Nasugbu (Poblacion), Batangas: Historical Data Part V - Batangas History, Culture and Folklore Nasugbu (Poblacion), Batangas: Historical Data Part V - Batangas History, Culture and Folklore

Nasugbu (Poblacion), Batangas: Historical Data Part V

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART V

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V

[p. 28]

III. Baptism

1. The sponsor in Baptism should give something to the godchild as a Baptismal gift so that they will not be susceptible to sickness.

2. During Baptism, if there is an only boy or an early girl among the children being baptized, the boy or girl will have many admirers when he or she grows up.

3. The sponsor must infuse into the child’s head while the child is being baptized so that the child may inherit the good traits of the godparent.

IV. Planting

1. It is good to plant when there are many stars so that there will be a good harvest.

2. It is better to plant pineapples in the afternoon so that the fruits will be sweet.

3. In sowing the palay, the sleeves of the shirt should be hanging so that the leaves of the palay would hang and not bother the harvester.

4. While planting bananas, one should be in a squatting position so that the banana plants will not grow tall.

V. In Taking a Bath

1. It is bad to take a bath on Tuesdays and Fridays because it may cause illness.

2. It is bad to take a bath on one’s birthday, this may result to illness.

3. A person who sleeps right after taking a bath will become insane.

4. In bathing a newly-born baby, do not pour water over his head because he will be susceptible to cold.

5. Taking a bath on Good Friday is not good for you are driving the graces of God.

[p. 29]

POPULAR SONGS

Awit

May isang punong granada
Hitik na hitik ng bunga
Paano Neneng ang pagkuha
Nalilibiran ng pagsinta.

Ihuli mo ako ng isang
Ibong kulyawan.
Barilin mo’t patamaan
Nguni’t huwag sasaktan.

Mag-init ng tubig,
Kumukulo’y malamig,
Himulmulang malinis,
Nguni’t balahibo’y
Huwag maaalis.

Duruin mo sa duruan,
Nguni’t huwag lalampasan,
Iihaw mo nang tayangtang,
Sa baga’y huwag idadarang.

Balutin mo sa papel
Talian mo ng buhangin
Sa ilog mo paraanin
Tuyong iharap sa akin.

Punong Kahoy

Doon sa amin, bayan ng Silangan
May tumubong kahoy, sanga’y maruklay
Sino man ditong taong dumaan
Pilit na sisilong kung naiinitan.

Kung makasilong na’t makapagpahinga
Binunot ang punyal sampu ng espada
Tinaga sa puno, inulit sa sanga
Iyan ang ganti ko sa iyong kahoy ka.

Ang sagot ng kahoy, ay aba kapalaran
Di ka na nag-isip nang kahihinatnan
Ako’y nag-ampon sa naiinitan
Ang ganti sa akin, ako’y pinatay!

[p. 30]

Tao Po, Tao Po

Tao po, tao po, may bahay na bato
Bukas ang bintana, tayo’y magpandango,
Kung walang gitara’y maski na bilao
Makita ko lamang ang dalaga ninyo.

Ang dalaga ninyo’y ayaw paligawan,
Nagpasok sa silid, nagsakit-sakitan,
Nang siya’y makita ng kanyang magulang,
Aray ko Ina ko, masakit ang tiyan.

Nagpakaon agad ng dalawang mediko,
Pinagtigisanan and dalawang pulso.
Sabi ng medico’y hindi sakit ito,
Sinta ng binata, namuo sa ulo.

May Isang Babaing

May isang babaing naglako ng hipon,
Ginabi’t dinilim, walang sumalubong,
Pagdating ng bahay, ibinagsak ang bakol,
Magsaing ka Pedro’t ako’y nagugutom.

Kung magsasaing ka’y kalahating gatang,
Na kalahati’y luto, kalahati’y hilaw,
At gayon din naman, sa pag-iibigan
Kalahati’y oo’t kalahati’y ayaw.

Sitsiritsit Alibangbang

Sitsiritsit alibangbang, salaguinto’t
Salagubang. Ang babai sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang.

