Munting Indang, Nasugbu, Batangas Part III - Batangas History, Culture and Folklore Munting Indang, Nasugbu, Batangas Part III - Batangas History, Culture and Folklore

Munting Indang, Nasugbu, Batangas Part III

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART III

PART I | PART II | PART III

[p. 15]

1. Puting tiyan
2. Namumuti ang paa
3. Manang na manang
4. Lakad kalabaw
5. Berde ang utak
6. Ungol ng baka
8. Pangitlog ng manok
9. Tipong hapon
10. Sandok kibal
11. Parang linta
12. Maitim na ngidngid
13. Aso at pusa
14. Kutong lupa
15. Kambal na dila
16. Naglalarong apoy
17. Abot lubid
18. Buhay alamang
19. Binting kawayan
20. Parang pagong
21. Ugaling hayop
22. Kapos palad
23. Basag-ulo
24. Parang limatik
25. Mataas ang tono
26. Tangos ng ilong
27. Pusong bakal
28. Taratong kasoy
29. Taong lansangan
30. Kapit tuko
31. Medyo-medyo
32. Gamot hayop
33. Balitang kutsero
34. Siga-siga
35. Basang sisiw
36. Balot sa puti
37. Makatang sampay bakod
38. Tulog mantika
39. Tulog manok
40. Agaw buhay
41. Alat
42. Kalog na ang baba
43. Babaha ng dugo
44. Bakas ng kahapon
Mahiyain
Tumakbo sa takot
Paladasal
Malakas
Matalino
Malakas ang hiyaw o iyak
Ika-4 ng umaga
Bakang
Maraming laman
Gutom na gutom
Kabilanin
Laging nag-aaway
Maliit
Mayabang
Nangangalunya
Hustong-husto
Laging kapos
Binting mahaba at payat
Makupad
Malupit
Walang suerte
Awayan
Mabilis
Suplado
Napuri
Matigas ang kalooban
Hindi natupad
Walang trabaho
Mahigpit kumapit
Luko-luko
Gamutang masakit
Balitang hindi totoo
Pasikat
Malungkot
Mautang
Nagmamakata
Mahimbing
Malimit magising
Naghihingalo
Walang suerte
Matanda na
Malaking labanan
Ang lumipas

[p. 16]

Proverbs and Sayings
(English and Tagalog)

1. Sa oras ng klase, ikaw ay tahimik

At ang pag-aaral ay iyong iniisip,
Huwag lilingon or mangangalbit,
Sa mga kasamang kapiling kinilig.

During class hours you must be attentive,
To your studies, you must concentrate,
Don’t gesture and incline to mischief,
To your neighbors and dear classmates.

2. Kahit na tadtarin mo ang iyong laman at buto

Ay di pa sapat upang ibayad sa mga hirap ng mga magulang sa iyo.

Even if you cut your flesh and bones,
It can’t pay and reciprocate
The endurance of your parents borne to you.

3. Kapag ang tao ay nagumon sa bisyo,

Ay mahirap na ang loob ay magbago.

A man addicted and enslaved to vices,
Is hard to reform and admonish.

4. Ang tao habang mayaman ay maraming kaibigan

Pag humirap ang ang buhay, masalubong man sa daan, di batii’t titigan.

A wealthy man has a multitude of friends,
But if he becomes poor, they are disappearing,
When you meet them, they decline greeting.

5. Ang sugat ng damdamin ay mahirap na pawiin,

Kung sakaling gumaling ay nagnanaknak din.

The sore of a heart is hard to heal,
If it gets well, it will sooner swell again.

6. Mabuti pa ang matakaw kaysa magnanakaw.
Better a glutton than a thief.
7. Madali ang maging tao, mahirap ang magpakatao.
It is easy to be a man, it is difficult to behave as one.
8. Ang hindi lumingon sa pinanggalinan,
Ay hindi nakararating sa paroroonan.

[p. 17]

SALAWIKAIN

1. Ang taong palabintangin ay palaumitin.
2. Ang bigat ay gumagaan sa napagtuwanan.
3. Ang taong tamad ay lalakad ng hubad.
4. Ang batang mabait, sa lahat ay nakakaakit.
5. Ang nagtatanim ng hangin ay sa bagyo ang aanihin.
6. Ang babaeng pangit, biruin mo’y nagagalit.
7. Ang paggalang sa kapuwa ay di pagpapakababa.
8. Hindi lalaki ang daga kung hindi lalagpak sa lupa.
9. Nasa Dios ang awa, nasa tao ang gawa.
10. Ang gawa sa pagkabata ay dala sa pagtanda.
11. Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo.
12. Ang magandang asal ay kaban ng yaman.
13. Naglalakad ang kalabasa, naiiwan ang bunga.
14. Walang pangalwa ang tao sa balat ng lupa.
15. Ang lumura ng patingala ay sa mukha tumatama.
16. Silbe ng silbe, wala namang nangyayari.
17. Anak na di paluin, ina ang patatangisin.
18. Ang sakit ng kalingkingan ay damdam ng buong katawan.
19. Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.
20. Ang taong masalita ay kulang sa gawa.
21. Naghanap ng isang salop, ang natagpuan ay karakot.
22. Naligo sa linaw, sa labo nag-anlaw.
23. Kung ano ang laman ng dibdib ay siyang bukang bibig.
24. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
25. Ang tao ay di man magbadya ay sa gawa nakikilala.
26. Nakikita ang butas ng karayom nguni’t hindi nakikita ang butas ng palakol.
27. Ang kasipagan ay kapatid ng tagumpay.
28. Ibang pari, iba ang ugali.
29. Ang mata ay larawan ng kaluluwa.
30. Malaking kahoy, walang dahon.
31. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon.
32. Igalang mo ang iba nang igalang ka nila.
33. Ang lahat ng wika ay salita ni Bathala.
34. Sa kilos at anyo makikilala ang tino.
35. Lumipad ka man ng lumipad ay sa lupa rin ang lagpak.
36. Ang aking salita ay gintong sanla.
37. Mahirap ang magandang loob, daig ang kuripot.
38. Pag sala sa lamig ay di sasala sa init.
39. Ang kapalaran, di ko man hanapin ay kusang dudulog kung talagang akin.
40. Gintong paracale, mawala man ay di bale.
41. Ang taong nagigipit kahit sa patalim ay kumakapit.
42. Walang tutong sa taong nagugutom.
43. Ano mang gawain madalian ay walang kainaman.
44. Kung ano ang sarap ay siyang saklap.
45. Sa salapi nauwi ang taong masama ang imbi.

