Sulpoc, Tanauan, Batangas: Historical Data
HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE BARRIO OF SULPOC
Part One: History
1. Present official name of the barrio – Sulpoc.
2. Popular name of the barrio.
(b) Past name – “Sulok” or “Pinagbahayan.”
3. Date of establishment – 1813.
4. Original families – the Regalados and the Natividads.
5. List of tenientes from the earliest time to date:
1. Nicolas Bambo 2. Natalio Aquino 3. Placido Regalado 4. Marcos Ona 5. Francisco Maranan 6. Zacarias Nieva 7. Honorio Luna 8. Juan Natividad 9. Santiago Nieva 10. Tereso Laurel 11. Simon Redondo 12. Tereso Laurel 13. Tereso Padilla |
1888-1891 1892-1897 1897-1899 1900-1905 1906-1910 1911-1913 1914-1915 1916-1922 1923-1924 1925-1927 1928-1941 1942-1951 1952- to date |
6. Story of old barrios within the jurisdiction that are now depopulated or extinct – none.
7. Data on historical sites – none.
8. Important facts, incidents, or events that took place:
2. The barrio was zonified.
3. The eruption of the Taal Volcano in1911, destroying the crops of the barrio people.
In 1941-1945 – Houses were burned and 8 men were killed.
Sa bukid, ang umiiral na binyagan ay ang tinatawag na buhusan ng tubig. Ito ay inisasagawa kung ang bata ay may sakit. Kapag daw hindi nabinyagan, ito raw ay magiging isang “tiyanak.”
It is the belief of the people of Sulpoc to give [a] preliminary baptism or what we call in our dialect “buhusan ng tubig.” When a newly-born baby is ill and a priest is not available, this type of baptism is done because of the belief that if a child dies without it, the child may become a “tiyanak.”
Hanggang ngayon, mayroon pang kasalang “matandaan.” Ang naghahanda o nagpupulong ay ang magulang ng ikakasal.
Bago matuloy ang kasalan, at kinakailangang magbigay ng bilang ang lalaki. Ang “bilang” ay maaaring lupa, alahas, o kuarta. Kinakailangan ding magsilbi sa pinagpulungang haba ng panahon ng pagsisilbi.
2. The lover’s servitude in the girl’s house for a period of time. The wedding among the barrio folks is an elaborate and pompous ceremony.
1. Kapag ang isang tao ay nanaginip na ang kanyang ngipin ay nasakit o di kaya’y nabunot, ang ibig sabihin ay mamamatay ang isa niyang pinakamalapit na kamag-anak. (If one dreams that one of his teeth aches or falls off, one of his nearest relatives will die.)
2. Kung nagtatanim ng saging ay huwag titingalain, sapagka’t ang puno ng saging ay maaaring lulusog at sa gayon ay magtatagal bago bumunga. (It is the belief that when one is planting some banana plants, it is bad to look up for the plant will grow very tall, hence it will take a long time before it bears fruit.)
[p. 3]
3. Ang bata ay pinagbabawalang kumain ng itlog na “bugok” (infertile eggs) sapagka’t maluluko o mababaliw ang makakain nito. (Children are forbidden to eat the infertile eggs of chickens for they become feebleminded.)
4. Kapag ang isang babaing nagdadalang-tao ay ginupit ang kanyang buhok, kalbo ang magiging anak nito. (When a pregnant woman cuts her hair, she will give birth to a hairless baby.)
5. Matapos maihasik ang palay sa parang, masama ang magwalis ng looban o harapan sapagka’t ang palay ay madadala ng tubig o baha. (After sowing the palay, it is bad for the farmer to sweep his yard, for his palay will be carried away by the flood.)
12. Popular songs, games and amusements
2. Leron, Leron Sinta
3. Meme na Bunso Ko
4. Magtanim Hindi Biro
5. Sit-sirit-sit Alibangbang
Note: These popular songs are already reported in other barrios.
(b) Games and Amusements:
1. Patentero 3. Hide & Seek 5. Sintak |
2. Piko 3. Siklot 6. Hawk & chick |
2. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin… Sombrero
3. Hinila ko ang bagin, nagkakara ang matsin… Kampana
4. Dahon ng pinda-pinda, magsing-lapad sila… Taynga
5. Haba mong kinakain, lalo kang gugutumin… Purga
6. Malayo pa ang sibat, nganga na ang sugat… Bibig
7. Matanda ang nuno, hindi pa naliligo… Pusa
8. Nanganak ang asuang, sa tuktok nagdaan… Saging
9. Kung gabi ay lambong, kung araw ay bungbong… Banig
10. Balong malalim, puno ng patalim… Ilong
2. He who believes in tales has no mind of his own. (Ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili.)
3. Pag ang bayani ay nasugatan, nag-iibayo ang tapang.
4. Pag ang hangin ay itinanim, hangin ang aanihin.
5. Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit.
6. Ang bibig na di matakpan ay napapasukan ng langaw.
7. Walang matimtimang birhen sa matyagang manalangin.
8. Bahaw man at magaling, daig ang bagong saing.
9. Pag ang tubig ay magaslaw, asahan mo’t mababaw.
10. Pagkataas-taas ng lipad ng pugapog, sa lupa rin mamumulpog.
[p. 4]
15. Methods of Measuring Time: SPECIAL CALENDAR
2. By means of the cigarette.
3. By the crowing of the roosters.
4. By the moon and the stars.
2. Clocks & watches.
Nuong unang panahon ang bayan ng Tanauan ay napalilibutan ng masusukal na gubat. Noon ay madalang pa ang tao. Sa isang parte ng Tanauan, sa gawing timog-kanluran na malapit sa Talisay, mayroong isang bukal na binubukalan ng malamig na tubig. Malapit sa bukal na ito ay may isang kubo. Tumitira sa kubong ito ay tatlong mag-iina. Si Sula, na may walong taong gulang; si Jose, na may tatlong taong gulang; at ang kanilang ina na balo na.
