Calatagan, Batangas: Historical Data Part VII - Batangas History, Culture and Folklore Calatagan, Batangas: Historical Data Part VII - Batangas History, Culture and Folklore

Calatagan, Batangas: Historical Data Part VII

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART VII

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V | PART VI | PART VII | PART VIII | PART IX | PART X

Full transcription of the so-called “Historical Data” for the Municipality of Calatagan, Batangas and its barrios, the original scanned documents at the National Library of the Philippines Digital Collections not having OCR or optical character recognition properties. This transcription has been edited for grammar, spelling and punctuation where possible. The original pagination is provided for citation purposes.

Part VII of the Historical Data for the Municipality of Calatagan, pp. 21-30 of the Barrios section.

[p. 21]

they become sick and die also. To offset this horrible possibility, to offset this horrible possibility, a custom prevails here. Before a coffin is covered, the surviving children are passed over the open coffin. One person stands one side of the coffin, while the other awaits on the other side before a coffin is covered, the surviving children are passed over the open coffin. One person stands one side of the coffin, while the other awaits on the other side. The babies the babies and small children are then transferred one by one, from one person to another.

At night, the child either dresses in red or is wrapped in a red blanket, for the same reason. At night, the child either dresses in red or is wrapped in a red blanket, for the same reason.

Kamatayan at Paglilibing

Wala pang lumilitaw sa pananatili ng tao sa mundo na nababalot ng pamahiin kundi kamatayan. Kahit na ang pag-unlad ng kabihasnan ay hindi pa nakatatarok sa kahiwagaan, ang pagkatakot na bumabalot sa pagpanaw ng buhay ng tao. Sapagka’t sa kamatayan, siya ay nakikibaka sa hindi niya nakikita at mahiwagang lakas, hindi alam ng tao kung ano ang mabuting gawain laban dito. Samakatuwid, siya’y nakakita ng kublihan o pananggang laban sa kahiwagaan at sa nakakatakot doon sa umunlad na bahagi ng ugali at pamahiin, na kayang pinananaligang magsasang-alang laban sa naalab na galit ng kanyang mga diyos.

Ang pamahiin tungkol sa kamatayan ay pinakamahirap mawaglit sa ibabaw ng mundo. Maraming tao ang nagnanais na huwag isangkot ang kaugalian na may kaugnayan sa kapanganakan o pagbibinyag, pagtatanim, pagsang ayon sa makabagong pamamaraan at walang pagsisikap. Nguni’t kapag ang kamatayan ay dumating, ang tao’y lalong nagiging makaluma, nanunulok sa kanyang yungib, nasasabik na maparoon sa tahimik na lugar, nagpapatulong sa paggawa ng mga bagay na kinagawian ng kanyang mga ninuno bago ang kapanahunan niya.

Marami sa atin, ang pagpanaw ng isa sa ating mahal sa buhay ay isang napakahigpit na pangyayari na nagbibigay ng di-makayanang kalungkutan at nakaliligalig na pagkawalay.

At tayo’y naiiyak, dinadagukan ang ating dibdib at nakaliligtaan pang matulog at kumain.

Sa mga kalapit nayon, kasama ang ilang lugar ng Calatagan, maraming kaugalian pa ang sinusunod ng mga tao. Kapag ang isang tao ay namatay, karaniwang pinapalitan ang kanyang damit ng isang bago sa paniniwalang ang isang patay ay hindi tatanggapin sa gloria kung siya ay marumi.

Pagsagip sa Bata

Isa sa nakapanghihilakbot na patakaran na may kaugnayan sa kamatayan sa bayan at sa [mga] kalapit [na] nayon ay kung ang namatay ay isang ina at nakaiwan ng maraming anak na maliit, siya ay lumalapit sa mga ito upang madala sa kabilang buhay o kaya'y hanggang sa ang mga ito ay magkamatay din.

Para maiwasan ang bagay na ito, may isang kaugalian pangsanggalang dito. Bago ang kabaong ay takluban, ang natitirang mga anak na maliit ay pinalalakdaw sa bangkay ng bukas na kabaong. Dalawang tao ang nasa magkabilang tabi ng kabaong at doon ipagbalik-balik ang sanggol na maliit at batang nanga-iwan.

