Tanauan, Batangas: Historical Data Part III - Batangas History, Culture and Folklore Tanauan, Batangas: Historical Data Part III - Batangas History, Culture and Folklore

Tanauan, Batangas: Historical Data Part III

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART I | PART II | PART III | APPENDICES

[p. 13]

12 – PUZZLES AND RIDDLES

1. Nagtanim ako ng dayap sa gitna ng dagat
Marami ang humanap, iisa ang nagkapala. – Dalaga
2. Ako’y nagtanim ng isip sa ilalim ng tubig
Daho’y makitid, bunga’y matutulis. – Palay
3. Lahat ako’y minamahal, mang-aawit ang tatang
Suot ko’y putian, puso ko’y dilaw. – Itlog
4. Maitim na parang uwak, maputing parang busilak
Walang paa’y lumalakad, at sa hari’y nakiki-usap. – Sulat

5. Nang maglihi’y namatay, nang manganak ay nabuhay. – Senigwilas

6. May tatlong babaing nagsimba, ang una ay puti
Berde ang pangalawa, at ang pangatlo ay pula
Nguni’t nang nagsilabas sila,
Ay pare-parehong nakapula. – Apok, Hitso at Bunga

7. Mataas pa ang ibinitin kaysa pinagbitinan. – Saranggula

8. Buto’t balat, lumilipad. – Saranggula

9. Bahay ni giring-giring, butas-butas ang dingding. – Bithay

10. Aliwan kung buhay, binuhay ng namatay
Itinapon ng may buhay. – Sigarilyo
11. Nagsaing si Judas, kinuha ang hugas
Itinapon ang bigas. – Kinayod na niyog

12. Maitim na parang tinta, pumuputi ay hindi naman ikinukula. – Buhok

13. Nang hawak ay patay, nang ihagis ay nabuhay. – Trumpo

14. Iisa-isa na, kinain ko pa, ang natira ay dalawa. – Tulya

15. Alisto ka pandak, daratnan ka ng mabigat. – Dikin

16. Naibigan pa ang basag kay sa buong walang lamat. – Kamatsili

17. Baston ni Adan, hindi mabilang. – Ulan

18. Hindi tao, hindi hayop, tumatakbo. – Agos ng tubig

19. Dahong pinagbungahan, bungang pinagdahonan. – Pinya

20. Isang bumbong gugulong-gulong,

Pag nagbango’y doctor. – Hihip

21. Kung araw ay tutulog, kung gabi’y naglilibot. – Kuwago

22. Hindi madangkal, hindi madipa
Pinagtutulungan ng lima. – Karayom

23. Isang prinsesa na nakaupo sa tasa. – Kasoy

24. Heto-heto na, hindi pa nakikita. – Hangin

25. Dalawang bilog na bato, malayo ang naabot. – Mata

26. Isang bayabas, pito ang butas. – Mukha

[p. 14]

27. Isang senyora, hila-hila ang suga. – Karayom at sinulid.

28. Di man itik, di man isda, nakatira sa ilog. – Palaka

29. Hindi hayop, hindi tao, sari-sari ang kinakain. – Kawale

30. Magkabila ay bubong, ang gitna ay alolod. – Dahon ng saging

31. May ulo, walang tiyan

May leeg, walang baywang. – Bote
32. Kung babayaan mong ako’y mabuhay
Yaong kamataya’y dagli kong kakamtan
Nguni’t kung ako’y pataying minsan
Ay lalong lalawig ang ingat kong buhay. – Kandila