Isang araw, ang magkakapatid ay naglalaro sa tabi ng batis. Walang ano-ano, si Sula ay nahulog sa batis at nalunod. Ano namang himala ng Dios at ang batis ay umagos ng mabilis at si Sula ay nadala ng agos.
Palibhasa ay hindi pa gasinong marunong magsalita si Jose, ang kaniya lamang naisigaw ay “Sul-poc-to, Sul-poc-to” na ang ibig sabihin ng bata ay “Si Sula ay pasalpoc-salpoc sa bato.”
Sumigaw ng sumigaw si Jose ng “Sul-poc-to.”
Nagkataon namang mayroong dalawang lalaking nadadako sa lugar na iyon. Itong dalawang lalaking ito ay naligaw at hindi malaman nila ang ngalan ng lugar na kinalalagyan nila. Nakita nila si Jose na umiiyak. Tinanong nila si Jose ng ganito, “Bakit ka umiiyak? Ano bang lugar ito?”
Sumagot si Jose at walang inuli-ulit na sabihin kundi “Sul-poc-to.” Buhat noon, ang naging pangalan ng nayong ito ay “Sulpoc.” Nang makauwi ang dalawang lalaki at itanong sa kanila ng kanilang kasamahan kung [saan] na patungo, ang sagot nila ay sa “Sulpoc.”
[A] Long, long time ago, the town of Tanauan was surrounded by thick forests, because during that time, there were still few people. In one part of Tanauan, northwest of the poblacion, near the town of Talisay, there was a spring, where cool water bubbled out. Near the spring stood a nipa hut, was a widow with two children. The name of the girl was Sula, who was eight years old; the son was Jose who was three years old.
One day, Sula and Jose were playing near the spring. All of a sudden, Sula fell into the spring (of water) and was drowned. Like magic, the water began to flow and Sula was carried by the current.
Jose, who was only three years old, shouted, “Sul-poc-to,” meaning (si sula ay pasalpoc-salpoc sa bato)
[p. 5]
Jose shouted and shouted the same phrase, “Sul-poc-to.”
At that very moment, two men happened to see Jose. These two men were lost and they did not know where they were now. They thought it wise to ask Jose, who was weeping.
They asked the boy like this, “Why are you weeping? What is this place, my dear lad?”
Jose answered repeatedly the same phrase “Sul-poc-to, Sul-poc-to.”
From that time on, the name of the place was known as Sulpoc. When the two men reached home and were asked where they came from, their answer was “Sulpoc.”
Noong unang panahon ay may isang batang babae na ang ngalan ay Lucila. Siya ay batang magaso. Lagi na lamang siyang sumasagot sa kanyang magulang at hindi niya sinusunod ang mga ipinag-uutos nito.
Dumaan ang mga taon at siya ay naging isang ganap na dalaga, nguni’t ang kanyang mga gawi at ugali ay lalo pang sumama. Lagi siyang umaalis ng tahanan ng walang kasama, nguni’t ang mga lalaking nakakakita sa kanya ay ginagawa siyang isang pala-tawanan lamang. Tuwing uuwi siya ng bahay ay pinangangaralan siya ng kanyang ina, nguni’t hindi niya iniintindi ang mga pangaral ng kanyang ina. Ang mga kilos niyang ito ay dinaramdam ng labis ng kanyang ina, hanggang sa ito ay magkasakit.
Isang araw, nang si Lucila ay dumating ng bahay ay gayon na lamang ang galit niya sa kanyang ina nang makitang hindi pa nakapagluluto ng pagkain. Patakbo siyang pumunta sa kusina at kinuha ang palayok at dali-dali itong inihagis sa mukha ng kanyang ina. Sa kabutihang palad naman ay naka-ilag ang kanyang ina at hindi natamaan. Sa mga pagkakataong iyon ay hindi na nakapigil ang kanyang ina, at nasabi tuloy ang mga katagang ito, “Dios ko, itulad na po Ninyo ang anak kong ito sa taksil na isang buaya.” Nang dumungaw ang ina, gayon na lamang ang kanyang pagkapangilalas, nguni’t huli na ang lahat. Ang kanyang anak ay isa ng buayang gumagapang sa lupa.
Long ago, there lived a girl named Lucila. She was a naughty girl. She always answered back her parents. Every time her parents asked her something to do, she would not do it at all, instead she would shout only at her parents.
Years elapsed and Lucila became a grown-up woman, but her attitude toward her mother remained not only unchanged, but also worsened. She used to leave their house alone and many men took advantage of this to seduce her. Every time she came home, her mother always gave her good advice, but she did not heed them. Her mother was ashamed of her character.
One day, when Lucila arrived home, she found out that her mother had not yet prepared their supper. This angered naughty Lucila. She hurriedly ran to the kitchen
[p. 6]
and got the pot and threw it right at her mother’s face. Fortunately, her mother was able to step aside and the pot missed her.
Her mother could not hold [back] her temper, so she uttered these words, “Oh God change my daughter into a crocodile.” When she peeped out of the window, she was surprised to see not her daughter, but a crocodile, crawling on the ground. God her granted her wish.
2. Mr. Leon Evangelista