|
Historical data from the National Library of the Philippines. |
PART II
PART I | PART II | PART III | PART IV
[p. 6]
3. Abaruray, abarinding, isauli mo ang tubiak
At kung di mo isasauli, magagalit ang may-ari.
4. Abaruray, abarinding, isauli mo ang tigad
At kung di mo isasauli, magagalit ang may-ari.
5. Abaruray, abarinding, isauli mo ang tukil [unsure, blurred]
Ang kung di mo isasauli, magagalit ang may-ari.
CHIT-CHIRIT-CHIT
(b) Santo Niño sa Pandakan
(c) Mama, Mama, Namamangka
(d) Ale-Ale, Namamayong
[p. 7]
LERON-LERON SINTA
2. Gumising ka Neneng
Tayo'y manampalok
Dalhin mo ang buslo't
Sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo'y
Lalamba-lambayog
Kumapit ka Neneng
Baka ka mahulog.
|
3. Ako'y ibigin mo't
Lalaking matapang
Ang baril ko'y pito
Ang sundang ko'y siyam
Ang lalakarin ko'y
Parte ng dinulang
Isang pinggang pansit
Ang aking kalaban.
|
[p. 8]
R I D D L E S
1. May ulo walang tiyan
May liig walang baywang. – Presko
(With head, without stomach
With neck, without waist.)
2. Sa init ay sumasaya
Sa lamig ay nalalanta. - Akasya
3. Iisa na kinuha pa
Ang natira ay dalawa. – Tulya
4. Buto’t balat, nguni’t lumilipat. – Saranggola
5. Takbo roon, takbo rito
Hindi makaalis sa tayong ito. – Duyan
6. Nang umalis ay lumipad
Nang dumating ay umuusad. – Ulan
7. Hayan na, hayan na
Hindi mo nakikita. – Hangin
8. May liig, bibig at katawan
Walang paa at kamay. – Botelya
9. Hinila ko ang yantok
Nagdilim ang bundok. – Pag ibinaba ang ilawan upang patayin
10. Bahay anluwagi
Iisa ang haligi. – Bahay ng kalapati
11. Malalim kung bawasan
Mababaw kung dagdagan. – Tapayan
12. Naligo ang kapitan
Hindi nabasa ang tiyan. – Bangka
13. Bahay ko sa Pandakan
Malapad ang tiyan. – Pantalan
14. Baka ko sa Maynila
Abot dito ang unga.
15. Tinaga ko sa gubat
Sa bahay umiiyak. – Banduria
16. May puno walang sanga
May dahon, walang bunga. – Sandok
17. Nakaluluto’y walang init
Umaaso kahit malamig. – yelo
18. Walang ngipin, walang panga
Mainit ang hininga. – Baril na pinaputok
19. Kahoy ko sa Lucena
Bulaklak ay baga
Bunga’y espada. – Puno ng Kabalyero
20. Aso kong puti, inutusan ko ay hindi na umuwi. – Lura
21. May kabayo akong payat, pinalo ko ng patpat
Lumukso ng pitong gubat. – Alon
22. Kung hahayaan mong ako ay mabuhay
Yaong kamataya’y dagli kong kakamtan;
Nguni’t kung ako’y patayin minsan
Ay lalong lalawig ang ingat kong buhay. – Kandila
[p. 9]
23. Hindi hayop, hindi tao
Ang balat ay kuwero. [unsure, blurred] – Kastanyas
24. May tatlong nagsimba:
Verde ang suot ng una
Puti ang pangalawa
At ang pangatlo ay pula;
Nguni’t nang magsilabas sila
Ay pare-pareho nang nakapula. – Ikmo, apog at bunga
25. Ang baboy ko sa kaingin, tumataba’y walang kain. – Punso
26. Munting tampipi
Puno ng salapi. – Sili
27. Marami at makapal
Iisa ang lumalang. – Mga tao at Diyos
28. Baboy ko sa Sorsogon
Kung di sakya’y di lalamun. – Kudkuran
29. Tangnan mo ang buntot ko
At sisisid ako. – Tabong may tangkay
30. Ang paa’y apat
Hindi makalakad. – Papag o mesa
31. Itinapon ang laman
Balat ang pinagyaman. – Yantok
32. Aling mabuting retrato ang
Kuhang-kuha ang mukha mo? – Salamin
33. Isang batalyong sundalo
Iisa ang kabo. – Bituin at buwan
34. Bunga na namumunga pa. – Bunga
35. Matanda na ang nuno
Hindi pa naliligo. – Pusa
36. Hindi hayop, hindi tao
Tatlo ang ulo. – Tungko
37. Ate ko, Ate mo
Ate ng lahat ng tao. – Bunga ng atis
38. Lumalakad ang bangka
Ang piloto’y nakahiga. – Kabaong na may patay
39. Tubig na pinagpala
Walang makakuha kundi bata. – Gatas ng ina
40. May alaga akong isang hayop
Malaki pa ang mata kay sa tuhod. – Tutubi
[p. 10]
41. Apat na magkakasama
Pumasok sa kuweba
Lumabas ay mapula. – Tabako, ikmo, apog, bunga
(Four persons together
Entered the cave
Came out red.) – Tobacco, ikmo, apog, bunga
42. Alin sa mga ibon ang di makadapo sa kahoy? – Pugo
(Which bird cannot perch on a tree?) – Quail
43. Maputing parang busilak
Kalihain [unsure, blurred] ko sa pagliyag. – Papel
(White as the snow
Knows my secrets.) – Paper
44. Ito na si amain
Nagbibili ng hangin. – Musiko
(Here is my uncle, selling wind.) – Musician
45. Gintong binalot sa pilak
Pilak na binalot sa balat. – Itlog
(Gold wrapped in silver
Silver wrapped in leather.) – Egg
46. May katawan, walang mukha
Walang mata’y lumuluha. – Kandila
(Has a body but with no face
Has no eyes but sheds tears.) – Candle
47. Isang pinggan
Laganap sa buong bayan. – Buwan
(One plate is seen throughout the country.) – Moon
48. Mataas kung nakaupo
Mababa kung nakatayo. – Aso
(Tall when sitting down
Short when standing.) – Dog
49. Isang buntong hininga
Nagtatalikuran. – Bakod na sala-sala.
(One pile and group of friends
Turning back at each other.) – Lattice fence
PART I | PART II | PART III | PART IV
Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Data of the Barrio of Guinhawa and Its Neighboring Barrios,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.