Lemery, Batangas: Historical Data Part III
PART III
PART I | PART II | PART III | PART IV
[p. 9]
ong bayan ay nagsusuot ng kanilang pinakamagandang mga damit upang gamitin sa kanilang pagsisimba. Ang lahat ng tahanan ay nahihiyasan ng mga naggagandahang gayak tulad ng mga kurtina, sariwang dahon ng mga niyog at mga parol. Bukod pa rito ay ang lahat ng tahanan ay handang tumanggap ng mga panauhing inanyayahan o hindi man. Dahil dito, lalo na kung ang pagdiriwang ay mapapataon sa mabuti ang panahon, ay libu-libong tao ang dumarating upang makipagdiwang sa mga pistang idinaraos.
Kung minsan, ang pari ay pipili ng isang tao upang siyang kumatawan sa pagdiriwang sa kaarawan ng isang patron. Ang kaarawang ito ay ipinagdaraos ng misa na ito nama’y babayaran ng piniling kumakatawan. Pagkatapos ng misa ay ang mga tao ay aanyayahan sa kanyang sariling tahanan upang pagsalunsalunan ang handang mga pagkain. Ang kahilingang ito ng pari ay hindi matatanggihan sapagka’t pag ito’y tinanggihan ay nangangahulungan ng isang paglapastangan sa Poon at sa Diyos.
Ang pistahang pinangunguluhan ng mga simbahan, simula pa noong kauna-unahang ito’y ipagdiwang, ay lagi nang pinagdudumugan ng mga tao at halos lahat ay tumutulong sa abot ng kanilang kaya.
Kaparusahan –
Noong panahong ang batas ay hindi nasusulat, ay ang pinakamatanda lamang sa nayon ang siyang makakapagpasiya sa mga kaparusahang dapat ipataw sa mga taga-nayong nagkakasala.
Kapag ang kasalanan ay pagnanankaw, ang kaparusahan ay papuputulan ng apat na daliri ang nagnakaw.
Kapag ang kasalanan ay pagpatay sa kapuwa tao, ang kaparusahan ay pupugutin ang leeg.
Kapag ang kasalanan ay pakiki-apid sa hindi niya asawa, ang kaparusahan ay bubugbugin hanggang sa mamatay sa harap ng kanilang mga asa-asawa.
Kapag ang kasalanan ay paniniktik o pagmamahabang-dila, ang kaparusahan ay pupugutin ang dulo ng dila.
Kapag ang kasalanan ay pagpapabaya sa asawa at mga anak, ang kaparusahan ay bugbog at pagkabilanggo.
Kapag ang kasalanan ay ang walang katapatan, ang parusa ay maghapong pag-up sa bahay ng mga pulang guyam.
Mga Kuwentong Sinauna, Alamat,
Pagkaunawa at mga Pamahiin
Naging pangkaraniwang paniniwala ng mga tao na ang daigdig ay nagsimula sa isang kipil na lupa na binilog ng Maykapal, linikha upang tirahan ng mga nakapipinsalang kulisap. Ang Diyos ay nayamot sa kanyang unang linikha. Kaya ang ginawa niya ay iwinasag ang unang linikha upang gumawa ng panibago, na lalong malaki kay sa una. Ang bagong lupain ay kanyang ginayakan ng nagtataasang mga bundok, naglalawakang mga gubat at naghahabaang mga ilog, at lawang malalawak. Nalaman Niyang walang sino mang makikinabang sa kaniyang linikhang iyon, kaya ang ginawa Niya’y lumikha ng dalawang ibon upang siyang papanirahin sa
[p. 10]
mga kakahuyan, dalawang isda para sa karagatan, lawa at mga ilog.
Nang makita niyang ang pinakamalungkot na pook sa kanyang mga nilikha ay ang kalupaan, ay ang ginawa Niya ay tinamnan ng mga halamang makakain upang lalong maging kaayaayang pagtingnan. Pagkaraan ng ilang araw ay Kanyang napansin ang malabis na katahimikan kaya ang ginawa Niya ay lumikha ng unang lalaki at unang babae buhat sa puno ng isang kawayang nasa tabi ng isang ilog.
