Munting Indang, Nasugbu, Batangas Part II
PART II
[p. 8]
always eaten by insects.
17. Fruit trees must be planted on starry nights to have plenty of fruits.
B. Customs and superstitions in building houses –
It is a common custom of the people of this barrio that in setting a house, they have to select a convenient spot for it. They must select a site that is free from wicked and bad spirits. They should select a place where they know they will be free from sickness, a place where they think they will be successful, and where they can live happily and contentedly
In selecting a site, they often times called and old man or what they call “matanda sa nayon,” who they presumed knows all the superstitious beliefs in the place. He selects a place where the water flows in one direction so that the family will not contradict each other in any proposition. A carabao of the family is tied with a long rope in this place throughout the whole night. In the morning, the father of the family will locate the place who wear the carabao laid down to sleep. The house is set in the center of this place. This will avoid the quarreling of the members of the family.
In setting the post, they put a one peso bill in the bottom or on the top of the post so that the family will always live in abundance.
There is also great care in placing the door. They do not place the door in such a way that two, three or more doors will be facing each other. They say that if the doors will be facing each other, the family will not become rich, because the income will all be spent soon, thus, they will not be able to save.
Great care is also observed in placing the stairs. They do not place the stairs in the south direction for fear that this will always cause the death of the members of the family. They do not put the stairs facing the west direction for they believe that they will materially sink if they do so. They place the stairs facing the east so that they will be recipients of God’s graces every sunrise.
In building a house, the oldest brother or sister is always placed on the eastern part of the lot. They are arranged from the oldest to the youngest from east to west direction. They do this so that the younger
[p. 9]
brother or sister will not trespass on the elders.
When the house is completely finished, a ceremony is held. A pig is usually killed in the center of the house, spraying its blood on the posts and on the walls of the house. They believe that they will get rich if they do this. They vary the head of the pig in the center under the house, believing that this will drive the evil and wicked spirits.
Before they moved to this new house, they fill all containers with rice, salt, water, sugar and other foods. This, they believed, will bring them prosperity.
C. Customs in the house –
During the early days, our forefathers were bounded up with so many superstitions and beliefs. These were handed down from generation to generation. Some of these were still followed by the barrio folks of Munting Indang, including its sitios. In the home they have these following customs:
(a) it is their belief that it is not good to leave the house while someone is eating. If one could wait, let the one eating to turn the plate three times and stand as he does so. Then, he can continue eating. This will bring bad luck or [a] bad omen if you will leave when someone is eating.
(b) Another is that it is not good to sharpen any knife when one will have a long journey for you will encounter danger if you do so.
(c) Never prepare your beddings if the whole family will leave no one in the house. Prepare them when you come back. For if you do so, it will bring you bad luck or [a] bad omen.
(d) Do not sweet the house or yard when the sun has set nor leave the house without lights. According to them, the Blessed Virgin Mary is having a walk at this time and will not enter those houses without lights.
D. Baptismal Customs –
Immediately after the delivery, the couple with their parents talk about the name and the godparents to be of the child.
[p. 10]
In this place, it’s customary that the family has to prepare a baptismal feast especially for the first born child. But in case they are not prepared for the feast, they sometimes called the godmother and perform what we call the “buhos tubig.” In this ceremony, the equipment used are a white handkerchief, a plate and a glass. These should be put aside and not to be used until the fourth day has elapsed. But if the child is to be baptized, the parents slaughter cattle or hogs and have off these are to be given to the godparents “sabit.” the mother carries the baby to the church with the godparent. During the ceremony, the godmother holds the child. She is very careful with the cap because when it drops, the baby will often be sick. She, too, gives a blow to any part of the child’s body so that the baby will adopt her ways and manners. Sometimes, there are so many children to be baptized, thus, after the ceremony, each sponsor hurries to the church door. In this way, he will always be stops in any activity and will always be successful in his ventures. The sponsor carries the child until they reach the home. The mother then takes off the baptismal clothes. She holds it nicely and keeps it in a cabinet. They believe that the child will not think of going places if they keep the clothes well. Before the godmother leaves the house, she places her “pakimkim” under the pillow case or inside the baby’s clothes.
