Lipa City, Batangas: Historical Data Part III
PART III
PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V
[p. 22]
63. Nanganak ang Birhen, Itinapon ang lampin. 64. Dalawang bola Libot ng espada. 65. Baston ni kapitan, Hindi malakdawan. 66. Takot ako sa isa, Matapang ako sa dalawa. 67. Nang hawak ko ay patay, Nang itapon ko'y nabuhay. 68. Hindi madangkal, Hindi madipa, Pinagtutulungan ng lima. 69. Dumating ang negro, Nangamatay ang tao. 70. Tubig sa Balayan, Hindi maabot ng ulan. 71. Lumulusang kung tinatabasan, Humahaba kung pinuputulan. 72. Pag nakatalikod ay bata, Pag nakaharap ay matanda. 73. Siya ko ang sinakyan, Hindi ko pa nalalaman. 74. Puno'y bunga, daho'y bunga, Bunga'y bunga pa. 75. Naito na si kuya, May sunog na baga. 76. Ina'y nakadapa pa, Anak ay naka-upo na. 77. Lingos-lingosin, Hindi ko mapansin. 78. Tingalain nang tingalain Hindi ko abutin. |
79. Dalawang kuwarto, Labas masok ang multo. 80. Dalawang tindahan, Sabay buksan. 81. Isda ko sa Mariveles, Nasa loob ang kaliskis. 82. Maitim nang buhay, Mapula nang mamatay. 83. Heto na si Sila, Bahay niya'y dala-dala. 84. Sa ilalim ay kahoyan, Sa ibabaw ay damohan. 85. Hindi ibon, hindi itik, Humuhuni kung ibig. 86. Apat na tao, Iisa ang sombrero. 87. Bahay ni Ate, Iisa ang halige. 88. Pag napitasan Luha'y patakan. 89. Dala mo'y dala ka, Dala ka pa ng iyong dala. 90. Taba mo, taba ko Taba ng lahat ng tao. 91. Ang paa'y apat, Hindi makalakad. 92. Kung araw ay patay, Kung gabi ay buhay. 93. Walang paa, walang gulong, Tumatakbo'y walang nagsusulong. 94. Maliwanag sa dilim, Madilim sa liwanag. |
[p. 23]
95. Karayom na hindi makatahi, Karayom na hindi nakakadiri. 96. Munting palay Puno ang buong bahay. 97. Oo nga't alimango, Nasa loob ang ulo. 98. Hindi tao, hindi hayop, Nagsasalita ng Tagalog. 99. Isang bias na kawayan, Puno ng kamatayan. 100. Kung kailan ko pa pinatay, Saka humaba ang buhay. 101. Munti man si kumpare, Nakakaakyat sa latore. |
102. Isang bayabas, Pito ang butas. 103. Dahong pinagbungahan, Bungang pinagdahonan. 104. May binti, walang hita, May balbas, walang baba, May mata, walang mukha. 105. Isang Senyora, Naka-upo sa tasa. 106. Pagsipot sa maliwanag, Kulubot na ang balat. 107. Kulay ginto, hugis puso, Mabangong hasmin, masarap kanin. 108. Magkabila ay langit, Sa gitna ay tubig. |
PROVERBS AND SAYINGS
1. Ang hindi maki-ugali Walang hitsurang uuwi. 2. Wika at batong ihagis Hindi na muling babalik. 3. Kung ano ang bukang bibig Siyang laman ng dibdib. 4. Ang tao'y di man mahal Bigyan puri't nang kalugdan. 5. Pag ang ilog ay magalaw Tarukin mo at mababaw. 6. Ang galit mo sa ngayon Ay bukas mo na ituloy. 7. Ang bibig na tikom Ligtas na sa lingatong. 8. Ang tao bago mangusap Tingnan ang likod at harap. |
9. Ang lumakad ng bigla Nasusubong nararapa, Ang tumakbo pa kaya Ang hindi sumagu-sagupa? 10. Ang taong hindi magpakatao Ay hayop ng kapuwa tao. 11. Ang taong maalam mahiya Asaha't may pagkadakila. 12. Sa batong pagulong-gulong Ang damo'y di sumisibol. 13. Huwag hasuin ang dila Sa kapangahang wika At kung hindi magagawa Ay lalong kahiya-hiya. 14. Kung ano ang taas ng pinanggalingan Siya rin ang lalim ng kahuhulugan. |
[p. 24]
15. Lumipad ka man ng lumipad Sa lupa ka rin papatak. 16. Maghasik ng mabuti At nang makaani ng pagmamahal. 17. Kung wala kang itinanim Wala ka ring aanihin. 18. Ang laki sa layaw Karaniwa'y hubad. 19. Ang marahan kung lumakad Hindi lubhang masasaktan. 20. Ang masama sa iyo Huwag mong gagawin sa iba. 21. Walang matimtimang birhen Sa matiyagang manalangin. 22. Magpakahaba-haba ng procesion Sa simbahan din ang urong. 23. Ang ibong maagap, Nakakahuli ng uhod. 24. Ang hipong tulog Nadadala ng agos. 25. Ang taong maagap Daig ang masipag. 26. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan Ay hindi makakarating sa paruruonan. 27. Pag ikaw ay matipid Mayroon kang masusungkit. 28. Bago pahirin ang sa ibang uling Ang uling mo muna ang iyong pahirin. 29. Hanggang maliit ang kumot Mag-aral mamaluktot. 30. Ang tao ay pantay-pantay Sa mata ng Diyos. |
