Binubusan, Lian, Batangas: Historical Data Part III - Batangas History, Culture and Folklore Binubusan, Lian, Batangas: Historical Data Part III - Batangas History, Culture and Folklore

Binubusan, Lian, Batangas: Historical Data Part III

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART III

PART I | PART II | PART III

[p. 11]

Simpait ng Dita

Simpait ng dita, nilasap ng buhay
Nagugunita ko, o mutyang hirang
Subalit laging nagugunam
Ang sumpa at pangako
Kay dagling naparam.

Halina giliw at muli mong paligayahin
Ang aking puso, pag may damdamin,
Hanggang kailan pa kaya,
Muli mong sasariwain
Ang sumpa, sa sadlak sa libing
(Wakas)
Resource Person: [Sgd.] Cayetano Cabasis

13. Puzzles and Riddles: Binubusan

1. The arrows of Adam, we could not count. (Rain)
Sibat ni Adan, hindi mabilang. (Ulan)
2. Two stores open at the same time. (Eyes)
Dalawang tindahan, sabay buksan. (Mata)
3. Five brothers and sisters on but one breast. (Hand)
Limang magkakapatid, iisa ang dibdib. (Kamay)
4. Water that was rooted, roots the bore flowers. (Lamp)
Tubig na nagkaugat-ugat, ugat na namulaklak. (Ilaw)
5. Cane of the captain, no one has ever taken. (Snake)
Tungkod ni Kapitan hindi mahawakan. (Ahas)
6. Mang Kiko’s house, surrounded with gold. (Papaya)
Bahay ni Mang Kiko, palibot ng ginto. (Papaya)
7. I planted a banana in front of a Virgin. (Candle)
Nagtanim ako ng saging sa harap ng Birhin. (Kandila)
8. Hair of the king, no one could have it waving. (Water)
Buhok ng hari, hindi mawahi. (Tubig)
9. I tapped the jar, the shrimps ran afar. (Pupils)
Tinugtog ko ang galong, nagtakbuhan ang hipon. (Mag-aaral)
10. A trunk of wood, the mid-part is iron, the point is death. (Gun)
Puno’y kahoy, gitna’y bakal, dulo’y kamatayan. (Baril)
11. A small literno one could look at it. (Neck)
Isang gatang-gatangan, hindi matingnan. (Liig)
12. It has no trunk nor roots, but bears flowers. (Stars)
Walang puno, walang ugat, hitik ng bulaklak. (Bituin)
13. The mother is still crawling, the child is already sitting. (Squash)
Ang ina’y nagapang pa, ang anak ay naupo na. (Kalabasa)
14. Running here and there, but could get to nowhere. (Swing)
Takbo ruon, takbo rito, hindi makaalis dito. (Duyan)
15. The house of the carpenter has but one post. (Pigeon’s)
Bahay ng alwagi, iisa ang haligi. (Sa kalapati)
16. It has no teeth nor jaw, but hot air it throws. (Gun)
Walang ngipin, walang panga, mainit ang hininga. (Baril)

[p. 12]

17. Three ladies went to church, the first wore green, the second wore white, and red for the third. When all went out, they all wore red. (Buyo for chewing)
May tatlong dalagang nagsimba, berde ang suot ng una, puti ang pangalawa, ang pangatlo ay pula; nguni’t nang magsilabas sila, pare-parehong pula. (Ikmo, apog, bunga)
18. Very plenty and very many, but created by one. (God & people)
Marami at makapal, iisa ang lumalang. (Diyos at tao)
19. There are four friends, their heads are all split. (Posts)
Apat na magka-amigo, puro biak ang ulo. (Haligi)
20. It walks without feet, it sheds tears without eyes. (Pen)
Lumalakad walang paa, lumuluha walang mata. (Pluma)
Resource Person: [Sgd.] Buenaventura Macalindong

Matabungkay:

1. Isang biging palay, sikip sa buong bahay. (Ilaw)
2. Isang seƱora, nakaupo sa tasa. (Kasoy)
3. Naririto na, hindi mo pa nakikita. (Hangin)
4. Baka ko sa Maynila, abot dito ang unga. (Kulog)
5. Isang bayabas, pito ang butas. (Ulo)
6. Dahong bumunga, bungang dumahon. (Pinya)