33. Isang uling, bibitin-bitin. – Duhat

34. Isang butil ng palay, sikip sa buong bahay. – Ilaw

35. Taga nang taga, walang tatal sa lupa – Humahabi

36. Ako’y nagtanim ng saging sa tabi ng birhen. – Kandila

37. Alin sa buong katawan na sa likod ang tiyan? – Binti

38. Ang kabayo kong si Muheno, na sa puwit ang preno. – Karayom

39. Ang anak ay nakaupo na, ang ina ay gumagapang pa. – Kalabasa

40. Baboy ko sa pulo, balahibo’y pako. – Nangka

41. Bahay sa Kapampangan, malapad ang harapan. – Pantalan

42. Baras ng kapitan, hindi mahawakan. – Ahas

43. Balahibong binalot ng balat, balahibong bumalot sa balat, lamang binalot ng balat. – Niyog

44. Bahay ni Kaka, hindi matingala. – Noo

45. Bahay ni Da [Ka?] Ote, haligi’y bali-bali
Ang bubong ay kawali. – Alimango

46. Baka ko sa Maynila, abot dito ang unga. – Kulog

47. Alago ko sa Marigundong, may sanga’y walang dahon. – Usa

48. Dalawang urang, nag-uunahan. – Paa

49. Dalawang ibong malayo ang layon. – Mata

50. Dalawang balon, hindi malingon. – Taynga

51. Dalawang libing, laging may hangin. – Ilong

52. Hindi naman hari, hindi naman pari,

Nagsusuot ng sari-sari. – Sampayan

53. Hinigit ko ang baging, nagkokora ang matsing. – Kabyawan

54. Puno ay layu-layo, dulo ay tagpu-tagpo. – Bahay

55. Nagtanim ako ng isip sa ilalim ng tubig,
Dahon ay makikitid, bunga ay matutulis. – Palay

56. Binatak ko ang baging, bumuka ang lilim. – Payong

57. Lahat ako ay minamahal, mang-aawit ang aking tatang, suot ko nama’y putian, ang puso ko ay dilaw. – Itlog ng manok

[p. 15]

58. Isda sa kilaw-kilaw, di mahuli’t may pataw. – Dila

59. Maliit pa si kapatid, marunong nang umawit. – Kuliglig

60. Haba mong kinakain, lalo kang gugutumin. – Pauga [purge?]

61. May alaga akong isang hayop, malaki pa ang mata sa tuhod. – tutubi

62. Mayroon akong alipin, sunod ng sunod sa akin. – Anino

63. Tatlong Aeta, nagbabata. – Tungko ng kalan

64. Hindi naman bulag, di makakita sa liwanag. – Paniki

65. Isang bias na kawayan, maraming lamang kayamanan. – Alkansiya

66. Pumutok ay di narinig, tumama ay di nakasakit. – Pamimitak ng araw sa umaga.

67. Ako’y nagtanim ng dayap sa tapat ng dagat,
Walang puno, walang ugat, humihitik sa bulaklak. – Bituin

68. Manok kong pula, inutusan ko nang umaga, nang umuwi ay gabi na. – Araw sa langit

69. Manok kong pula, umakyat sa sampaga
Nagpakitang ganda. – Araw sa langit

70. Nagsaing si Bitang, kumulo’y walang gatong. – Gugo o sabon

71. Dalawang pipit, nakadapo sa isang siit. – Hikaw

72. Wala sa langit, wala sa lupa, ang dahon ay sariwa. – Dapo

73. Bato na ang tawag ko, bato pa rin ang tawag mo. – Bato-bato

74. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. – Anino

75. Isang munti kong kumpare, maaaring umakyat kahit sa kahoy na malaki. – Langgam

76. Apat na tao, iisa lamang ang sambalilo. – Bahay

77. Kung araw ay bumbong, kung gabi ay dahon. – Banig

13 – PROVERBS AND SAYINGS

1. Ang hipong tulog ay nadadala ng agos.

2. Ang kayamanan ay bunga ng pagtitiis.

3. Pag may hirap, may ginhawa.

4. Huwag mong ipagpabukas ang magagawa mo ngayon.

5. Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang.

6. Pag may tanim ay may aanihin.

7. Ang malumanay na pangungusap, sa puso’y nakalulunas.

8. Kahoy na babad sa tubig, sa apoy huwag ilalapit, kapag ito’y nag-init, saplitang magdirikit.

9. Kung ikaw ay maliligo sa tubig, ay umagap para huwag abutin ng tabsing ng dagat.

[p. 16]

10. Ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makararating sa paroroonan.

