Calumpang, San Luis, Batangas: Historical Data Part II - Batangas History, Culture and Folklore Calumpang, San Luis, Batangas: Historical Data Part II - Batangas History, Culture and Folklore

Calumpang, San Luis, Batangas: Historical Data Part II

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART II

PART I | PART II

[p. 8]

were used, but now, amplifiers are in vogue.

Punishment – Severe punishments were imposed on infractions of the law and good customs, during the Spanish times, by the barrio lieutenants. They were whipped or both feet were inserted in a piece of wood fixed hear a wall so that the body would not touch the floor or the ground. Now, criminals are accused before the courts by the Chief of Police, Fiscals or aggrieved party.

Songs and games – Songs were sung also during the early days. The popular songs in the barrio were kutang-kutang, Awit ng Magsusulid, Abaruray and Ang Tamo Neneng. Later, kundimans were learned, as Giliw Ko, Nasaan ka Irog, Ang Maya and many others. Some games played in the barrio during the past 18th and 19th centuries were supo, pata, tubig-tubig, lawin-lawinan, tukod languit, pusa-pusaan, kasal-kasalan, perong lapit and pataray.

Methods of Measuring Time – When a clock or watch is not available, the people usually tell the time by the position of the sun. They also determine the time by [the] crowing of the cocks. The cock crows [at] twelve o’clock midnight (12:00), three o’clock (3:00) and four o’clock (4:00) in the morning. When the patola flowers open, it is four o’clock in the afternoon.

RIDDLES

1. ay isang uhay na palay, sikip sa boong bahay. – ilao
2. Apat na magkaka-amigo, iisa ang sambalilo. – bahay
3. Nagsaing si katong-tong, nabulak walang gatong. – gugo
4. Nagsaing si kapirit, kinain pati anlit. – bayabas
5. May anak si Adan, sa toktok nagdaan. – saging
6. Nanganank si Adan, sa tagiliran nagdaan. – mais
7. Pag gabi ay dagat, pag araw ay bumbong. – banig
8. Ang dalawa’y tatlo na, ang maitim ay maputi na, ang bakod ay lagas na. – matanda.

[p. 9]

9. Nagtanim ako ng isip sa gitna ng dagat, dahon ay makitid, ang bunga ay matulis. – palay
10. Nagsaing si Hudas, kihuha ang hugas, itinapon ang bigas. – gata ng niyog
11. Di man isda, di man itik, nakahuhuni kung ibig, maging sa kati, maging sa tubig, ang huni’y nakabubuwisit. – palaka
12. Hugis puso, kulay ginto, mabango kung amuyin, masarap kung kanin. – mangga
13. May puno, walang sanga, may dahon walang bunga. – sandok
14. Aling itlog ang may buntot? – lisa
15. Di madangkal, di madipa, pinagtutulungan ng lima. – karayom
16. Bunga na’y namgunga pa. – puno ng bunga
17. Lumalakad walang paa, lumuluha’y walang mata. – pluma
18. Hindi matatalupan, nanganganinag na ang laman. – kamatsili
19. Dahong pinagbungahan, bungang pinagdahunan. – pinya
20. Nakaluhod ka na kung gawain, nakasamba kung lutuin, nakatingala kung inumin. – tsokolate
21. Kitang-kita ang nakamatay nguni’t hindi matalian. – hangin
22. Hindi hayop, hindi tao, ate ng lahat ng tao. – atis
23. Buto at balat na lumilipad. – saranggola
24. Naunang umakyat nahuling sa lahat. – bumbong
25. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. – aso

PROVERBS

1. Ang kasipagan ay kapatid ng kayamanan.
2. Pagkaraan ng ulap, lilitaw ang liwanag.
3. Ang matibay na kalooban, lahat ay nagagampanan.
4. Kapag ang tao ay matipid, marami ang naililigpit.
5. Kung ano ang masama sa iyo, huwag gagawin sa kapuwa mo.
6. Ang maagap, daig ang masipag.
7. Ang walang pagod magtipon, walang hinayang magtapon.
8. Huli man daw at magaling, naihahabol din.
9. Kung tunay ang tubo, matamis hanggang dulo.
10. Sa maliit na dampa nagmumula ang dakila.
11. Ang tulog na hipon ay tinatangay ng agos.
12. Walang binhing masama sa mabuting lupa.
13. Nakikita ang butas ng karayom, hindi ang butas ng palakul.
14. May taynga ang lupa, may pakpak ang balita.
15. Di man magmana ang hari, magmana ng ugali.
16. Ang maniwala sa sabi, walang bait sa sarili.
17. Wika at batong ihagis, di na muling magbabalik.
18. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
19. Pag ang punla ay hangin, bagyo ang aanihin.
20. Walang mataas na bakud sa taong natatakot.
21. Ang maikli ay dugtungan, ang mahaba ay bawasan.
22. Pag ikaw ay nagparaan, pararaanin ka naman.
23. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.
24. Kapag tinawag na utang, sapilitang babayaran.
25. Ang naglalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.

[p. 10]

WHY IS THE MANGO SHAPED LIKE A HEART?

A long, long time ago, the mango tree had fruits which were round like the santol fruit. The fruits were all very sour and were not fit to be eaten. The poor mango tree envied the other fruit trees because the children loved these fruit trees more than they loved the poor mango tree.

One day, the great Bathala descended to the earth in the form of a butterfly to test the kindness of his creations. While he was flitting from tree to tree, a great storm arose. He went to the duhat tree. He asked the big tree to give him shelter as there was [a] storm, but the duhat tree turned him away. He went to the other trees but he met with the same refusal. Drenched and tired, he went to the mango tree. This kind tree willingly sheltered him under its large trunks.

