San Fernando and Santiago (formerly Payapa), Malvar, Batangas: Historical Data Part III - Batangas History, Culture and Folklore San Fernando and Santiago (formerly Payapa), Malvar, Batangas: Historical Data Part III - Batangas History, Culture and Folklore

San Fernando and Santiago (formerly Payapa), Malvar, Batangas: Historical Data Part III

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART III

PART I | PART II | PART III

[p. 12]

(Continuation of No. 12 (a) – 6)

Ako ay nakasalubong
Ng isang trupang sundalo.
Inurung-urungan ko
Bago ko pinuego
Pong-pong walang natira
Kundi isang kalvo.
7. Ako’y paalam
Pasa sa Lipa
Kabayo ko ay talong
Riyenda ko’y ampalaya
Kumpas ko ay sitaw
Estribo ay patula
Siya ko ay kamatis
Ubod ng pupula.
- - - -
8. Araw mo’y natapos sa kadalagahan

At haharap ka na sa katahimikan
Lilisaning pilit ang lahat ng layaw
Dahil sa asawang dapat panimbangan.

Ang loob mo Neneng ay iyong ilapat
Sa iyong biyanang sampung pinaghipag
Kung ang gawa mo’y sa Diyos ay tapat
Manumanugang ma’y paparahing anak.
- - - -

9. Ang kwentas na ito’y aking isasabit

Sa tapat ng dibdib huwag iwawaglit
Sa mga digmaan kung iyong masambit
Ipagtatanggol ka sa mga panganib.

At kung sakaling ikaw masugatan
Pahatid ka agad sa aking kandungan
Ang mga sugat mo’y aking huhugasan
Ng luhang tumulo sa dibdib bumukal.

b. Games and Amusements –
Playing “sungka” and “dama.”
13. Puzzles and riddles –
a. Puzzles –
1. Mag-inang baka, nag-anak ng tig-isa
There are two cows. One of them is the mother of the other. Both of them delivered only once.
2. Pumili ka ng isang pangalan ng babae na kung dagdagan mo ng isang titik ay nagiging pangalan ng lalaki. At kung karagdagan pa ng isa pa uling titik ay pangalan din ng lalaki.

[p. 13]

(Continuation of No. 13, a-2)

Select a name of a female that if a letter is added to it, it becomes the name of a male. And if another letter or one more letter, so to say, is added, it also becomes the name of a male.
3. Mayroong isang ilog, kung tatawid ka na sa ilog ay kailangang sumakay sa bangka. Ang bangkang magagamit ay ang laman ay dalawa lamang pati ang bangkero. May kasama kang isang kambing, isang aso, at isang bigkis na kumpay. Kapag iniwan mo ang kambing at aso, sila’y magkakagalit. Kung iwan mo ang kambing at kumpay, kakainin ng kambing ang kumpay. Paano ang iyong gagawin sa pagtawid?
There is a river. If you intend to cross it, a banca is needed. The banca that could be used could accommodate only two including the boatman. With you are one goat, one dog, and a bundle of fodder. If you leave the dog and the goat, they will quarrel. If you leave the goat and the fodder, the goat will eat the fodder. What will you do to cross the river?
4. Ilan ang Isang, Pitong, dalawang Bilang?
How many are Isang, Pitong, and two Bilangs?
5. May isang dumapo sa mga tulos. Kung magtitigalawa ng ibon sa tulos, ay labis ang tulos. Kung magtig-iisa ang ibon sa tulos, ay labis ng isa ang ibon. Ilan ang ibon at ilan ang tulos?
Several birds alighted at several poles. If each pole would have two birds, there would be an over of one pole. If one bird would be at each pole, there would be an over of one bird. How many are the birds and how many are the poles?
b. Riddles –
1. Nang maala-ala’y naiwan, nadala ng malimutan.
When recalled, it is left, but carried when forgotten.
2. Ito-ito na, nguni’t hindi makita.
It could not be seen, but here it comes.

[p. 14]

(Continuation of No. 13, b)

3. Maitim na parang tinta, pumuputi kahit hindi ikula.
Black like the ink, getting white though there’s no bluing.
4. May ulo’y walang mukha, may katawa’y walang sikmura, namamahay nang sadya.
It has a head without [a] face, and body without [an] abdomen. It is really in dwelling.
5. Pantas ka man at makata, alin dito sa gubat ang bumubunga’y walang bulaklak.
Though you [are] an expert and a poet, which here in the forest bears fruit without [a] flower?
6. Kabayo kong si Alasan, ayaw kumain kundi sakyan.
Alasan, a horse of mine, does not eat unless ridden.
7. Sa init ay sumasaya, sa lamig ay nalalanta.
In the heat it gladdens, in [the] cold it gets wilted.
8. Ako’y may kaibigan, kasama ko saan man.
I have a friend. That friend is with me in any place, whatever.
9. Isang butil ng palay, sikip sa buong bahay.>
A grain of palay crowds the whole house.
10. Bahay ng prinsesa, libot ng espada.
The princess’s house is surrounded with swords.
11. Alin dito sa lupa, kung lumakad ay patihaya.
Which here on earth does walk topsy-turvy?
12. Bahay ni Garing, butas-butas ang dingding.
The house of Garing has walls with strewn holes.
13. Dala mo’y dala ka, dala ka ng iyong dala.
What you carry carries you, and what carries you is what you’re carrying.
14. Isang balong malalim, di maabot ang tingin.
A deep well cannot by sight be reached.
15. Ang isda ko sa Mariveles, nasa ilalim ang kaliskis.
My fish in Mariveles has its scales under.
14. Proverbs and Sayings –
1. Kung ano ang hinala ay siyang gawa.
What you suspect others do is what you do.
2. Walang hinayang magtapon ang walang pagod mag-ipon.
He who cares not to waste, toils not to accumulate.