Kung gabi, Ang bata ay pinag susuot ng pula o pulang kumot sa gayon ding dahilan.

Visits

A visit means an act of going to view, inspect, or attend. A short stay of business and friendship means a visit. One who comes to or upon with a purpose to reward, punish or the like is also making a visit. Visits could be done in various ways.

In this town, the most common ways of visits are: to a sick person, in which the visitors bring anything that may be of interest. Most common is the bringing of foods suited to the sick one.

Another form of visit is that made by relatives living from faraway places. These visitors have with them those things that may please their hosts. In return, the host gives more to the visitors.

It [is] also a custom in this place for children to visit the

[p. 22]

homes of their godmother or godfather during Christmas Day. These children are given gifts and are also served with good food.

A visit of a young man to a young woman is the most common practice especially by our young generations of today. This form of visit is usually done at night after supper. This kind of visit does not last long for it is the custom among people to have this kind of this it for about two hours only.

Another kind of visit is that one made by people to certain places with the aim of seeing, for example, an excursion. Visits of this kind are also educational, for by this time, our school children, with the teachers, are always having field trips.

A visit to the grave or cemetery is usually during “All Saints’ Day.” It is a custom in this place to offer prayers and flowers or wreaths. A member of the family who lives in a far place usually visits the grave of his dear one upon arrival.

Festival

Festival means a time of feasting or celebration. A periodical season of entertainment' means festival also.

[The] Most common festivities in this place are the barrio fiestas and the town fiestas. These kinds of festivals come once a year. In the case of a barrio, a certain day of the month is set. A temporary chapel is erected by the barrio folks for mass celebration. Every home in the barrio prepares abundant food to serve those attending the fiesta. This kind of festival lasts for two days only. Most of the barrio fiestas have beauty contests so as to use the money realized by the candidates for paying the band, prizes for the games, and the like. The town fiesta is celebrated in a similar manner.

A “padasal,” like the fourth or ninth day after death, is celebrated with extravagant preparation. All the relatives, kin, and friends of the dead attend this kind of festival. The last day for mourning called “babang-luksa” is even more extravagant.

Birthdays and baptisms are also festivities which are given more attention in this place. This usually results to accumulating accounts on the part of the host due to the big preparation.

A couple who lives up to the 25th and 50th year of their marriage celebrate their anniversaries with extravagant preparation. This kind of festivity is usually celebrated by those who can afford and they sometimes spend all that they have saved from the time of marriage.

Farmers in this town usually celebrate festivals when they have a good harvest. This resembles the first Thanksgiving held in America by the pilgrims. A prayer is said later after the people are served with various kinds of food.

The Lenten Festival is celebrated in this place with light refreshments during the first days. But during Holy Thursday and Good Friday, almost every house prepares something or are having a “pabasa” or “kalbario.”

A family who is going to move to a newly erected house usually has [a] preparation and foods of different kinds are served after the prayer of the leaders or sometimes a mass said by the priest.

Christmas festivals are usually celebrated in this place with [a] bigger preparation, especially on Christmas Eve, Christmas Day, New Year’s Eve, and [the] New Year. Refreshments and other kinds of foods are served to anybody who visits a home. The people also put on their best clothing during these festivals.

Another festivity which is very common is when a female cow gives its tenth birth. As soon as the cow gets bigger, it will be butchered and a big feast is to be celebrated.

The first catch of a newly erected fish trap is usually served to the people free of charge. This has been the custom since the early days of the fishermen in this place. Picnics are normally held by the seashore during this occasion.

A person who has finished his studies usually offers a great feast. Same is true for someone who has recovered from sickness.

Birthdays and baptisms are also ways of festivals common in this place.

[p. 23]

Tagalog – Dalaw

Ang dalaw ay natutungod sa pagdali, pagtingin o isang pakay ng kaibigan. May dalaw na natutungod sa pagbibigay ng gantimpala o parusa. Maraming paraang maaaring gampanan ang pagdalaw.

Dito sa Calatagan ay kaugalian na ng mga tao ang dumalaw sa isang may sakit. Ang mga dumadalaw ay karaniwang nagdadala ng ano mang bagay tulad ng pagkain na tumpak sa may sakit.

