim ay pito.

8. Kung ikaw ay magtitinda at ngayong araw na ito ay nakapagbili ka ng kwarenta’y singko (45), bukas ay noventa at sa makalwa ay kwarenta’y singko (45) uli, magkanong lahat ang inyong napagbilhan?

S - ₱0.90 lamang ang pinagbilhan sapagka’t noong sumunod na araw ay noventa o walang benta.

MGA BUGTONG

1. Iisa-isa na, kinuha ko pa.
Kaya ang natira ay dadala-dalwa. (tulya)

2. Lumabis si Rita, kanyang saya’y pula. (puso ng saging)

3. Tumindig siya’t sumigaw, ako’y matapang. (tandang)

4. Ako’y may biting sangkalan, inaamoy, tinititigan. (langka)

[p. 17]

5. Ang turiti’y may sungay na
Ang turo’y wala pa. (tulyasi o kawali)
6. Ako’y nagtanim ng hiya,
Sa laguerta ng Kastila.
Ang dahon ay mahaba,
Ang bunga ay matataba. (niyog)

7. Kabiyak na niyog, magdamag na nagalipod. (buan)

8. Wala sa langit, wala sa lupa,
Ang daho’y nanariwa. (dapo)

9. Iisa ang sinuotan, tatlo ang nilabasan. (kamiseta)

10. Maputing parang busilak, kalihim ko sa pagliyag. (papel)

11. Hindi pa natatalupan, nanganganinag na ang laman. (kamatsili)

12. Hindi naman hari, hindi naman pari,
Nagsusuot ng sari-sari. (sampayan)
13. Divina, divina, de gracia
Malayo ang bulaklak sa bunga. (mais)

14. Nagbibigay na, sinasakal pa. (bote)

15. Ako’y nag-ihaw ng apoy, tubig ang iginatong. (ilaw)

16. Maitim na parang tinta, pumuputi’y hindi kinukula. (buhok)

17. Hinalo ko ang nilugaw, nagtakbo ang inihaw. (Bangka)

18. Ito na si amain, nagbibili ng hangin. (musiko)

19. Kung kailan nananahimik, saka binubuwisit. (lamok)

20. Bahay ng kalapati, iisa ang haligi. (payong)

21. May isang dalagang naligo, di nabasa ang ulo. (kiyapo)

22. Ang aso kong si Pantaloon,
Lumuksong pitong balon,
Lumukso ng pitong gubat,
Bago nagtanaw sa dagat. (banig)
23. Kung araw ay nasa hapunan,
Kung gabi ay nasa galaan [unsure, blurred]. (unan)

24. Nabuksan ang libro, nagkamatay ang tao. (banig)

25. Dalwang magkumpare, mauna’t mahuli. (paa)

PART I | PART II | PART III

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of Reparo,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post