Lumbangan, Nasugbu, Batangas: Historical Data Part V
PART V
PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V
[p. 27]
9. Hindi hayop, hindi tao; walang gulong ay tumatakbo.......... Agos ng tubig
10. Maabot na ng kamay ay inaabot pa ng tulay.......... Baga
11. Hindi tao, hindi ibon; bumabalik kung itapon.......... Yoyo
12. Ang anak ay naupo na, ang ina'y gumagapang pa.......... Kalabasa
13. Hindi hari, hindi pari, ang damit ay sari-sari.......... Sampayan
14. Nakaluluto ay walang init, umaaso ay gayong malamig.......... Yelo
15. Ako'y nagtanim ng tubig, ang inani ay bigas at binlid.......... Asin
16. Ang nagdadala ay patay, ang dinadala ay buhay.......... Halaman at balag
ENGLISH PROVERBS
On Patriotism, Bravery and Courage
2. Discreet courage works to advantage.
3. Agility and bravery are shields of the body.
4. Men progress in life through the sufferings they meet.
5. One who evadest the enemy shows real bravery.
6. One won't attain success if one doesn't take the risk.
7. Daring is the result of expectation.
8. In the thick of the fight, real heroism is revealed.
9. Men who talk and brag undoubtedly are cowards.
10. Many are brave but few are determined.
11. Those who try do not die.
12. If you will not date [dare?], never can you succeed.
On Industry, Diligence and Thrift
2. You will have the profit if you have the capital.
3. Stones do not go to the snail.
4. Learn to adjust yourself to your capacity and needs.
5. Save as early as you can to save future embarrassments.
6. Money saved serves old age. The habit of saving goes to life's end.
7. Thrift and savings will help a lot during rainy days.
8. A lazy man profiteth nothing come even during Lent.
9. He who does not know how to save money throws money away thoughtlessly.
10. God gives his Grace to men who labor for it.
11. A rolling stone gathers no moss.
12. One who plants early reaps early.
[p. 28]
On Honesty, Punctuality, Reserve and Patience
2. Liars and thieves are alike.
3. Punctuality outruns agility.
4. Of what use is the grass when the horse is dead?
5. Don't be overconfident, storms come even during Lent.
6. No debt will ever remain unpaid.
7. What one usually says is what he feels.
8. He who plants the wind reaps the whirlwind.
9. Constant drops of water wear away stones.
10. Constancy and patience will always win.
11. He who will not sacrifice will not succeed.
12. Without patient effort, nobody can accomplish his work.
On Courtesy and Good Breeding
2. A coquette is like the common table salt, always wooed but never loved.
3. Firewood that is fresh and wet, never hear the flame should be placed.
4. You can judge a person who is ill-bred by his words and his deeds.
5. Believe not all words he says; what may appear true and plain may contain untruth behind.
6. You may be beautiful and rich and beautifully dressed, you are also worthless, nevertheless, if you show you are foolish.
7. Spare the rod and you spoil the child.
8. Habits formed in your youth are carried over to one's manhood.
9. He who looks not from where he starts wouldn't arrive at the desired spot.
10. Bend the tree while it is young, long afterward it cannot be done.
11. Wipe off your own blemishes before you point to the mate [?] in the eyes of others.
12. Belittle not the one who errs, better teach him to correct his mistakes.
TAGALOG PROVERBS
2. Hindi lalaki ang daga kundi malalaglag sa lupa.
3. Ang natatakot sa ahas huwag papasok sa gubat.
4. Malakas ang loob, mahina ang tuhod.
5. Pag wala ang pusa, naglalaro ang daga.
6. Ang tamad ay lalakad ng hubad.
7. Gawaing hindi dinadahan-dahan, karaniwa'y masasayang.
[p. 29]
9. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
10. Ang taong mapagbulaan ay hinlog na magnanakaw.
11. Aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo?
12. Huwag kang kasisiguro, kuwaresma ma'y bumabagyo.
13. Pag ang ipinunla mo ay hangin ay bagyo ang aanihin.
14. Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.
15. Ang di marunong magbata, walang hihinting ginhawa.
16. Ang nagtitiis ng hirap may ginhawang hinahangad.
17. Walang masamang pluma sa mabuting lumetra.
18. Walang matiyagang lalaki sa tumatakbong babae.
19. Ang bahay mo man ay bato, kung ang tumitira ay kuwago;
21. Di ka dapat maniwala sa mga sabi at wika;
23. Masahol ka pa sa ulol pag sa ulol ka pumatol.
24. Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasamang maluwat. [maluwag?]