Upang mabigyan ng tahanan ang mga taong bagong likha, ang ginawa Niya ay naglagay ng mga batong guang upang maging yungib na magiging tahanan ng unang babae at lalaking Kanyang linikha.
Sila ay naniniwalang ang araw ay isang bolang apoy na gawa rin ng Diyos, upang ang tao at ang iba pang kinapal ay mabigyan ng init, at makatanggap ng liwanag. Ang buwan at mga bituin ay likha rin Niya. Ang mga ito ay nilikha Niya upang bigyan ng liwanag ang mga tao sa araw at kung gabi ay ng upang ang ibang masisipag ay makapagpatuloy sa kanilang gawain.
Ang kanilang paniniwala ay kaya nagkaroon ng paglalaho ang buwan o ang araw ay dahil sa paglalaban ng tatlong higante na sina Laho, Init, at Lakas. At kaya naman lumilindol ay sa dahilang pag si Higanteng Lakas ay nagagalit ay halos mawasak ang kalupaan. Ang kidlat at mga kulog ay bunga ng mga pagkagalit ni Higanteng Init, buhat sa araw. May paniwala rin silang ang alapaap at ulan ay abuloy ni Buwan sa kaniyang kaibigang Daigdig upang ang mga tao, halaman, at mga hayop ay madulutan ng lamig at kaginhawahan na siyang lubhang kailangan ng pagsibol, paglaki, at pag-unlad.
Ang hangin at mga bagyo, ayon sa sabi nila, ay likha ng Higanteng si Hilik, na kung ito’y natutulog ng mahimbing ay hindi nalilimutan ang paghilik upang lumikha ng malakas na hangin at bagyo. Ang paniniwala naman ng iba, ay ang hangin at bagyo ay mga uri ng kaparusahan ng Diyos sa mga taong wala nang iniisip kundi ang kayamanan at ang karangyaan.
Kapag ang isang ina ay nag-anak ng kambal o higit pa sa rito, ang kanilang paniniwala ay ang mga ito ay tanda ng magandang kapalaran at kaunlaran sa buhay na hindi na magtatagal ay darating. Ang paniwala naman ng iba ay ang pag-aanak daw ng kambal ay isang uri ng di-tuwirang pagpaparusa sa isang ina upang ang kanyang pagpapalaki ay maging mahirap.
Ang sakit, ang sabi nila, ay isang uri ng kapangyarihan ng Panginoong Diyos. Pinapagkakasakit ang mga tao ng upang ang mga ito ay makaalala ng DIyos na lumikha sa kanila sa sandali ng kanilang kalubhaan. Ang sunud-sunod na dasal ng pagsisisi ay makapapagpagaling sa kanila.
Sila ay naniniwala rin sa mga kapangyarihang dulot ng malign, laman-lupa, tikbalang, asuwang. Ang mga kapangyarihang ito ay naidudulot ng isang tao. Ang isang tao na may kapangyarihang tulad nito ay tinatawag nilang “Mangkukulam,” “Manggagahoy” at “Mambabarang.” Ang taong nagtataglay ng ganitong kapangyarihan ay makapaghihigante sa kanino man. Ang mga ito ay makapag-uutos sa mga sakit upang palubhain ang isang tao o isang hayop. Ang isa lamang paraan upang mailigtas ang kanilang pinapagkasakit ay
[p. 11]
kung silang nagpadala ng sakit ang siyang pakiki-usapang gumamot.
Palasak na Mga Awitin, Mga Laro at Mga Libangan
Ang mga palasak na awitin ay karaniwang naririnig sa sandaling ang isang ina, o kapatid na babae ay nagpapatulog ng bata. Ang ilan sa mga ito ay:
Ang mahal mong ina’y malayo sa atin;
Siya’y naghahanap gusto mong pagkain
At madulutan sa ginhawa at lambing.
Siya ay babalik maya-maya lamang
Nadala ang bungang gusto mong matikman
Siya ay babalik mula sa sakahan
Sa lupang ama mo ang siyang nagbungkal.
Huwag mong tanggihan
Sa punong malunggay
Mayron kang katipan.
Ina mo’y nagalit
Ama mo’y nalungkot
Sa iyong ginawa
Kaya ka pinukpok.