Resource Person: [Sgd.] Criterio Banaag

Luyahan: -

1. Ano ang kauna-unahang ginawa ng kalabao? (Anino)
What is the very first thing the carabao does at sunrise? (Shadow)
2. Alina ng una, itlog o manok? (Manok)
Which comes out first, the hen or the egge? (Hen)
3. Mayroong dalawang pusa; ang harap ng isa ay sa silangan at ang isang pusa ay sa kanluran. Bakit sila nagkakitaan? (Sila ay magkaharap)
There are two cats; one is facing the east, the other is facing the west. Why can they see each other? (They are facing each other.)
4. Dumaan ang negro, nagkamatay ang tao. (Gabi)
The negro passed by, the people died. (Night)
5. Pag bago’y mahuna, matibay pag luma. (Semento)
It is breakable when new, unbreakable when [it] gets old. (Cement)
6. Puno’y kahoy, gitna’y bakal, dulo’y kamatayan. (Baril)
The handle is wood, the [middle] is iron, the point is death. (Gun)
Resource Person: [Sgd.] Antonio Viroya

Balibago –

1. Kain nang kain, walang bituka’y walang ngipin. (Gunting)
Eating and eating, no teeth, no intestines. (Scissors)
2. Isang magandang dalaga, nakaupo sa tasa. (Kasoy)
A beautiful lady, sitting on a cup. (Kasoy)
3. Baboy ko sa kaingin, nataba’y walang pakain. (Kamote)
My pig at the kaingin, grows fat without eating. (Camote)
4. Bumili ako ng alipin, mataas pa kay sa akin. (Sombrero)
I bought a slave, nobler than I am. (Hat)
5. Dala ka ng iyong dala. (Bakya)
You are carried by what you carry. (Wooden shoes)
6. Magtag-ulan at magtag-araw, hanggang tuhod ang salawal. (Manok)
Rain or shine, he wears short pants. (Hen)
7. Narito-rito na, di mo pa nakikita. (Hangin)
It’s coming, coming, but it is unseen. (Wind)
8. Nanganak ang hunghang, sa tuktok nagdaan. (Saging)
The fool gave birth through the head. (Banana)
Resource Person: [Sgd.] Feliza Dimanzana

[p. 13]

14. Proverbs and Sayings: Binubusan –

1. Kung mayroon kang itinanim, mayroon kang aanihin.
(If you planted something, you will have something to reap.)
2. Ang taong tamad, ginto man ang ulan, ay hindi makakapulot.
(A lazy man would get nothing even if it rains with gold.)
3. Ang ugali sa pagkabata ay dala hanggang tumanda.
(Habits formed in youth are carried over to one’s manhood.)
4. Ang taong madaldal, tandaan mo at duwag.
A man who talks much is a coward.
5. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
(What is the use of the grass when the horse is dead?)
6. Ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gagawin sa kapuwa mo.
(Do not do unto others what you do not want others to do unto you.)
7. Ang salita ng taong sinungaling ay hindi pinaniniwalaan kahit na tutoo.
(The words of a liar can’t be relied on thought it is already true.)
8. Ang madaling hanapin ay madali ring mawala.
(Easily earned is easily lost.)
9. Sa taong may hiya, ang salita ay panunumpa.
(A man who has shame, his word is an oath.)
10. Tulungan muna ang sarili, bago tulungan ang kapuwa.
(Help yourself first before you help others.)
11. Ang taong may kabaitan ay makikita sa pagsasalita at sa pagkilos.
(You can judge a person by his words and actions.)
12. Ang gawang kabaitan ay lalong maigi kay sag into at pilak.
(An act of kindness is better than gold and silver.)
13. Ang taong walang pagtitiis ay walang makakain.
(A man without patience will have nothing to eat.)
14. Ang kaibigan kung tapat, karamay kahit sa hirap.
(A friend who is sincere shares with privation.)
15. Kaya matibay ang walis, palibhasa’y nabibigkis.
(If there is unity, there is strength.)
Resource Person: [Sgd.] Antonio Austria

