Malvar, Batangas: Historical Data Part IV - Batangas History, Culture and Folklore Malvar, Batangas: Historical Data Part IV - Batangas History, Culture and Folklore

Malvar, Batangas: Historical Data Part IV

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART IV

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V

[p. 17]

PAMAMANGKA

Hala, gaod tayo, pagod ay titiisin,
Ang lahat ng hirap pag-aralang bathin.
Kung malayo man, kung ating ibigin,
Daig ang malapit na ayaw lakbayin.

NENENG KO

Si Neneng ng ligaya
   sinamba ng dibdib,
Tuwa't paraluman
   Tila taga-langit.
Nang makasal naman
   siya'y nilalait,
Pinatatamaan sa kulog at lintik.

LOOB NA MAGALING

Kung pilak ay siyang hahanapin
Ay kapuwa pilak ang pupuhunanin.
Kung loob ng tao naman ay gayon din
Ang pinupuhunan loob na magaling.

ANG MAYA

Tiririt ng maya, tiririt ng ibon,
Huni ng tiyan ko’y tinumis na baboy.
Tiririt ng ibon, tiririt ng maya,
Huni ng tiyan ko’y tinumis na baka.

Tiririt ng maya, tiririt ng ibon,
Ibig mag-asawa’y walang ipalamon.
Tiririt ng ibon, tiririt ng maya,
Ibig mag-asawa’y wala namang kuwarta.

2. Games3. Amusements
a. supoa. serenading
b. tanggab. playing cards
c. patac. Passion Play
d. tayakadd. lupakan
e. sungkae. kalamayan
f. tubiganf. tupadahan
g. himbabaog. madyong
h. huego de prenda

[p. 18]

PUZZLES AND RIDDLES

1. Taglong magkakaibigan, magkalayong bayan
Kung magkakainan, ay nagkakaharapan.
1. Ikmo, bunga't apog
2. Hugis puso, kulay ginto.
Mabango kung amuyin, masarap kung kanin.
2. Mangga
3. Isang bayabas, pito ang butas. 3. Mukha
4. Di naman isda, di naman itik,
Makahuhuni kung ibig;
Maging sa kati, maging sa tubig
Ang huni'y nakakabuwisit.
4. Palaka
5. Aliwan kung buhay, binuhay nang mmatay,
Itinapon ng may buhay.
5. Sigarilyo
6. Ang dalawa'y tatlo na
Ang maitim ay maputi na,
Ang bakod ay lagas na.
6. Matanda
7. Baston ni Adan, hindi mabilang. 7. Ulan
8. Buto't balat lumilipad. 8. Saranggola
9. Nagsaing si Hudas
Kinuha ang hugas
Itinapon ang bigas.
9. Gata ng niyog
10. Nang wala pang ginto, ay noon nagpalalo
Nang magkaginto na'y saka nagyuko.
10. Palay
11. Baras ng kapitan, hindi malakdawan. 11. Ahas
12. Kung bayaan mo akong mabuhay
Yaong kamataya'y dagli kong kakamtan
Nguni't kung ako'y patayin mong minsan
Ay lalong lalawig ang ingat kong buhay.
12. Kandila
13. Lamang binalot ng buto
Butong binalot ng balahibo.
13. Niyog
14. Kahoy na naging tubig,
Tubig na naging bato
Batong naging buong piso.
14. Tubo
15. Maitim na parang uwak
Maputing parang busilak
Walang paa'y nakakalakad
At sa hari nakipag-usap.
15. Sulat

[p. 19]

