Lumbangan, Nasugbu, Batangas: Historical Data Part IV
PART IV
PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V
[p. 21]
1950-1951 SUGAR PRODUCTION (In Piculs)
Mill No. | Central Luzon | Production |
11 13 16 17 18 29 31 34 35 45 |
Canlubang Sugar Estate ' Luzon Sugar Company Pampanga Sugar Mills Central Azucarera Don Pedro Philippine Sugar Estates, Dev. Co., Ltd. Hind Sugar Company Central Azucarera del Norte Paniqui Sugar Mills, Inc. Pampanga Sugar Development, Inc. Central Azucarera de Tarlac |
488,351 16,849 481,568 707,020 70,855 68,308 33,334 102,425 319,549 679,205 _________________ |
Total for Luzon | 2,967,265 | |
Negros | ||
5 4 8 15 19 22 24 26 38 40 44 46 |
Bacolod-Murcia Milling Co. Inc. Central Azucarera de Bais Binalbagan-Isabela Sugar Company Central Azucarera del Danzo Hawaiian-Philippine Company Central Azucarera de la Carlota Lopez Sugar Central Mill Co., Inc. Ma-ac Sugar Central Co., Inc. San Carlos Milling Co., Ltd. Sta. Aniceta Sugar Central Talisay-Silay Milling Co., Inc. Victorias Miilling Co., Inc. |
809,676 726,474 1,451,459 188,505 997,951 1,544,490 367,555 603,666 585,050 76,812 634,578 1,714,756 _________________ |
Total for Negros | 9,466,140 | |
Panay | ||
2 36 42 |
Asturias Sugar Central, Inc. Central Azucarera del Pilar Central Santos-Lopez Co., Inc. |
175,242 290,153 211,745 |
Total for Panay | 677,120 | |
Cebu | ||
9 | Bogo-Medelin Milling Co., Inc. | 229,400 |
Leyte | ||
32 | Ormoc Sugar Company, Inc. |
226,287 _________________ |
GRAND TOTAL |
13,566,212 (245,852.19 short tons) |
Compiled from “THE SUGAR NEWS”
By:
GERARDO TOLENTINO
Principal
[p. 22]
Part Two – Folkways
10. Traditions, customs and practices in domestic and social life; birth, baptism, courtship, marriage, death, burial, visits, festivals, punishments, etc.
I - Baptism - Pagbibinyag
Dito sa baryo ng Lumbangan na lalong kilala sa tawag na Central (dahil sa pagawaan ng asukal) ay may mga ugali ang tao na kung mayroon silang pabinyag ay naghahagis ng salapi ang ninong o ninang.
Bukod pa sa paghahagis ng salapi, ang mga nag-aanak o humawak sa bininyagan ay nagpapakimkim.
Samantalang ang may pabinyag naman ay nagsasabit na tulad baga ng kalahati ng litson o kalahati ng baboy na pinatay.
Karamihan pa rin sa nagpapabinyag ay nagpapahatid mula sa simbahan hanggang sa tahanan nila sa banda ng musiko. At pagdating sa bahay ay nagpapaputok bilang salubong sa bininyagan.
Ang utaling ito ay hindi pa nawawala lalung-lalo na sa mga karaniwang tao. Sa mga mayayaman dito sa Lumbangan, lalo na ang mga Kastila, ay hindi nasusunod ang mga karaniwang ginagawang ito.
[p. 23]
II - Kasalan - Marriage
Kung mayroong ikinakasal dito sa barrio ng Lumbangan, ay katulad din ng mga karaniwang nangyayari sa iba't-ibang maliliit na baryo at maging sa mga bayan man.
Bago sumapit ang araw ng kasal ay maraming kamag-anak ang kailangan na maghahandog ng tulong at regalo sa ikakasal. Maraming matatandang ugali na sinusunod ng mga ikinakasal gaya ng – huwag maglalakad kung malapit nang ikasal. Hindi rin daw dapat magkikita ang magkakasal bago tumuloy sa simbahan. Huwag din daw pababayaang malaglag ang belo pagka't masama sa kanilang pagsasama. Ang lalaki raw ang unang titindig at tatapakan niya ang paa ng nobya upang huwag siyang mapa-ilalim sa kapangyarihan ng babae. Pag lalabas na ang ikinasal ay sinasabugan ng bigas at asin upang maging masagana sila sa pagkain. Pag lipat naman sa bahay ng lalaki ay nagbabasag ng palayok at kung anu-ano pa upang lumago raw ang kabuhayan.
Hindi na karaniwan ngayon ang iniiwan sa bahay ng babae at kinabukasan pa siya nakasusunod sa babae na kasamang lumipat ng mga namamaysan pagkatapos ang pananghalian o almusal. Nawawala na rin ang karaniwang pagsisilbi ng lalaki sa bahay ng babae bago sumapit ang taning na kasal.
Sa mga mayayaman, ang mga kaugaliang ito ay hindi na nasusunod sa pahahon ngayon.