Ang Alamat ng Makopa
Ang ngalang makopa ay hango sa halamang “makopa.” Noong unang panahon, may isang bayan na mayroong simbahan. Ang mga tao ay nagagalak sa tuwing maririnig nila ang tunog ng kampanang ginto. Ayon sa kanila, ito ay isang mahiwagang kampana dahilan sa silang lahat ay pawang maligaya, tahimik at sagana sa pagkain.
Ang pamumuhay ng mga taong naninirahan sa pook na ito ay umabot stop pandinig ng karatig nayon. Kaya isang gabi ay may isang pangkat ng mangloloob ang pumasok sa nayon noong ang lahat ay nahihimbing na. Itong mangloloob tuloy-tuloy sa simbahan at umakyat sa tore at kinuha ang kampana.
Ang kampana ay napakalaki kaya sila ay nahihirapan sa pagpanaog nito. Nang malayo na sila sa simbahan, sila ay napatapat sa mga bahayang maaso.
[p. 11]
Ang tahol ng mga aso ang siyang gumising sa mga taong nahihimbing. Nang sila ay pumanaog ng bahay ay nakita nila ang pangkat na ito. Kaya kanilang hinabol.
Nang maabutan na ng mga taong bayan, ang mga manloloob, ay dali-daling ibinaon ang kampana at pagkatapos sila ay kumarimo’t ng takbo.
Araw, linggo at buwan ang lumipas. Isang araw, nakakita ang mga magsasaka nang isang puno na ang bunga ay hugis kampana. At isinaisip nila na marahil ang kampana ay doon ibinaon sa lugar na iyon ng mga manloloob.
At tinawag na “makopa” dahilan sa ang mga tao ay hingi ng hingi noon ng masarap na bunga sa ganitong salita “ako pa,” “ako pa.”
Ang Malayang Ibon
Malabo na ang paningin at mahina na ang pandinig ni Tandang Bong Batubato. Nahihirapan na siya sa panghuhuli ng mga uod at tipaklong, kaya’t Madalas siyang magutom.
Isang araw ay nasubukan siya ni Juanitong anak ni Mang Juan na isang magsasaka. Dahil sa kahinaan ng pandinig ng ibon ay madali siyang nahuli.
Tuwang-tuwa si Juanito at noon di’y gumawa ng isang magandang haula. May inuman din sa loob ng isang bao. At doon niya ikinulong ang nahuling batubato.
Aalagaan kitang mabuti, ang wika ng bata sa ibon. Buhat ngayon ay lagi na kitang sasagonsonin sa pagkain at inumin.
Nguni’t napansin ng bata na ayaw tumuka ang ibon. Kahit na anong pagkain ang ilagay niya sa haula ay ayaw tukain ng kanyang alaga.
Bakit kaya ayaw kumain ng ibon ko? Tanong sa sarili ni Juanito. Kinabukasan ay narinig na humuhuni ang ibon.
“Aba!” wika ni Juanito. “Humuni na ang ibon ko. Marahil ay tutuka na siya ngayon.”
Nguni’t nang tanawin ni Juanito ay ayaw ring tumuka ang kanyang alaga. At saka napansin niya na maraming batu-bato sa malapit na ang kinasasabitan ng
[p. 12]
haula. Hindi naman nalalamang nag-uusap ang mga ibon.
“Mga anak ko,” ang wika ng ibon sa haula. “Ako’y sinawing palad na nakulong dito. Kaya’t ako’y nagpapaalam sa inyong lahat.”
“Bertito, Bertita,” wika ng ibon, “Huwag kayong umiyak. Pasalamat kayo at ako’y marunong pang magpahalaga sa aking kalayaan. Ako'y isinilang na may laya. Ang kalayaan ko ay buhay. Paalam sa inyong lahat.”
Tatlong araw pagkatapos ay namatay ang ibon na hindi tumuka ng kahit isang butil man ng binlid na inihain sa kanya ni Juanito.
“Bakit kaya nagpakamatay ang ibon ng hindi pagkain?” tanong ni Juanito sa kanyang ama.
