Pila, San Pascual, Batangas: Historical Data Part III
PART III
[p. 13]
14. Proverbs and Sayings
Pag ang tubig ay matining,
Tarukin mo at malalim.
[p. 14]
[p. 15]
15. Methods of Measuring Time:
The people of the past had a crude way of measuring time. They used no clocks or watches but they had the following as means of measuring time:
2. Songs of birds like the bato-bato, the sabokot, etc.
3. By looking at the sun.
4. By observing the flowers of plants like the flowers of the patola.
5. By looking at the stars at night, they could determine the time at night.
16. Other Folktales.
Mga Kuento
Ang Tatlong Magkakapatid
Noong unang araw ay mayroong tatlong magkakapatid na babae. Sila ay mayaman, malaki ang kanilang bahay. Sila ay walang ginagawa araw-araw kundi magpaganda at magpalinis ng kamay. Araw-araw ay kinukuskos nila ang kanilang mga kuko, anupa’t lagi nang pinagaganda at pinalilinis nila. Halos Ipinagmalaki nila ang kanilang mga kamay.
Isang araw, sila ay namasyal sa piling ng bundok. Sa kanilang pamamasyal ay nakita nila si Maria na anak ng kabila ng labandera.
Tingnan ninyo ang kamay ni Maria. “Pagka-gaspang at anong pagka-itim,” ang saad ng isa.
“Maria!” ang tawag isa. “Ilagay mo sa likod ang iyong kamay. Huwag mo sanang ipakita sa amin. Ayaw namin ng mga pangit na kamay.”
[p. 16]
“Dapat mong ikahiya iyan,” ang sabi naman ng patatlong kapatid.
Hindi malaman ni Maria kung ano ang kanyang gagawin. Gusto niyang umiyak.
Kinamayan-mayan ay isang matandang babae ang dumaan. Siya ay may dalang maraming damit.
Ang sabi ng matanda, “Pakitulungan nga ninyo ako sa pagdadala nito, mga magagandang bata.”
Ang tatlong magkakapatid ay agad nagsitalikod at ito ang ipinagbadya, “Masasaktan ang aming mga kamay.”
Si Maria naman ay dali-daling dumais sa matanda at siya ang nagdala ng balutan. Tinulungan niya ang matanda ng pag-akyat sa bundok.
Sa itaas ng bundok ay may ilaw na suminag, at tuloy nawala ang matanda. Sa kanyang harapan ay dumulog ang isang anghel.
Nakangiti ang anghel na ito at sinabi, “Maraming salamat, Maria. Ikaw ang may pinakamagandang kamay sa buong daigdig. Ang magagandang kamay ay mga kamay na tumutulong.” At nawala ang anghel pagkatapos ng mga pangungusap na ito.
FOLKTALES
Once upon a time, there lived three rich sisters. They lived in a big house. They did nothing but take care of their hands. They rubbed their nails and kept their hands white and smooth. The three sisters were very proud of their hands.
One day, they took a walk near a mountain. Soon, they met Maria, the daughter of their washerwoman.
One of them said, “Look at Maria’s hands. Do not show them do us. We do not like ugly hands.”
The third sister said, “You should be ashamed of them!”
Maria did not know what to do. She wanted to cry. By and by, an old woman passed by. She carried a heavy pack of clothes. She said, “Please help me carry these clothes, pretty girls.”
The three sisters turned their backs and said, “We shall hurt our hands.”
Maria ran to help the old woman. She helped her climb the hill. On top of the hill, a light appeared and the old
[p. 17]
woman was gone. Instead, a shining person appeared. She was an angel. The angel smiled and said, “Thank you, Maria. Beautiful hands are those that help.”
The angel disappeared.
PART THREE
“Other Information”
In this place, there are no popular writers. Old folks living up to this time could not recall of any author and his works.
The people during the olden days were relatively illiterate.
RAFAEL DIMACULANGAN
(MRS.) CONSOLACION M. DIMACULANGAN