Mayroon di ng pagdalaw ng mga magkakamag-anak lalo na’t yung naninirahan sa malayong lugal. Ang mga dumadalaw ng ganito ay karaniwang nagdadala ng ano mang bagay na ikasisiya ng dinadalaw. Kung minsan naman ay ginagantihan ng dinalaw ang mga dinala sa kanila ng lalong may-ibayong higit.

Kung Pasko naman ay ugali din dito ng mga bata ang dumalaw sa kani-kanilang ninong o ninang. Ang mga bata ay binibigyan ng papasko bukod pa sa mga pagkaing iniaalay sa kanila.

Ang isa pang uri ng pagdalaw dito ay yaong pagdalaw ng mga binata sa mga dalaga. Karaniwang sa gabi ginaganap ang ganitong pagdalaw. Ang pagdalaw ay kung nakakain na ng hapunan at tumatagal ng dalawang oras lamang

May pagdalaw na walang ibang pakay kundi ang tingnan ang iba’t ibang lugal tulad ng pamamasyal. Ang mga batang nagsisipag-aaral sa mababang paaralan ay karaniwang gumagawa ng ganitong uri ng pagdalaw sapagka’t ito’y natutungod sa kanilang pag-aaral.

Ang pagdalaw sa libingan ay karaniwang ginagawa kung dumating ang araw ng mga patay o kaluluwa. Sa ganitong uri ng pagdalaw ay ugali na ng mga tao ang mag-alay ng mga bulaklak at magaganda ng korona. Duon ay nagsisipagdasal din ang mga dumadalaw. Kung minsan naman ay ang isang kaanak na naninirahan sa malayong lugal ay dumadalaw din sa libingan kung siya'y umuwi sa sarili.

Mga Kasayahan o Pagdiriwang

Ang mga kasayahan o pagdiriwang ay nagaganap sa maraming paraan. Ito’y natutungod din sa mga uri ng pagdiriwang sa loob ng isang taon.

Isa sa karaniwang pagdiriwang dito ay ang mga kapistahan sa bawa’t nayon at ganoon din ng bayan. Ang bawa’t bahay kung ganitong pistahan ay may kanya-kanyang handang pagkain na maaaring labis-labis sa mga dumadalo.

Ang mag-asawang nabubuhay hanggang ika-25 at ika-50 taon ng kanilang pagsasama ay nagdaraos din ng isang handaan. Iyan ay pinagbibigyan nila ng malaking pansin at ginugugulan ng malaki. Mayroong inuubos ang lahat ng kanilang naipon mula pa nang ikasal upang maging kasiya-siya ang kanilang pagdiriwang.

Ang mga magsasaka, kung marami ang pasapit, ay nagdaos din ng mga handaan o pigging [?] at may nagdadasal pa muna bago magkainan. Ito’y pasasalamat nila sa ating Panginoon sa pagkakaloob Niya ng maraming pasapit.

Ang Kuarisma dito sa Calatagan ay pinaggaglan [unrecognized word, probably typgraphical] din nang malaki.

Ang isang mag-anak, bago lumipat sa bagong bahay, ay naghahandog muna ng isang salu-salo. Ito ay tinatawag na “basang-gilagid.”

Kung dumarating ang Pasko ay naging ugali na ng mga tao ang maghanda upang kung may pumanhik sa kani-kanilang bahay ay mayroon agad silang maidulot na pagkain.

At ang isa pa rin kaugalian dito ay ang paghahanda kapag ang ika-sampung anak ng baka ay malaki na. Ito ay pinapatay at inaanyayahan ng may-ari ang mga kamag-anakan, kaibigan o iba pang tao.

Ang unang huli ng bagong tayong baklad ay karaniwang ipinaghahanda ng mga mangingisda.

Ang binyagan at kumpilan o kumplianyos ay isa rin sa mga pagdiriwang ng.

Sa mga nagtapos ng pag-aaral ay may handaan pa rin inihahandog. Ang paghahanda ng isang bagong kagagaling sa sakit.

Punishments

In every aim we are pursuing, there is a certain reward awaiting.

