Mapulo, Taysan, Batangas: Historical Data Part II - Batangas History, Culture and Folklore Mapulo, Taysan, Batangas: Historical Data Part II - Batangas History, Culture and Folklore

Mapulo, Taysan, Batangas: Historical Data Part II

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART II

PART I | PART II

[p. 6]

3. A girl who sings before the stone while cooking will marry a woodwork.

4. A cat washing his face forecasts a visitor is coming.

5. When a member of the family dies and the corpse is soft, another member will soon follow.

6. When a hen crows at midnight and without any response, a maiden or unmarried woman will give birth.

7. When you incidentally bite your tongue, somebody is harboring ill feelings toward you.

8. When you dream of a person who is still living dies, that person will have a longer life.

9. During the transition. Of the moon, [if] it so happens that you take a bath, that very moment you will be seriously ill.

12 – Popular songs, games and amusements:

1. Songs – Kutang, Pandango, Kurido, Original and Sinalibis.

2. Games and amusements – Hari-harian, Sungka, Bulaklakan, Sin-singan, Tres-Siete, Entre-sais, and Kayho.

13 – Puzzles and riddles:

a. Riddles –

1. Kabiyak na niyog, sambuwang nagalipod. – Buwan.

2. Bahay ng kalapati, punong-puno ng garoti. – Apuyan.

3. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. – Mata.

4. Mataas ang nabibitin kay sa kinabibitinan. – Saranggola.

5. May punong walang ugat, hitik ng bulaklak. – Langit na mabituin.

6. Walang butas na pinapasukan, napapasok ng kaloob-luoban. – Pag-iisip.

7. Sa umaga humahapon, sa hapon tumatalon. – Unan.

8. Isang malaking punong kahoy, ma’y sanga’y walang dahon. – Langanan.

9. Pagsipot ay maliwanag, ay kulubot ang balat. – Ampalaya.

10. Hindi tao’t hindi pantas, maaaring makausap. – Sulat.

11. Hindi madangkal, hindi madipa, pinagtulungan ng lima. – Karayom.

12. Naligo si Adan, hindi nabasa ang tiyan. – Sahig.

13. Isang supot na uling, naroon at bibitin-bitin. – Duhat.

14. Habang iyong kinakain, ay lalo kang gugutumin. – Purga.

15. Matanda na ang nuno ay di pa naliligo. – Pusa.

16. Butasi, butasi, butas rin ang itinagpi. – Lambat.

17. Matapang ako sa dalawa, duwag ako sa isa. – Tulay.

18. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin. – Sumbrero.

19. Lumalakad ay walang humihila, tumatakbo’y walang paa. – Bangka.

20. Isang kumpol na ngipin, nakabalot sa papel. – Bawang.

b. Puzzles:

1. May pitong baka sa loob ng kural, lumukso ang isa, ilan ang natira? – Pito.

2. Mag-inang baka, umanak ng tig-isa, ilan lahat ang baka? – Tatlo.

[p. 8]

3. Pitong Huwan at isang Pedro, ilang lahat? – Apat.

4. Mayroong isang magandang prinsesa na totoong mabilis sa takbuhan. Siya’y napabalita na ang makatatalo sa kanya’y kanyang pakakasalan at ang matatalo naman niya’y kanyang papupugutan ng ulo. Ano ang paraang ginawa ni Pablo upang siya’y magtagumpay?

Sagot: Sapagka’t ang prinsesa’y mahiligin sa sari-saring uri ng bulaklak, at si Pablo namupol ng marami upang gamitin sa kanyang pagtakbo. Kapag ang prinsesa’y nakauuna sa kaniya, ang bulaklak ay kaniyang hinahagis sa unahan ng prinsesa at pupulutin naman into ng prinsesa. Sa ganitong paraan ay nakauna si Pablo, kung kaya tinalo din ang prinsesa sa takbuhan.

5. Si Miguel ay naglalaro ng bola. Kaginsa-ginsa’y nahulog sa tubong butas nakabaon sa lupa. Ano ang kaniyang ginawang paraan upang makuha ang bola?

Sagot: Ang tubo’y binuhusan ng tubig upang ang bola’y umalsa.

6. Aling halaman na kung bigkasin ng sino man, maging mangmang man o marunong, ay humal?

Sagot: Anghingho.

7. Aling pangalan ng Pilipino na wala sa titik na “Marcelo?”

Sagot: Quintin.

8. Aling bunga ang malayo sa sanga? Bungang-araw.

9. Anong tawag mo sa biyenan ng asawa ng kapatid mo kung babai? Sagot: Inay.

10. Sino sa anak ng iyong magulang ang hindi maitutu-

[p. 9]

ring na iyong kapatid? Sagot: Ikaw.

14 – Proverbs and Sayings:

1. Kay ganda ng panahon

Masarap maglaro ngayon.

2. Malapit na ang tag-ulan,

Mag-ipon ng kailangan.

3. Walang matimtimang birhen

Sa matiyagang manalangin.

4. Huwag magmatsin,

Kung di marunong bumitin.

5. Walang matigas na batong buhay

Sa matiyagang patak ng ulan.

6. Bahay man ay bato’y ang natahan ay kuwago,

Manapa’y isang kubo na ang natahan ay tao.

7. Ang kahoy, babad man sa tubig, kapag sa apoy ay

Malapit at nadadarang ng init, sapilitang magdirikit.

15 – Measuring of time, special calendars:

a. 1. By looking at the sun.

2. By the crowing of the cocks.

3. By the sound and voice produced by some birds and insects.

b. Special Calendars:

The people in the olden days learned of a certain event or fiesta by referring to the church and by listening to the sermon of the priest.

16 – No other folktales can be gathered.

[p. 10]

17 – No information on books and documents treating [of] the Philippines and the names of the owners are available.

18 – No authors from the place have been known so far.

Prepared by:

[Sgd.] FELIX A. MERCADO
Chairman

[Sgd.] (Miss) CLARA A. CATILO
Member

[Sgd.] (Miss) LEONILA E. CATILO
Member

[Sgd.] (Mr.) JOSE B ZARA
Member

[Sgd.] (Miss) PAZ G. ABAYA
Consultant
Principal, Dagatan Elem. School
NICASIO B. BATAS
District Supervisor

PART I | PART II

Notes and references:
Transcribed from “Report on History and Cultural Life of the Barrio - Mapulo,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post