Suddenly, the sky cleared. The mango tree became illumed with a holy light. The poor butterfly became the Bathala himself. He spoke thus, “Because you have been kind and helpful to the helpless, o mango tree, from now on your fruits will be sweet.” To show you my gratitude, you will have heart-shaped fruits to show my creations that in your heart there dwells nothing but love and kindness. After saving these words, Bathala vanished.

Since that time, the mango fruit has been sweet and has assumed the shape of a heart.

BAKIT ANG MANGGA AY HUGIS PUSO
(Translated in Tagalog)

Noong kauna-unahang panahon, ang bunga ng mangga ay katulad ng bunga ng santol. Ang kaawa-awang mangga ay naiinggit sa mga ibang

[p. 11]

bunga nang kahoy dahil sa ito ay hindi napamahal sa mga bata, katulad ng pagmamahal sa ibang kahoy o bunga.

Isang araw, si Bathala ay nanaog sa lupa. Ito ay tumulad sa paruparo at tinikman niya ang kabaitan at ang kanyang magagawa. Nang siya ay padapo-dapo sa mga kahoy ay dumating ang bagyo. Nakisilong siya sa duhat Nguni’t siya ay tinanggihan. Nagpunta siya sa ibang punong kahoy nguni’t gayon din ang nangyari. Hindi siya tinanggap. Ang paruparo ay pagod at tigmak sa basa ay nagpunta sa puno ng mangga. Dito siya pinasilong at kinanlungan pa siya ng malalaki niyang sanga.

Bigla na lamang nagliwanag ang langit. Nagkaroon ng liwanag ang puno ng mangga. Ang kaawa-awang paruparo ay muling nag si Bathala. Nagsalita siya at ang sabi ay ito, “Dahil sa ikaw ay mabait at matulungin sa mga nangangailangan, ay simula ngayon ay magiging matamis ang iyong bunga." Upang maipakilala ko sayo ang aking pasasalamat, magkakaroon ka ng hugis puso, at upang maipakilala ko rin naman ang aking naisagawa, na walang nalalabi sa iyong puso kundi ang pagmamahal at kabaitan.” Pagkatapos makapagsalita ay tuluyang nawala si Bathala.

Simula noon ay naging matamis kung kanin ang mangga at nagkaroon ng hugis puso.

ANG BATANG TAMAD

Si Juan ay sinoysoy ang ama ng pagsimba; nguni’t hindi alam ni Juan ang simbahan. Ang wika ng ama ay kung saan matao ay doon sumunod at sumama at iyon ang simbahan. Kaya’t si Juan ay may nakita ng maraming tao at doon nga sumama. Nang dumating siya, tinanong ng ama at ang

[p. 12]

sabi ay matigas ang tatawanan at sigawan at hindi naman nagdadasal sapagka’t iyong pala ay sabungan. Pinaalis na naman at doon pinasama sa maraming babae. May nakita siyang dalawang babaing nagdadasal sa loob ng simbahan at siya’y nagpagitna. Ang mga dalaga ay may hawak ng kuwintas at may nakasabit sa leeg na karmen. Sila’y mahinang nagdasal kaya’t hindi marinig ni Juan, nguni’t siya’y sumagot at winika, “Kuwintas, kuwintas, kabi-kabila’y butas; karmen-karmen, kabi-kabila’y hapin.” Ang dalawa’y napatingin at sinabing ang mama ay nakakatukso sapagka’t binabadya sila. Umalis sila at lumipat ng ibang tayo at doon pumunta sa harap ng altar. Sumunod si Juan at habang dumarating ay nagkukurus ang dalawa kaya’t sinabi at gumaya si Juan at hinarap pa sila. Kaya’t sinabi niya na saan man pumunta sila’y susunod. Nagyayakag na ng pag-alis at umalis din si Juan. Humiwalay siya at umuwi sa kanila. Tinanong ng ama kung nagdasal at ang sabi ay “oo.” Sinabi rin niya yaong mga sinagot niya kaya’t napatawa na lamang ang ama.

Kinamamayaan ay sinugo siya upang humiram ng kawali. Siya’y nakahiram nguni’t hinila-hila niya ito sa lupa kaya’t nabasag. Sinabi ng ama na kung may uling at malukom ay susunungin at kung malanday ay bibitbitin.

Sinugo uli upang yumakag ng mga tao at makagamas. Pumunta siya sa kanilang linang at nagtarak ng mga kahoy at sinawingan. Tinanong ng ama kung may kausap at sinabi niya na mayroon at pinatingnan pa. Umuwi at pinapaghanda ang ama ng pagkain, pagkatapos ay ipinadala ito kay Juan sa maggagamas. Noong siya ay pupunta na sa linang ay huminto siya sa isang mayabong na punongkahoy at siya ang kumain ng lahat niyang

[p. 13]

dala. Nalaman ito ng kanyang ama at gayon na lamang ang galit kay Juan. Si Juan ay pinalo ng ama. Simula noon ay nagkaroon ng bait si Juan.

PART THREE

No books and documents treating of the Philippines are available in this country.

There is no author born or residing in this community.

Informers:

[Sgd.] Benigna Hernandez
[Sgd.] Marcelino de Gracia
Respectfully submitted:
[Sgd.] (Miss) Enfemia Castillo
[Sgd.] (Miss) Nenita M. de Gracia

PART I | PART II

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of the Barrio of Calumpang,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post