[p. 24]

If the object is leads to a good end, how sweet is the merit. But oh, how bitter the recompense if it will lead us to unhappiness. If we think bad with other people, [a] certain degree of punishment will be for us.

People have different customs, so with the different barrios having unlike ways of punishing persons committing mistakes.

In Luya, there are people who used a very different way of punishing persons. They call this type “orasyon.” Here, the criminal will be an easy and can’t work. He will, instead, go to the next party and ask for forgiveness. Sometimes, the criminal turns crazy.

During the reign of the Japanese, there used to be certain punishments that are very awkward today. Any person subjected to punishment was not even investigated. They used the method called “kinakahon.” Sometimes, the head was cut off and [they] let the body be drowned in the river or dug a hole and put the body there.

During the Spanish regime, another way was used. The guilty one was to drink water until the stomach became very big. Others were told to turn around and there shot to death.

Today, punishments are very different from yesterday’s or yesteryears’. Any guilty person is set to questions by the judge. They are being investigated. When they are found to be guilty, then that is the time for the sentence to be given.

Our parents have also their own ways of giving punishments to their children. When still young, the child is being whipped. They don’t want too much talk from the child. The time when the child becomes old enough to know, they do not resort to whipping but giving lectures secretly.

Mga Parusa

Sa bawa’t hakbang na aking ginagawa ay may katumbas na gantimpala. Kung ang hakbangin natin ay tungo sa mabuting hangarin, napakatamis ng tagumpay na makakamit. Datapwa’t kung ang layunin ay tungo sa ikapapahamak ng isa’t-isa, kaparusahan ang ating matatanaw.

Tulad ng tao na may iba’t-ibang ugali, gayon din naman ang mga lugar na may kani-kaniyang paraan sa paglalapat ng parusa.

Sa nayon ng Luya, ang taong may kasalanan na ayaw umamin ang ginagawa ng kung tagurian ay “orasyon.” Dito, ang may sala ay hindi mapalagay hanggang sa siya ay magpunta sa pinagkasalanan at ito'y humingi siya ng tawad.

Noong panahon ng mga sakang, may naging kaugalian ang mga tao sa pagpaparusa ng nagkasala. Kapag narapatang may kasalanan ang isang tao, walang lingon likod na dinudukot at nilalapatan ng parusang kung tawagin ay “kinakahon.” O dili kaya naman ay pinutulan ng leeg at pagkatapos ay pinaanod sa ilog o ibinabaon sa lupa.

Sa panahon ng Kastila, ang nagkasala ang tinutubig. Binubusog ng tubig hanggang sa lumaki ang tiyan. Ang iba naman ay pina-iikot sa kanyang pagkakatayo at doon binabaril.

Ang pagpaparusa ngayon ay malaking pagkakaiba. Ang isang pinaratangan ay hindi karakarakang malalapatan ng parusa hanggang hindi nadaan sa paglilitis. At kung sakaling mapatunayan ang nagkasala, bibigyan ng karampatang parusa ayon sa bigat ng pagkakamali mong nagawa.

Karaniwan sa mga magulang ang magparusa sa mga anak. Yung mga bata pa, kalimitan ginagawa ay pinadadapa at doon lilitisin. Ayaw nila ang magsasasagot ang anak. Pagkatapos ay papaluin. Sa oras na maging binata at dalaga, hindi na pala ang ginagawa. Tinatawag nang lihis at doon ay pinangangaralan.

Myths

HOW BALIBAGO GOT ITS NAME

[A] Long time ago, the people believed that plants served as medicine. This belief is [in] time for today [since] since most of the newly-discovered medicines come from plants.

Behind these beliefs, there is a legend, so beautiful to tell, about a kind of tree. This tree is known as balibago.

In one of the barrios which was far from civilization,

[p. 25]

many trees grow vigorously. Their trunks were straight and big like giants. These trees were beautiful to look at. The most common among these trees was [the] balibago.

This three had been very useful to the people residing in that place. During sunny days, this trees served as shade for the farmers who were working under the heat of the sun. The common use of the said tree to the people was that it served as medicine for the sick.

The people prized this three very much because of the values and uses they got from it.