31. Ang dasal ay isang paraan Ng pakikipag-usap sa Diyos. 32. Sa paghahangad ng isang dakot Ang nawala'y isang salop. 33. Ang bayaning masugatan Ay nag-iibayo ang tapang. 34. Ang lihim na katapangan Ay siyang pinakikinabangan. 35. Walang mayama't ginhawa Na di nanghingi sa iba. 36. Kahit maraha't mainam Daig ang masamang dalian. 37. Kung ano ang kabataan Siya ang katandaan. 38. Ang magandang asal Ay kaban ng yaman. 39. Ang pag-ilag sa kaaway Siyang katapangang tunay. 40. Ang dalaga kung magaslaw Parang asing nakahanay. 41. Ang dalagang nagpopormal Sa kanyang kalagayan Hindi pagpapahamakan Nino mang walang pitagan. 42. Walang matiyagang lalaki Sa tumatakbong babae. 43. Ang mahinhing dalaga Sa kilos nakikilala. |
[p. 25]
44. Kapag bukas ang kaban, Nagkakasala banal man. 45. Ang nanggaling sa magaling Sumama ma'y gagaling din. 46. Kung ano ang kulay ng langit Siya rin ang kulay ng tubig. 47. Ang matapat na aruga Ay ang higpit at alaga. 48. Kung saan nadapa'y Doon babangon. 49. Ang ulam na tinangay ng aso'y Nalawayan na. 50. Ang marahang pangungusap Sa puso'y nakakalunas. 51. Ang salitang matamis Sa puso'y nakaaakit. |
52. Sumalubong ka na sa lasing Huwag lamang sa bagong gising 53. Madali ang maging tao Mahirap ang magpakatao. 54. Nakikilala mo ang taong mabait, Sa kilos ng kamay at sabi ng bibig. 55. Di man magsabi't magbadya Sa lagay nakikilala. 56. Ang tunay na pag-anyaya Dimadamayan ng hila. 57. Pagdating sa guhit Ay di ka lalampas. 58. Iba ang kalasti ng bakal Sa kalasti ng pinggan. 59. Ang lalaking tunay na matapang Di natatakot sa pana-panaan. 60. Ingatan ang iyong bahaw Ang aso ay matakaw. |
[p. 26]
METHODS OF MEASURING TIME, CALENDARS
Our forefathers had various methods of measuring time. The most common was by listening to the crow of the rooster. The first crow was at about ten o’clock in the evening, and that was the time for the people to go to bed. The crowing went on at intervals of one hour. The last crow was at about four o’clock in the morning. This marked the time for getting up and preparing for work in the middle.
Another method of telling time was by hearing the singing of the hornbill. Usually, the first singing of this bird was between nine and ten o’clock at night. This was followed by another singing at about twelve o’clock midnight. The last singing, the time for our farmers to get up, was between three or four o’clock in the morning.
A third method was by looking at the different positions of the evening and the morning stars. When people saw that the evening star in the west was about 45 degrees, commonly expressed as “hampas tikin,” the time was between nine and ten o’clock in the evening, time for them to retire and go to sleep. When they saw the morning in the east at about 45 degrees, also expressed as “hampas tikin,” it was their time to get up and get ready to begin their work.
The most common method of telling the time during the day was by looking at the different positions of the sun during clear days. When they saw the sun rising, they presumed the time to be six o’clock. When they saw the sun at about 45 degrees in the east, expressed as “Ang araw ay hampas tikin,” it was about nine o’clock. When the sun was overhead, they said that the time was already twelve o’clock, time for them to stop their work and eat. When the sun was 45 degrees in the west, also expressed as “Ang araw ay hampas tikin,” this was about three o’clock in the afternoon. The setting of the sun signified six o’clock in the afternoon, time for the people to stop their work.
Aside from these ancient methods of telling time, our forefathers had also their own method of telling the different kinds of weather that they would have throughout the whole year. During the first 24 days of January, they could easily tell the kind of weather that they would have for the year by means of their common method called “bilangan and balis.” By using the “bilangan” method, they determined the kind of weather for each month from January to December. Each day from January 1 to 12 represented a month from January to December, respectively. The weather on January 1 represented the weather for the month of January; that of January 2 for February; that of January 3for March; that of January 4 for April, etc. During the next 12 days, i.e. from January 13 to 24,
PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V