25. Ang tapat na kaibigan sa gipit nasusubukan.
26. Hindi tutuloy ang pari, kundi sa kapuwa pari.
27. Minamahal habang mayroon, kung wala ay patapon-tapon.
28. Ano man ang tibay ng piling abaka ay walang lakas kung nag-iisa.
29. Matibay ang walis palibhasa'y nabibigkis.
30. Ang sakit ng kalingkingan damdam ng buong katawan.
31. Ang mabigat ay gumagaan pag napagtutuwangan.
32. Ang maikli ay nagdudugtong; ang mahaba ang magputol.
[p. 30]
34. Di masakit ang yumukod, ang masakit ay ang mauntog.
35. Aanhin ko ang kumain sa pinggang ginto.
41. Ang hanap sa bula, sa bula mawawala.
42. Hanggang maikli ang kumot, mag-aral kang mamaluktot.
43. Anak na di parusahan, ina ang pahihirapan.
44. Ang tutuhanang anyaya, hinahaluan pa ng hila.
45. Ang di lamang natitii ay ang di pa nasasapit.
OTHER FOLKTALES
ANG ALAMAT NG MANGGA
Si Magda ay anak ng isang angkang mayaman. Siya ay maganda at mabait na bata. Kaiba sa ibang mayaman, siya ay malapit sa mahihirap. Pag siya ay may pagkain o laruan ay hinahatian niya ang mga ito.
Isang araw, si Magda at ang kanyang mga kalaro ay naka-isip manghuli ng mga paru-paro at tutubi. Hinabol nila ang mga ito sa parang hanggang sila ay makarating sa gubat. Sa kanilang pagkalibang ay hindi nila napuna na lumubog na pala ang araw. Inabot sila ng dilim at hindi nila makita ang daang pabalik. Samantalang
[p. 31]
ang mga ito ay takot na takot ay biglang may dumating na isang lalaki na ang gayak ay nakakatakot. Kinuha niya ang kanyang ilaw at tinanglawan niya ang mga bata. Nang makita niya si Magda, siya ay natuwa. Kinaladkad niya ito sa isang pook na malayo at pinipilit ipakuha ang mga alahas ng kanyang mga magulang. Si Magda ay tumanggi at sinabing hindi niya magagawa ang gayon. Sinabi ng lalaki na kung hindi niya magagawa iyon ay papatayin niya ang bata. Si Magda ay hindi man lamang natakot. Sinabi niya na mabuti pa ang siya ay mamatay kaysa siya ay magnakaw sa kanyang mga magulang.
Sa sinabing ito ni Magda ay nagalit ang lalaki. Kinuha ang kanyang gulok at pinutol ang ulo nito. Pagkatapos ay ibinaon ito sa may tabing ilog. Kinabukasan ng umaga, ang kanyang mga kalaro ay umuwi na. Ibinalita nila sa mga magulang ni Magda ang nangyari. Ang ina ni Magda ay halos mamatay sa sama ng loob. Ang ama naman nito ay tumawag ng mga kawal upang hanapin si Magda at ang taong tumampalasan sa kanya. Pagkaraan ng maraming araw na paghahanap ay napadaan sila sa isang punong kahoy na malago at maraming dahon. Dahil sa malaking pagod ay tumigil muna sila sa lilim nito upang makapagpahinga. Nang ang ama ni Magda ay nakahilig sa puno ng kahoy ay nakakita siya ng isang bungang madilaw ang kulay. Nang makita niya ang hugis pusong anyo ng bunga nito ay naalala niya si Magda. Bigla na laman siyang napasigaw ng, "Magda!" Mula noon, ang bungang kahoy na yaon ay tinawag nang Magda.
Sa hinaba-haba ng panahon, ang salitang Magda ay nagpalipat-lipa na sa iba't-ibang bibig hanggang sa ito ay maging "Mangga."
[p. 32]
Part III – Other Information
No books or documents of importance can be found in this place. It may be because this is a new barrio and most of the people living in this place are also new in this place and many of them are working men.
Neither are there Filipino authors born or residing in this community. Although something important may serve as a subject for a book or a manuscript, yet none in this place would care to devote his time for doing so. Several persons once came to this place to gather information for the thesis which they were preparing and they got all that data that they were after. The sugar central alone is a good subject to write on but none in this place seems to have the ability or the interest to do so.
– End –
PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V