11. Ang labis sa salop ay dapat kalusin ang labis sa sukat ay dapat putulin.

12. Anumang taas ng lipad ng pugapog ay sa lupa di pupulpog.

13. Pag may burol, may labak.

14. Ang mahaba ay maganda, may puri at may buhay pa.

15. Pag may kasayahan ay may kalungkutan.

16. Ang tubig na lagaslagasan, arukin ma’y mababaw; ang tubig na matining, aruking may malalim.

17. Ang kapangahasan ay bunga ng pag-asa.

18. Ang lakad na matulin, matinik ma’y malalim; ang lakad na marahan, matinik ma’y mababaw.

19. Bahaw man at magaling, daig ang bagong saing.

20. Maputi man at durog, daig ang garingang subok.

21. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?

22. Ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad.

23. Ang santol ay hindi bubunga ng mabolo.

24. Kung anong bukang-bibig, siyang laman ng dibdib.

25. Ang kamay na manipis ay may hawak na hapis.

26. Ang kasipagan ay kapatid ng kayamanan.

27. Pagkaraan ng ulap, lilitaw ang liwanag.

28. Kapag may isinuksok ay may madudukot.

29. Kapag ang tao’y matipid, maraming maililigpit.

30. Ang matibay na kalooban, lahat ay nagagampanan.

31. Ang taong maagap ay daig pa ang masipag.

32. Ang walang pagod magtipon, walang hinayang magtapon.

33. Kung tunay na tubo, matamis hanggang dulo.

34. Huli man daw at magaling, ay naihahabol din.

35. Di man magman ng ari, magmamana ng ugali.

36. Walang binhing masama sa mabuting lupa.

37. Sa maliit na dampa ay nagmumula ang dakila.

38. Nakikita ang butas ng karayom, hindi nakikita ang butas ng palakol.

39. Kung pinukol ka ng bato, pukulin mo naman ng tinapay.

40. Ang naglalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.

41. Kapag tinawag na utang, sapilitang babayaran.

42. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.

[p. 17]

43. Wika at balong ihagis, di na muling magbabalik.

44. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

45. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

46. Ang maikli ay dudugtungan, ang mahaba ay babawasan.

47. Ang pagmamahal sa sarili ay nakabubulag.

48. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.

49. Bago gawain ang sasabihih, maki-ilang isipin.

50. Walang matibay na baging sa magaling umalambitin.

51. Walang matiagang birhen sa matiagang manalangin.

52. Kung pinukol ka ng bato, iganti mo’y puto.

53. Walang mataas na bakod sa taong natatakot.

54. Pag ang punla ay hangin, bagyo ang aanihin.

55. Ang taong mapagbulaan, ay hinlog na magnanakaw.

56. Kapag may isinuksok, may titingalain.

14 – METHODS OF MEASURING TIME, SPECIAL CALENDARS

(a) Methods of Measuring Time:
(1) The position of the sun.
(2) The crowing of the cocks at night.
(3) The length of the shadow by day, and at night when there is a moon.
(4) The homing of the fowls.
(5) The position of the stars, the constellations and the moon, whenever there is, at night.

(b) Special Calendars: None

15 – OTHER FOLKTALES

N O N E

Part Three: OTHER INFORMATION

16 – INFORMATION ON BOOKS AND DOCUMENTS TREATING OF
THE PHILIPPINES AND THE NAMES OF THEIR OWNERS

No information on books and documents treating of the Philippines and the names of their owners can be gathered owing to the last global war which caused the total destruction of all important records and documents made by some of the illustrious sons of Tanauan. It is, however, very certain that Apolinario Mabini, although born in Talaga, a barrio of Tanauan, is considered the first and foremost son of the community. Of the outstanding books Mabini had written, “The Rise and Fall of the Philippine Revolution” is considered Mabini’s masterpiece. The book is at present to be found at the Philippine National Library and Museum. Mabini’s “True Decalogue” was and still is the food for thought for small children. Printed forms of this Decalogue had been furnished each school during the pre-war days in almost every classroom.

[p. 18]

17 – THE NAMES OF THE PHILIPPINE AUTHORS BORN OR RESIDING IN THE COMMUNITY, THE TITLES AND SUBJECTS OF THEIR WORKS, WHETHER PRINTED OR IN MANUSCRIPT FORM, AND THE NAMES OF THE PERSONS POSSESSING THEM.

Note: Please refer to the preceding number regarding this information.

PART I | PART II | PART III | APPENDICES

Notes and references:
Transcribed from “Report on the History and Cultural Life of the Municipality of Tanauan,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post