Pantalan, Nasugbu, Batangas: Historical Data Part II - Batangas History, Culture and Folklore Pantalan, Nasugbu, Batangas: Historical Data Part II - Batangas History, Culture and Folklore

Pantalan, Nasugbu, Batangas: Historical Data Part II

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART II

PART I | PART II

[p. 5]

karamdaman ang tumitira sa bahay na iyon.

10. Ang kalan na nakaharap sa kalan ay palabisita.

11. Kung ang bahay ay tapat-tapat ang plato, ito [ay] buwisit sa kabuhayan.

12. Masamang pumasok ang isang nagdadalang-tao sa silong ng bahay kung lubog na ang araw sapagka’t maghihirap sa panganganak.

13. Kung ang buwan ay patunaw, masama ang maligo sapagka’t magiging himatayin.

14. Kung lumilindol ay masama ang matumba sapagka’t magiging himatayin.

15. Ang isang nagdadalang-tao ay masamang magpabuhat ng bahay o lumipat ng tirahan sapagka’t ito ay maghihirap sa panganganak. Ito ay hindi mapapaanak hanggang hindi maaalis lahat ng tungkod ng bahay na naiwan sa pinagbuhatan.

16. Pagdating ng bagong kasal buhat sa simbahan, ito ay sasabugan ng bigas at wawaligwigan ng tubig tubig upang umunlad ang kabuhayan.

17. Ang batang bagong anak, hanggang hindi pa dumarating sa isang taon ay masamang paliguan araw-araw ng kapanganakan. Ang bata ay magiging masasaktin.

18. Upang maging matalino ang isang bata, lagyan ng sinulid, karayom, pera, papel at lapis ang tubig sa unang paligo.

19. Masamang umupo ang buntis sa hagdan at tumigil sa pinto sapagka’t pagkakaranasan ito kung manganak.

20. Kung ang kamay ng patay ay malambot, may susunod na mamamatay sa kasamahan sa bahay.

21. Ang dalagang matapatan ng bingot na pinggan sa handaan ay tatandang dalaga.

22. Masama sa babae ang may tulo sa noo. Ito ay medaling matukso.

23. Kung naglalakbay ay may nadaanang patay ay masama ang hindi magpugay. Magkakaroon ng sakuna.

24. Ang kumanta sa harap ng kalan ay magkaka-asawa ng matanda

[p. 6]

25. Ang may taling sa hingahan ay mapalad, magiging mariwasa sa kabuhayan.

26. Ang may puyo sa noo ay masamang mamangka sapagka’t ang sinasakyan ay siguradong lulubog.

27. Masama sa nagdadalang-tao ang kumain sa kaldero o palayok. Maghihirap daw ito sa panganganak.

28. Masama raw ang may taling sa may patakan ng luha. Ito ay baluhin.

29. Kung ang nagdadalang tao ay magpapakuha ng larawan, ang bata ay mamamatay.

30. Kung ang pusa ay naghihilamos sa pinto ng bahay, ito ay tanda na may dumating na bisita.

MGA BUGTONG

1. Puting lupa, itim na binhi.
Itinanim ng kamay, inani ng bibig. – lapis at papel

2. Puno’y layu-layo, dulo’y tagpu-tagpo. – bahay

3. Tubig sa dikan-dikan
Hindi patakan ng ulan. – niyog
4. Puno’y lusong, gitna’y halo
Dulo’y payaong, bunga’y gatang. – papaya

5. Isang ilog-ilugan, libot ng baliwasnan. – mata

6. Butas na’y butas din ang itinagpi. – dala

7. Molang hindi makalakad,
Lawing hindi makalipad. – Molawin

8. Alin dito mundo ang pangalan ay Isko. – iskoba

9. Tatlong magkapatid, tatag sa init. – tungko

10. Kapirasong bakal, tubig ang nabukal. – bomba

11. Hindi naman aso, hindi naman kuwan
Berde ang balat, pula ang laman. - pakwan

12. Isang bias na kawayan, punong-puno ng guyam. – pipino

[p. 7]

13. Nagdaan ang negro, patay lahat ng tao. – gabi

14. Naito na hindi pa makita. – hangin

15. Tinuga ko sa gubat, sa bahay nag-iiyak. – gitara

16. Walang pintong pinagdaanan
Nakapasok sa looban. – pag-iisip
17. Hindi maluto sa nasulak
Sa malahininga’y nalalabsak. – piso

18. Saging ko sa Maynila, abot dito ang palaba. – balañgaw

19. Hindi Lunes, hindi pista, palibot ng bandera. – sagingan

20. Pitak-pitak, silid-silid
Pinto ma’y hindi masilip. – kawayan

MGA SALAWIKAIN

1. Pag ang tao’y panot, wala kang masasabunot.

2. Magdaragat na di magtahan, sa dagat din namatay.

3. Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.

4. Ang kahoy na babad sa tubig,
Sa apoy huwag ilalapit.
Pag nadarang ng init
Sapilitang magdadaig.
5. Sa kalikutan ng munting palakol
Ay nakakabual ng malaking kahoy.

6. Ang taong masalita, kulang sa gawa.

7. Ang taong nagigipit, sa patalim ay kumakapit.

8. Ang anak na hindi paluhain,
Ang ina ay patatangisin.

9. Ang nagsasabi ng tapat ay pagsasamang maluwat.

10. Ang tapat na kaibigan sa gipit masusubukan.

11. Ang sakit ng kalingkingan
Damdam ng buong katawan.

12. Pag ang tao ay mabigat ang katawan,

Magaan ang tiyan.

[p. 8]

13. Walang masamang kabayo
Sa marunong magpatakbo.
14. Maghanda ka hanggang maaga,
Nang hindi kung gabi’t dumilim na
Ay hindi ka ngangapa-ngapa.
15. Anak na nalulunod sa salot ng kadiliman
Hindi sagipin ng magulang sa laki ng pagmamahal.
16. Pag ang tubig ay matining
Turolan mo’t malalim.
17. Habang hindi pantay ang paa ng tao,
Hindi mo masasabi kung saan ang tungo.

PART I | PART II

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of Pantalan,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post