[p. 18]

MGA AWIT

Spell Boy

B-O-Y kalampag pinggan,
Kami po ay lalaban
Sa kape at tinapay.
Si lilong mo at lilang ko,
Ay nagpasyal sa Ubando.
Binigyan ko sila ng pitong piso
At sakay pa sila sa awto.

Ang awtong pakiling-kiling,
Ang tsuper ay ubod ng duling
Pag dating sa Makiling ay
Tinuka pa ng tikling

Kariktan

Ang kariktan mo’y
Tulad sa matanda
Kalog ang pisngi
Katal ang baba
Kung lalakad ay medyo pakuba
Ang mata aky kinukulaba.

Si Tatay

Si Tatay at si Nanay
Pinipilit ako
Pakasal, pakasal
Sa hindi ko gusto.
Haharap, haharap sa
Pare, wala namang belo.
Aray ko, tatay ko, aray ko
Nanay ko mamamatay ako!

Pagtatanim

Tayo ay magtanim sa bukirin
Ng puno ng saging
Darating ang panahon na ito
At ating aanihin
At ang bunga ay ating kakainin.
Tatlong buwang pinanibaan ang
Saging naming sa parang
Tatalo ng libo ang napagbilhan
At ibibili ng palay upang mai-lugaw
Si Tatay at si Nanay.

[p. 19]

Harana

Natutulog ka na ba sinta
Sa dilim nitong hatinggabi
Ay dinggin ang harana
Nitong puso kong nababaliw.

Sa taglay mong ganda
Tinig ko ay namamaos na
Bagting ng kudyapi lagot pa
Magdamag na hinihintay ka, ngayo’y umaga na.

Dati, di ko nalalaman
Kung ano ang pagmamahal
Nguni’t sa iyong ganda, ang puso ko’y nanambitan
Manong magbangon ka, ang puso ko sa iyo habang buhay.

Kay Sapoy
(Himig Dahil Sa Iyo)

Dahil sa akin, ikaw nakakakain
Ng masarap na mga pagkain
Dapat mong tantuin
Ang iyong mga ngipin
Kayang silain kahit isang pating.

Oh aking Sapoy, masarap ang ukoy,
Tikman mo hirang, sawsaw sa bawang
Sundan ng baboy, at makunat na tikoy
Nang hindi mangamoy, oh aking Sapoy.

IKAW AY AKIN, AKO’Y SA ‘YO

Aalis ako ngayon at papanaw, dagat ang daraanan
Ikaw ang tanging siya sa puso may lumbay, giliw
Ang tangi ko lamang maipagbibilin sa puso mo’y itanim
Ako sa iyo, iyo ay ako, huwag mo sanang lilimutin.

Mapanglaw at lubhang masaklap ang mawalay sa liyag
Ano man ang ating gawin, ay hindi kakamtin
Puso ko’y ginigiyagis ng di matingkalang hinagpis
Kaya’t halina giliw, ikaw ay akin, ako’y iyo.

[p. 20]

MGA TULA

OH RIZAL

Oh! Rizal natanging anak
Nitong baying Pilipinas
Rizal na mabangong rosas
Sa hamog namumukadkad
Ikaw ang lirio’t sampaga
Nitong baying sinisinta
Sa lumbay makakapawi ka
Humahalili ang saya.
Ang lahat na nalilihis
Kalayaan ngang pag-ibig
Kaya’t tayong mga kapatid
Magpatulo ng pawis.
Ang lahat ng makikinang
Palamuti ng bayan
Matataas na katungkulan
Ang siya nating naibigan.

MGA ANAK NG PILIPINAS

Ako’y taga-Luzon, ikaw ay taga-Bisaya
Saka siya naman sa Mindanaw mula,
Magkakaiba man sa ugali’t wika
Tayo’y iisa sa puso’t diwa.

Iisa ang bayan at watawat,
Mga anak tayo nitong Pilipinas
Kaya halina at magyakap-yakap
Sa isang damdamin at isang pangarap.

SALAMAT

Sa bundok at batis, sapa’t kabukiran
Sa hangi’t mabango, sa sinag ng araw
Sa kislap ng tala, sa dilag ng buwan
Sa lihim ng puno, sa patak ng ulan
Salamat Diyos ko, salamat ang alay
Sa magulang, kapatid at guro
Sa mga kasama na lagi nang masuyo
Sa linaw ng mata’t diwang matipuno
Salamat, salamat Diyos kong maamo.

PART I | PART II | PART III

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of Munting Indang,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post