Ako nama’y isang munting paru-paro
Nang ako’y dumapo sa dahon mo’t bulo
Malakas na iyak itong ginawa mo.
Ikaw’y naging isang magandang bulaklak,
Ako nama’y naging laywang lumilipad,
Nang iyong ibigay matamis na nectar
Ay aking ginawang pulot na matimyas.
Mga Laro at Kasayahan –
Ang mga palasak na mga laro noong unang panahon ay ang buno o suong, labanan sa pagbuhat ng mabibigat na bagay, arnis, sisiran, pata, pabilisan sa pagpapalakad ng lamo, at saka tubigan.
Ang mga pangkatuwaan ay ang palabanan ng baka, sayaw na subli, balagtasan, labanan sa kantahan, patakbuhan ng pagong, palaisipan at takbuhan sa tayakad.
Palaisipan at Patuturan
Ang kalimitan, ang pagtuturan at palaisipan ay isinasagawa ng mga kabataan pagkatapos na sila ay makapaglaro ng Patentero tuwing maliwanag ang buwan at maganda ang panahon. Ang ilan sa mga karaniwang patuturan at palaisipan ay ang mga sumusunod:
2. Ang ibon ang tumatawag sa kanyang ngalan?
3. Dalawang urang nag-uunahan. – paa
4. Dalawang bolang sinulid abot hanggang Langit. – mata
5. Baras ng kapitan hindi malakdawan. – ahas
6. Nagdaan si Negro namatay ang tao. – gabi
7. Alin sa iyong katawan ang hindi malimutan? – isip
[p. 12]
9. Nagsaing si Kapirit kinain pati anglit. – bayabas
10. Ang anak ay umupo na, ang ina ay gumapang pa. – kalabasa
Mga Salawikain at Sawikain
Ang kalimitan sa mga salawikain at mga sawikain ay inuukol nila sa isang paligsahan ng isip. Ang bawa’t isang salawikain at sawikain ang ipaliliwanag ang bawa’t ibig sabihin o ang kahulugan nito. Ito ay kanilang ginagawa doon sa panahong sila ay naglalamay sa patay. Ang ilan sa kanilang salawikain ay ang sumusunod:
2. Ang sugal ay ina ng paghihikahos.
3. Namumulaklak ang tarangkahan.
4. Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin.
5. Ang lumakad ng marahan kung matinik ay mababaw;
7. Pag may isinuksok ay may titingalain.
8. Huwag kang babagtas ng daan habang hindi ka pa sumasapit doon.
9. Ang papaya ay hindi magbubunga ng dalandan.
10. Mahirap gisingin ang taong nagtutulug-tulugan.
Mga Paraan sa Pagsukat ng Oras at Pantanging Talaarawan
Noong mga nakaraang panahon, ang oras ay sinusukat sa mga sumusunod na pamamaraan:
2. Paggamit ng isang tuong na tubig upang patuluin ng utik-utik. Ang lumalabas na tubig sa maliit na butas ng tuong ang siyang sinusukat.
3. Ang tilaok ng manok.
4. Ang huni ng ibong “calo.”
Ang mga tao noong unang panahong iyon ay hindi nag-iingat ng mapananaligang talaarawan. Ang kanilang ginawa ay ang bawa’t araw ay pinangalanan ng babae at ang mga buwan namay ay mga lalaki. Halimbawa:
Mga Araw
Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado Linggo |
- - - - - - - |
Luna Marta Mierkula Hueva Biyarna Sabada Lingga |
Mga Buwan
Enero Pebrero Marso Abril Mayo Hunyo Hulyo Agosto Setyembre Oktubre |
- - - - - - - - - - |
Nero Pebro Marko Arilo Niyo Dinyo Nilo Yato Embro Tubro |
[p. 13]
Nobyembre Disyembgre |
- - |
Nobro Disyo |
Ang mga araw ay itinatala nila sa pamamagitan ng pagbilang ng maliliit na bato. At ang bilang ng mga buwan at mga taon ay iniuukit lamang nila sa mga puno ng kahoy.