III - Death - Patay
Ang isa pang ugali na namana sa mga matatanda na hanggang ngayon ay sinusunod pa ay kung may patay, ang namatayan ay di naglilinis, ni nagwawalis ng tahanan hanggang sa ika-siyam
[p. 24]
na araw ng pagkamatay.
Gabi-gabi ay nagdarasal at sa ika-siyam o huling araw ng pagdarasal na patungkol sa namatay ay naghahanda at nangungumbida ang namatayan. Sa araw na ito ay naglilinis ng bahay. May kasabihan na pag naglinis daw ay may susunod agad sa namatay o sa madaling sabi ay may mamamatay daw agad. Ang mga bata o anak ng namatay ay binabaruan ng pula sa paniniwalang ang patay ay lumalapit sa kanyang anak at dinadalaw ito. Ang pula raw ay hindi nilalapitan ng patay. Kaya paglubog na ng araw ay binibihisan na ang mga bata ng damit na pula na siyang itinutulog.
Ito ang mga ugaling namana sa matatanda na sinusunod pa rin sa baryong ito.
IV - Superstition - Paniniwala
1. Ang mga aso raw na kumakahol nang pahalinghing ay mayroon daw mamamatay o namatay.
2. Pag ang apoy sa kalan ay tumatawa ay mayroon daw na darating na bisita.
3. Pag ang isa raw dalaga ay umawit sa harap ng kalan ay magkaka-asawa ng balo o matanda.
4. Pag nag-aamoy kandila sa paligid ay may malapit na kamag-anak na namatay.
5. Pag mayroon daw na itim na paru-paro na aali-aligid sa atin ay may kamag-anak na namatay o naghihingalo.
6. Kung kumakain ay mayroong nalaglag na kutsara ay may darating na bisitang babae at kung tinidor naman ay lalaki ang darating.
7. Bago itayo ang bahay ay naglalagay ng salapi sa hukay ng haligi sa paniniwalang hindi mawawalan ng salapi sa bahay.
8. Pag ang mga manok ay nagpuputakan sa hating-gabi ay mayroong magtatanang babae.
9. Pag ang bituin at buwan ay nagkatabi, ang dalaga raw ang manliligaw sa binata.
[p. 25]
V - Festivals - Fiesta
Kung araw ng fiesta sa baryo ng Lumbangan ay masayang-masaya na tulad din ng fiesta sa ibang baryo o sa mga ibang bayan man. Kinaugalian na rito na kahit mangutang ay makapagpasikat lamang sapagka't hindi man kaya ay kinakaya huwag lamang malagay sa kahiya-hiyang lagay o mapulaan kaya ng mga kasamahan. Kahit na mga dukha ay napapaharap sa malaking na pagkautang na ang karamihan ay pag malapit na uli ang sunod na fiesta saka laman nila mababayaran.
Kung sa ibang bayan ay walang pumapanhik na mga bisita kung hindi kakilala ng may-bahay, dito sa Lumbangan ay naiiba sapagka't karaniwan dito ay pumapanhik ang mga namimiyesta kahit di kakilala ng may-bahay at karaniwan namang sila ay tinatanggap ng mabuti.
Bisperas pa lamang ng fiesta ay marami na ang mga tao sa bahay-bahay. Kagayar rin ng fiesta sa ibang bayan, maraming palabas na makikita ang namimiyesta. May mga laro ng softball, basketball at iba pa. May dumadayong mga kuponan buhat sa ibang bayan. Sa gabi ng kaarawan ng patron ay nagpupurusisyon. Lahat ng mga dalaga't binata sa baryo ay sumasama sa prusisyon. Matanda at bata ay nagdarasal habang humihila sa patron.
Ang patron sa baryong ito ay ang Sra. del Pilar.
[p. 26]
Popular Songs, Games and Amusements
The songs sung by the people of this place are not unlike those that are sung in other places in the province. They are up-to-date in this respect. They dance the mambo, the rhumba, the tango, and other modern dances. The kundiman, the old airs and the songs that our forefathers used to sing are becoming less and less heard. Both young and old can be heard humming the modern songs as they do their daily chores. Radios are rampant in this place due maybe to free electricity that is given by the Central.
The games the people play are all those modern games. They play tennis, softball, basketball and volleyball. They even have games at night, especially during the milling season when most of the people are busy during the day. This is also made possible by the liberal supply of current which comes from the Central.
Every Thursday evening, there is a free show for the employees and their families. When at home, they enjoy hearing broadcasts from their radios. Almost every home in this barrio owns a radio.
Puzzles and Riddles (Tagalog)
2. Maliit pa si Kumpare, umaakyat na sa tore.......... Langgam
3. Kung kailan ko pinatay, saka nagtagal ang buhay.......... Kandila
4. Heto na si Kaka, sunong ang kayang dampa.......... Pagong
5. Hindi tao, hindi hayop, kumakanta ng Tagalog.......... Ponograpo
6. Nang ihulog ko'y gangga-binlid,
PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V