[p. 15]

(Continuation of No. 14)

3. Walang mailap na pugo sa matiyagang magsiilo.
No quail is wild to a patient trapper.
4. Ang hipong tulog ay nadadala ng agos.
The sleeping shrimp is carried by the current.
5. Ang sakit ng kalingkingan ay damdam ng buong katawan.
The pain of the smallest finger is felt by the whole body.
6. Aanhin pa ang sakati kung patay na ang kabayo.
Of what use will the fodder be if the horse is already dead.
7. Alin mang gubat ay may ahas.
In any forest, there is a snake.
8. Magpakapula-pula ang saga, ay maitim din ang kabila.
However red the “saga” is, the other side is also black.
9. Di lahat ng kumikislap ay ginto.
Not all that glitters is gold.
10. Ang magmarunong sa di alam, ang natutubo’y kahihiyan.
To pretend to be prudent [?] of what is not known, results to have shame as the gain.
11. Walang taong banal sa bukas na kaban.
No person is saintly to an open trunk.
12. Kung anong bukang bibig, ay siyang laman ng dibdib.
What the mouth utters is what the heart feels.
13. Ano mang habain ng prosesion ay sa simbahan din ang tuloy.
However is the length of the procession, to the church it also goes and ends there.
14. Di kahiya-hiya ang walang maibigay, paris ng nagbibigay na di tanggapan.
It is not a shame to have nothing to give, unlike one who gives but not accepted.
15. Pag wala ang pusa, naglalaro ang daga.
If the cat is away, the mice play.
16. Magbiro ka na sa lasing, wag lamang sa bagong gising.
You can joke a drunkard, but joke not one who has just awakened.
17. Ang balita ay bihirang magtapat, magkatotoo ma’y marami na ang dagdag.
News seldom tells the truth and if true

[p. 16]

(Continuation of No. 14, 17)

many are already added to them.
18. Ang dila ay hindi patalim, nguni’t kung sumugat ay malalim.
The tongue is not any kind of a bladed instrument, but it makes deep wounds.
19. Pag ang sakit ay malaki, ang pangako ay marami.
When the sickness is grave, the promises are many.
20. Hubugin ang kahoy habang bata pa.
Bend the tree while it is still young.
21. Ang pilak mo man ay sang kaban, at ang ginto ay sang tapayan, kung wala kang kaibigan ay wala ka ring kabuluhan.
Your silver though is one trunk, and your gold is one jar, if you have no friend, you have no worth.
22. Ang asong di palalibot, buto pa’y di makapulot.
A dog [that] does not wander cannot find even bones.
23. Nakikilala mo ang batang mabait sa kumpas ng kamay at buka ng bibig.
You can tell a good child by the movements of the arms and the expressions that come from the mouth.
24. Ang mais ay di lalapit sa manok.
The corn approaches not the chicken.
25. Ang kuripot na mayaman, madalas pagnakawan.
The person who is rich but selfish is often robbed.
26. Ang kapalaran ay di ko man hanapin ay dudulog kung talagang akin.
My fortune, though not I search for it, will come if really it is mine.
27. Ang maliit ay siyang nakapupuwing.
The tiny is the one that partially blinds the eye.
28. Kung anong lakad ng alimangong matanda, ay siya ding lakad ng alimangong bata.
How the old crab walks is also how the young crab walks.
29. Magpakatalino man ang matsin, ay napaglalalangan din.
The monkey though [it] makes itself very witty, can also be deceived.
30. Maganda sa tingin, nguni’t nakakahirin kung kainin.

[p. 17]

(Continuation of No. 14, 30)

Beautiful it is in sight, but can choke if it will be eaten.
31. Walang sumisira sa bakal kundi ang kalawang.
Nothing destroys the iron but the rust.
32. Walang matigas na tutong sa mamamatay ng gutom.
There is no hard crust of scorched rice to one who will die of hunger.
33. Ang katapat ng langit ay pusali.
Opposite the sky is the muddy pool.
34. Ang taong masalita ay tulad ng hardin na sa damo ay sagana.
A person of words is like a garden full of weeds.
35. Ang pagkaka-isa ay lakas.
Unison is strength.
15. Methods of measuring time, special calendars.
a. Position of the sun.
b. The crowing of cocks in the morning.
c. Chirping of the hornbill at 12 o’clock in the morning.
d. Length of a person’s shadow.
e. The opening of the patola flowers at 4 o’clock in the afternoon.
f. The closing of the leaves of the acacia also at 4 o’clock in the afternoon.
g. Position of the moon during moonlit nights.
16. Other folktales –
None.

Part Three: Other Information

17. Information on books and documents treating of the Philippines and the names of the owners.

None.

18. The names of Filipino authors born or residing in the community, the titles and subjects of their works, whether printed or in manuscript form, and the names of the persons possessing these.

None.

PART I | PART II | PART III

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of the Barrios (San Fernando and Santiago, formerly Payapa),” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post