Ang Iba Pang Matandang Kinaugaliang Paniniwala
Sinasabi nilang ang ilog Pansipit ay humati sa pagitan ng bayan ng Lemery at bayan ng Taal, ay ginawa ng isang higanteng Alimango, na sumawa na sa paninirahan sa maalat na tubig. Upang matagpuan ang tubig na hindi maalat, ang ginawa ay ginamit ang kanyang malalaking panipit sa pagdudukal ng isang bambang hanggang sa makarating sa lawa ng Taal. Ang ilog ay kinuha ang pangalan sa malalaking panipit nito kaya pinangalanang “Pansipit.”
Kanila ring nagunita na ang pook na kinatatayuan ngayon ng bayan ay nasa ilalim ng dagat noong marami ng siglo ang nakaraan. Nguni’t nang ang higanteng-dagat na si “Makalimas Dagat” ay makipag-away sa higanteng kay Makapatag Bundok, ang mga buhangin sa ilalim ng dagat ay dinakot nang dinakot at inihagis kay Mapatag Bundok. Ang ginawa naman nitong huli ay yinog-yugan ang mga bundok at pinaguho ang mga lupa nito sa tabi ng dagat hanggang sa ang pook na ito ay matabunan ng maraming lupa at gumitaw sa ibabaw ng dagat, ay naging isang pook na magandang panirahan.
PART II: FOLKWAYS
Traditions, Customs, and Practics in Domestic and Social Life
Birth
It was believed that when a freak child was born, the family would meet good luck in life.
It was also their belief that an expectant mother should not show signs of interest or [a] bitter attitude to ugly persons or objects because that would cause the mother to give birth to ugly creatures.
Women in the family way were advised to pray along under the full moon or the evening star for seven successive nights so that the giving of birth would be easy and the health of both mother and child could be assured.
During the giving of birth, the father would stay under the house, armed with any deadly weapon to prevent the interference of some evil spirits. All members of the family would kneel and pray for the salvation of both mother and child.
No expectant mothers were allowed to stay at the door or at the stairs for they believed that would cause hardship in the delivery of the child.
Baptism
[A] Child not baptized early enough was considered unsafe and susceptible to invitation to witches and evil spirits.
[p. 14]
Selection of a godfather or a godmother was based on character and special personal qualities. They always presumed that the personal greatness of a godfather or godmother would be acquired by the child.
The godmother or the godfather of the first-born baby was always selected by the mother or father of the mother who gave birth.
The midwife who attended the delivery of the child would be the one to take the baby to the church. The belief in that practice was that the newly-born baby would always be good in health throughout his or her life.
Upon reaching the home after the baptismal ceremony from the church, the visitors, especially children, would offer flowers to the godfather or godmother and, in return, they would receive money. Sometimes, coins were thrown up into the air for the visitors to pick up. The belief was that the newly baptized baby would grow in plenty or would become rich.
Courtship
During the early days, young men and women were being married without courtship. Parents were the ones making arrangements for their son’s and daughter’s marriage.
Courting in the olden days was carried out by the use of signals. They used either [a] fan or [a] handkerchief in conveying their feelings of love and affection. That was done because the parents of the young ladies were very strict about the love affairs of their daughters.
Marriage
No marriage ceremony would take place unless all dowries were ready and on hand. They may be in the form of jewels, clothes, work-animals or money. After the marriage ceremony, relatives of both the bride and the groom would gather around to make [a] conteston gifts to be given to the newly-married couple.
Relatives of the bride would offer their gifts (mostly money) to the groom, and the groom’s relatives, to the bride. The offering was done one at a time until all relatives of both parties had given their shares.
After marriage, the bride would stay in the home of the groom for four days and the groom, in the home of the bride, for the same length of days. After that period, they would live together either in their new home or in the home of the groom.
After the performance of the marriage ceremony in the church, both bride and groom would walk as fast as they could toward the church’s door. They believed that the first to reach the church [door] would dominate the other.
Upon reaching home from the church, some relatives of both parties would drop some pots, plates, and other chinaware right on the stairs. The believed that by so doing, the couple would produce many children.
Before entering the house, the newly-married couple would light two candles twisted together. They believed
PART I | PART II | PART III | PART IV