Ang anak na dalaga ni Tandang Liloy
Ang napang-asawa’y masamang amoy
Ha! Ha! Ha! Ha! Huwak [Huwag?] na toy!

Mayrong Dalaga

Mayrong dalaga, kong mamalas
Labis na labis kung siya’y gumayak
Ang baro at saya, ay hakab na hakab
Ang buong katawa’y nababakas.

Ang dalagang ito’y singkaran nang ganda,
Maitim sa uling, madilat ang mata.
Ang butas ng ilong, katulad ng kweba
Tadtad ng bulotong, ha! ha! ha!
Huwag na toy!

[p. 31]

GAMES

1. Sungka

The “sungkaan,” which is composed of seven holes on each side and two big holes at each end called “bahay” in this game. Each except the “bahay” contains seven stones or shells. The “mano” gets her stones and distributes them in all the holes until they are all gone. In the last hole where she drops the last stone, she gets all the stones and distributes them. If the last stone falls on a hole whose opposite hole contains stones, then the stones are taken as “subi.” The one who has the most number of stones in her “bahay” is the winner.

2. Sintak

In this game, a big round stone and six small ones are needed. The mother stone or “ina-ina” is thrown upwards, and the small stones are taken one by one. Then the same small stones are taken two by two, three by three and so on until they are taken by fives. Then follows the “kuhit-kuhit” – touching the ground with the forefinger as many times as there are participants in the game. Then comes the “agad-silid.” Once the mother stone is thrown upward, the children stones are picked up one by one and placed on the left hand. The next step is the “hulog-bombong.” Arrange the fingers of your left hand in such a way that they look like the hollow part of a bamboo. Then, each stone is allowed to pass through it. This step is followed by the “sibara” – extend the forefinger and thumb, making an arch-like position. Each stone is allowed to pass under it. Then comes the “laglag-bunga,” – all the small stones are taken in the right hand. They are dropped by twos, then by threes, by fours, and by fives. They are then dropped and taken again. This is called “lukob.” The last part of the game is “pipi” – the opponent’s hand is placed over the stones and the one who wins taps it.

3. Siklot

Many stones are used in this game. The stones are placed in the hollow of the hand and then the player turns her hand upside down so that the stones will rest on the other side of the hand. Those stones which fall are touched abruptly (pinitik). Those that remain are called litters or “biiks.” The one who has the greater numberof “biiks” wins.

[p. 32]

4. Sulot-sulot Bandol

The children in this game stay inside the circle. The “it” uses a short stick and goes around to touch them. The one touched will be the next “it.”

5. Bunot-kugon

The players are grouped into two, each having a mother. The players hold each other’s waists in succession. The mother of one group pulls the mother of the other group and the one who pulls the greater number of players to her side wins.

6. Himbabao

The children in this game hide and shout “himbabao.” The “it” looks for them. The one who will be seen first will be the “it.” The one who reaches the post without being caught is considered the winner.

7. Piko-piko

The mother opens her palm wherein the others put their forefingers. Then, they sing this song:

Piko-piko, salaguring
Sa batiya’y kikimkimin.

The one whose finger is caught will be the “it.”

8. Pasinordin

The mother will say”

“Pasinordin, kumbentong malalim
Kuliting, kuliting, kumuha ka ng damo.”

The others will ask, “Anong dahon?”

The mother will answer:

“Dahon ng ikmo!”

(Any kind of leaf that she may think of may be given.)

9. Otso

The players make two circles in the form of [the] number “8.” As in Sulot-sulot Bandol, the “it” goes around the circle. The one who is left in the circle walks, forming [the] figure “8.”