Nguni’t si Maestrong Kwago ang higit na nakababatid ng tugon sapagka’t yaon ay itinuturo niya sa kanyang mga tinuturuan sa kanyang paaralan.
“Ang kalayaan,” aniya, “ay sadyang katumbas ng buhay.” At matamis ang kamatayan kay sa kaalipinan, sa marunong magpahalaga sa sariling laya.
Pag-alam sa Oras
Sa bukid, ang tao ay walang orasan. At sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan ay nababatid nila ang oras. Ang mga paraan ng pagtingin nila sa oras ay ang mga sumusunod:
1. Kung ang damong balatong aso ay nakatikom na ang mga dahon ay ika-lima na ng hapon.
2. Pag tilaok ng tandang sa umaga ay ika-lima na ng umaga.
3. Pagsikat ng tala sa umaga ay ika-tatlo na ng umaga.
4. Pagsikat ng krus na bituin sa tag-araw ay hatinggabi na.
5. Paglubog ng krus na bituin kung tag-araw ay umaga na.
[p. 13]
6. Pa gang araw ay tapat na ng ulo ay ika-12 na ng tanghali.
7. Pag bilog ng mata ng pusa ay ika-12 na ng tanghali.
8. Pag ang manok ay humapon na ay ika-6 na ng hapon.
9. Pagtikom ng dahon ng akasya ay ika-lima na ng hapon.
10. Pagtilaok ng tandang na manok sa gabi ay ika-6 na ng gabi.
Mga Bugtong
1. Nang maglihi ay namatay, at nang manganak ay nabuhay. – siniguelas.
2. Pag gabi ay natalon, pag araw ay nahapon. – unan
3. Tag-ulan at tag-araw, hanggang tuhod ang salawal. – manok
4. Dumaan ang tagak, naiga ang dagat. – ilaw
5. Nagtago si San Pedro, labas ang ulo. – pako
6. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin. – sombrero
7. May isang prinsesa, nakaupo sa tasa. – kasoy
8. Mataas pa ang ibinitin kaysa pinagbitinan. – saranggola
9. Apat na magkakaibigan, puro bika ang ulo. – haligi
10. Tatlong magkakapatid, matatag sa init. – tungko
11. Ako ay nagtanim ng dayap sa gitna ng dagat,12. Ang buhok ng hari ay hindi mahawi. – tubig
13. Iba ang puno sa bunga. – bayugo
14. Malayo ang buto sa laman. – singkamas
15. Tubig sa ining, hindi mahipan ng hangin – niyog
16. Baras ng kapitan, hindi malakdawan. – ahas
[p. 14]
17. Hinila ko ang bagin, nagkarimot ang matain. – gilingan
18. Nagsaing si Katungtong, nagsaing walang gatong. – sabon
19. Hindi madangkal, hindi madipa,20. Pinipilit pasuotin sa butas. – panahi
21. Ang bahay ni Giring-giring, butas-butas ang dingding. – bithay
22. Ito-ito na, dumarating di mo nakikita. – hangin
23. Dalawang bulang sinulid, abot hanggang langit. – mata
24. Dalawang magkapatid, hindi pa nagkikita. – taynga
25. Dalawang katawan tagusan ang tadyang. – hagdan
26. Ito na si Kaka, pabuka-bukaka. – gunting
27. Heto-heto na, napuputol walang dala. – kuba
28. Isang bayabas, pito ang butas. – mukha
29. Suot ko’y putian, puso ko’y dilaw. – itlog
30. Walang paa ay nakakalakad, at sa hari ay nakikipag-usap. – sulat
31. Nang hawak ay patay, nang ihagis ay nabuhay. – trumpo
32. Iisa-isa na, kinuha ko pa, ang natira ay dalawa. – tulya
33. Alisto ka pandak, daratnan ka ng mabigat. – dikin
34. Naibigan pa ang basag, kaysa buot walang lamat. – kamatsile
35. Baston in Adan, hindi mabilang. – ulan
36. Hindi hayop, hindi tao, may gulong ty tumatakbo. – agos ng tubig
37. Dahong pinagbungahan, bungang pinagdahunan. – pinya