Luyahan –

1. Ang hanap sa bula, sa bula rin nawawala.
(What from the dew you gather, must vanish into the water.)
2. Huwag mong ipagpabukas ang magagawa mo ngayon.
(Do not leave for tomorrow what you can do today.)
3. Mabuti pa ang matakaw kay sa magnanakaw.
(It is better to be a glutton than a thief.)
4. Ang hipong tulog ay nadadala ng ilog.
(The sleeping shrimp is carried by the water.)
5. Sabihin mo ang kasama mo at sasabihin ko kung sino ka.
(Tell me who your companions are and I will tell you who you are.)
6. Ang tubig, kapag matining, asahan mo at malalim.
(Still water is deep.)
Resource Person: [Sgd.] Antonio Viroya

Matabungkay –

1. Pula ka nang pula, sa mukha mo natama.
2. Nakikita mo ang butas ng karayom, nguni’t ang butas ng palakol ay hindi.
3. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.
4. Huwag mong bibilangin ang sisiw hanggang hindi pa napipisa.
5. Huwag mong sisikaran ang tulay hanggang hindi ka nakatutulay.

[p. 14]

6. Kung ano ang binhi ay siyang bunga.
7. Kung ang padala ay dila, ang pagbalik ay balita.
8. Walang mataimtimang babae sa matiyagang lalaki.
Resource Person: [Sgd.] Criterio Banaag

Balibago: -

1. Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang.
A hero when wounded becomes braver.
2. Kung talagang tubo, matamis hanggang dulo.
A real sugarcane is sweet till the end.
3. Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.
There is no merciless virgin to a devoted worshipper.
4. Magpakatukso-tukso [magpakatuso-tuso] ang matsin ay napaglalangan din.
However cunning the monkey is, it can be tricked.
5. Madali ang maging tao, mahirap ang magpakatao.
It is easy to be a man, but hard to act like a man.
6. Pag may hirap, may ginhawa.
When there is hardship, there is comfort.
7. Kung saan mabasag ang palayok, doon naiiwan ang lila.
Where the pot breaks, there the clay rests.
8. Miminsang mabali ang tulay.
A bridge collapses just once.
9. Kung saan ang hilig ng kahoy, ay doon ang lagpak.
A tree falls where it is inclined.
10. Di ko man hanapin, dudulog, lalapit kung talagang akin.
Though I don’t keep on hunting, if it’s really mine, it will be coming.
Resource Person: [Sgd.] Juana C. Bautista

15. Methods of Measuring Time, special calendars:

During the Spanish occupation, the people of Binubusan did not have any device used in telling or measuring time. According to the old folks, they just looked at the sun. The different positions of the sun gave them the time. Another method is by looking at the leaves of the acacia. They say that the leaves close at five o’clock in the afternoon. One more device is the position of the North Star. At three o’clock in the morning, this star is above the eye level. It disappears when it is four o’clock. Pertaining to the calendar, it was the “Honorio Lopez” calendar which was used during the Spanish regime.

Resource Person: [Sgd.] Doroteo Balaguiot

In Luyahan, one method of measuring time used by the barrio folks was the position of the shadows of the trees or any other object. At noon, they could tell the time that it was almost twelve o’clock because the shadow cast by the object is centered to it. Others tell the time by the position of the sun.

Resource Person: [Sgd.] Antonio Viroya

In Matabungkay, the methods used in telling time were by the rising and setting of the sun, by the crows of roosters at night and by the closing of leaves of certain trees in the afternoon. The people use the calendar made by Honorio Lopez for they say it is very dependable. In it are the names of children and the foretelling of the future conditions, etc.

Resource Person: [Sgd.] Criterio Banaag

16. During the Spanish time, the people of Binubusan were very interested in stories. One of the stories they loved to read was the “Ibong Adarna.” There were also some other stories like the “Kurido” and the “Moro-moro.” Some people play these stories during the celebration of the fiestas.

Resource Person: [Sgd.] Doroteo Balaquiot

[p. 15]

Part Three: Other Information

17. Information on books and documents treating of the Philippines and the names of their owners.

No records or information are available.

18. The names of Filipino authors born or residing in the community, the titles and subjects of their works, whether printed or in manuscript form, and the names of persons possessing these:

No records or information are available.

PART I | PART II | PART III

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of the Barrio (Binubusan)” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post