MGA BUGTONG

1. Iisa na, kinuha pa.

Kaya ang natira, ay dadala-dalawa. (tulya)

[p. 33]

2. Ang isda ko sa Mariveles
Nasa ilalim ang kaliskis. (sili)

3. Oo nga’t sili, nasa ilalim ang aligi. (alimango)

4. Oo nga’t alimango, nasa ilalim ang ulo. (pagong)

5. Oo nga’t pagong, nasa ilalim ang tombong. (niyog)

6. Oo nga’t niyog, nasa ilalim ang bunot. (mangga)

7. Oo nga’t mangga, nasa ilalim ang pula. (itlog)

8. Bugtong kong tiya-tiyatong,
Tiyatiyatong kong bugtong. (sibuyas)

9. Lumabas si Rita, kanyang saya’y pula. (pusong saging)

10. Dahon ng dahon, sanga ng sanga,
Wala namang bunga. (kawayan)
11. Tumindig siya’t sumigaw,
Ako’y lalaking matapang. (tandang)
12. Ako’y may biting sangkalan,
Inaamoy, tinititigan. (langka)
13. Ako’y nagtanim ng hiya,
Sa laguerta ng Kastila,
Ang dahon ay mahahaba,
Ang bunga ay mataba. (niyog)

14. Kabiyak na niyog, magdamag na nagolipod. (buwan)

15. Wala sa langit, wala sa lupa,
Ang daho’y nanariwa. (dapo)

16. Iisa ang sinuotan, tatlo ang nilabasan. (kamisita)

17. Maputing parang busilak,

Kalihim ko sa pagliyag. (papel)
18. Bumubuka’y walang bibig,
Ngumingiti nang tahimik. (bulaklak)
19. Puno’y bumbong, sanga’y usiw
Bunga’y gutang, lama’y lisay. (papaya)
20. Ako’y nag-ihaw ng apoy,
Tubig ang iginatong. (ilaw)

[p. 34]

MGA SALAWIKAIN
(English & Tagalog)

1. His head is already wet when he puts on a hat.
Nang magsalakot, basa na ang tuktok.
2. Time should be properly used, for it is as worthy as gold.
Ang oras ay samantalahin, sapagka’t ginto ang kahambing.
3. Laziness is the brother of hunger.
Ang katamaran ay kapatid ng kagutuman.
4. Laziness is the mother of poverty.
Ang katamaran ay kahirapan.
5. The mistakes of the poor are noticed by all.
Ang kamalian ng mahirap ay napupuna ng lahat.
6. When there is famine, there will be abundance.
Pag may tag-araw, ay may tag-ulan.
7. Behind the black clouds will shoot forth the rays of the sun.
Pagkapawi ng ulap, lumilitaw ang liwanag.
8. The fisherman who draws his net too soon won’t have any catch at all.
Ang mangingisdang nagtataas agad ng lambat ay walang isdang masasagap.
9. Don’t count the chickens before they are hatched.
Huwag mong bibilangin ang itlog
Hanggang hindi nagiging manok.
10. He who believes in tales has no mind of his own.
Ang naniniwala sa sabi ay walang bait ng sarili.

MGA SALAWIKAIN
(Tagalog)

1. Lumalakad ang kalabasa, naiiwan ang bunga.

2. Ngayon tutukain, ngayon kakahigin.

3. Palakihin ang maliit, bumawas sa malaki.

4. Pag ang tubig ay tining asahan mo’t malalim.

5. Sabihin mo ang iyong kasama at sasabihin ko kung sino ka.

[p. 35]

R E S O U R C E      P E R S O N S

The following persons were consulted in the gathering of the data for the Poblacion.

1. Mr. Francisco Ureta
2. Mr. Amando Villamarin
3. Mr. Leopoldo Alix
4. Mr. Ruperto Bautista
5. Mr. Eduardo Villadolid
6. Mr. Luciano Bautista
7. Mr. Vicente Romasanta

Compiled by:

1. Mr. Aproniano Boongaling
2. Mr. Modesto Alix
3. Miss Apolonia Villafranca
4. Miss Rufina de Guzman
5. Mr. Canuto Ruedas
6. Miss Santas Garcia

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V

Notes and references:
Transcribed from “Historical Data of the Municipality of Nasugbu,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post