16. Hindi naman hari
Hindi naman pari
Nagsusuot ng sarisari.
16. Sampayan
17. Bahay ni Ka Uti
Haligi bali-bali
Ang bubong ay kawali.
17. Alimango
18. Bahay ni Kaka
Hindi matingala.
18. Noo
19. Bahay ni Giring-giring
Butas-butas ang dingding.
19. Bithay
20. Baboy ko sa pulo
Balahibo'y pako.
20. Langka
21. Niyog ko sa Maynila
Abot dito sa palapa.
21. Karsada
22. Baka ko sa Maynila
Abot dito ang unga.
22. Ugong
23. Dalawang urang
Nag-uunahan.
23. Paa
24. Balan kong malalim
Libot ng patalim.
24. Bibig
25. Pinirot ko't pinatigas
Saka isinuot sa butas.
25. Karayom at panahi
26. Isang butil na palay
Sikip sa buong bahay.
26. Ilaw
27. Ito na si Kaka
May sunong na dampa.
27. Pagong
28. May binti, walang hita,
May tuktok, walang mukha.
28. Kabuti
29. Malalim kung bawasan
Mababaw kung dagdagan.
29. Tubig sa tapayan
30. Nang ihulog ko'y buto
Nang hanguin ko'y trumpo.
30. Singkamas
31. Nang ihulog ko'y ganggabinlid
Nang hanguin ko'y nangga-ihip.
31. Labanos

[p. 20]

32. Aling itlog ang may buntog. 32. Lisa
33. Ako'y may kaibigan
Kasama ko saan man
Mapatubig di nalulunod
Mapaapoy di nasusunog.
33. Anino
34. Pumutok ay di naririnig
Tumama ay di nakakasakit.
34. Sinag ng araw
35. Haba mong kinakain
Lalo kang gugutumin.
35. Purga
36. Kung araw di nakikita
Nakikita kung gabi na.
36. Buwan
37. Nagsaing si Pusong
Sa ibabaw ang gatong.
37. Bibingka
38. Nang malihi'y namatay
Nang manganak ay nabuhay.
38. Sinigwelas
39. Dalawang balong malalim
Hindi maabot ang tingin.
39. Tayuga
40. Uka na ang tiyan
Malakas pang sumigaw.
40. Kampana
41. Bumubuka'y walang bibig
Ngumingiti ng tahimik.
41. Bulaklak
42. Nagbigay na'y
Sinasakal pa
42. Bote
43. Kung kailan tahimik
Ay saka nanbubuwisit.
43. Lamok
44. Eto na si bayaw
Dala-dala'y ilaw.
44. Alitaptap
45. Nagtago si Pero
Nakalitaw ang ulo.
45. Pako
46. Pagsipot sa maliwanag
Kulubot na ang balat.
46. Ampalaya
47. Hindi tao, hindi ibon
Bumabalik kung itapon.
47. Yuyo [yoyo]
48. Magtag-ulan, magtag-araw
Hanggang tuhod ang salwal.
48. Manok

[p. 21]

49. Nagsaing na si Katungtong
Bumulak ay walang gatong.
49. Sabon
50. Walang buto, walang tinik
Parang lintik kung magalit.
50. Guyam
51. Nanganak ang hunghang
Sa tuktok dumaan.
51. Saging
52. Buhok ng pari, hindi mawahil. 52. Tubig
53. Paruparu kung bata
Ahas kung tumanda.
53. Kibal
54. Nagdaan ang nigro
Patay na lahat ng tao.
54. Gbi
55. Bumili ako ng alipin
Mataas pa sa akin.
55. Sambalilo
56. Puno'y layo-layo
Dulo'y tagpo-tagpo.
56. Bahay
57. Isang panyong parisukat
Pagbuka'y nagkaka-usap.
57. Sulat
58. Lahat ako'y minamahal
Mang-aawit ang aking tatang
Suot ko naman ay putian
Ang puso ko ay madilaw.
58. Itlog
59. Tubig sa Ining-ining
Di mahipan ng hanging.
59. Tubig ng niyog
60. Muntik [munting] bundok
Hindi madampot.
60. Tae
61. Duwag ako sa isa
Matapang ako sa dalawa.
61. Tulay na kawayan
62. Alin sa mga ibong ang
Di makadapo sa kahoy?
62. Pugo
63. Limang prinsipe sa Balete
Sambalilo tigkakalhati
63. Daliri
64. Gintong binalot ng pilak
Pilak na binalot ng balat.

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of the People of Malvar, Batangas,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post