If in case there were person sick in the nearby barrios, they normally went to that place where balibago grew.

It was then that time when the people called the place Balibago.

THE LEGEND OF TALISAY

The barrio of Talisay, which is adjacent to the town of Calatagan, has a beautiful legend. This legend was handed down until it reached the neighboring barrios.

According to the people of Talisay, the legend came from a kind of tree which they used as medicine. The legend runs this way:

During the Spanish time, there lived a father and a son in [a] nearby forest.

One they, we went to the forest and gathered some fruits of a tree. They were happy while gathering for there were many fruits on the tree.

Not far from that place, a Spanish captain and his soldiers were taking a walk. They admired the beauty of the place. For their desire to know the name of the place, they happened to follow the father and his son. They were so frightened because they did not notice there were Spanish soldiers behind them. But they pretended that they were not frightened.

In he is native dialect, the captain said, “This place is a beautiful one. Will you tell us the name of this place?”

Thinking that the captain was asking what they were gathering, the sun retorted in Tagalog, “This is called Talisay.”

The captain repeated the name several times while going away from the man.

Ever since then, the word “Talisay” has been transferred to the lips of the people residing in that place and they called it now by that name.

THE LEGEND OF LIMBOC

The barrio of Quilitisan is one of the smallest barrios in the town of Calatagan. This barrio, though small in nature, has a number of sitios with different names. One of these sitios is called “Limbok.” What is it called Limbok?

In the year 1932, there was an overseer of Hacienda Calatagan who came from Binubusan, Lian. He was known as Timoteo Limboc. He and his family transferred to that place. He was a good citizen and knew how to deal with his companions. He was helpful to the poor and always ready to respond to any social work. He was the man from whom the people asked help during the dry season. He knew how to give allowances to those people who owed him money. He was kind and knew how to associate with people. Anyone who needed a job approached him very often and he helped them out.

The people loved him so much that when he was about to leave the place, they all became sad for they would lose a good and helpful neighbor.

To show the people’s love for and respect for him, they called the place “Limboc.”

Ever since then, it is called with that name.

THE LEGEND OF CONVENTOHAN

Conventohan is one of the sitios of Lucsuhin. According to many, that place has a beautiful legend which has been the by-word

[p. 26]

of the people of Calatagan.

During the Spanish time, there were many Jesuit priests who came to every remotest barrio to spread Christianity. In one of the places, the Jesuits had agreed to construct a big convent wherein they could leave. Many people were forced to work under the strict supervision of these priests. But because of [the] lack of materials to be used, the construction was often postponed. Many years had elapsed but still the convent was half done.

The first Americans came and the Jesuits left the convent still undone. Many people built their houses around the vicinity of the convent and they called the place Conventohan.

KUNG PAANO NAKAKUHA NG PANGALAN ANG BALIBAGO

Noong unang panahon, ang mga tao ay naniniwala na ang isang halaman ay nagsisilbing gamot. Sapagka’t maraming mga pangyayari, maaari nga na magkatotoo sapagka’t ngayong ang panahong ito ay maraming pang lunas sa mga salot na nagbubuhat sa halaman.

Sa likod ng mga paniniwalang ito ay may magandang alamat, na natatago tungkol sa isang kahoy na nakukunan ng gamot. Ang halamang ito ay tinatawag na balibago. Sa isang nayon na malayo sa kabihasnan ay may mga punong kahoy na kay gandang malasin. Ang pinakamarami sa lahat ay ang puno ng balibago.

Ang mga punong ito ay maraming kagamitan sa mga naninirahan sa nayong ito. Ang mga kahoy na iyon kung tag-araw ay nagsisilbing dilim sa mga magsasakang pagal sa maghapong pagbubungkal ng lupa. Karaniwan na rin namang gamitin ng mga taga-nayon ang mga dahon ng punong iyon sa mga karamdaman.

Marami pang mga kagamitan ang mga punong iyon na ayon sa mga taga-roon ay hindi nila makalilimutan.

Kapag may mga sakit sa mga karatig na yun, iyon na mga dahon ng punong iyon. Kaya’t natawag ang nayon na Balibago.

ANG ALAMAT NG CONVENTOHAN

Ang Conventohan ay isa sa mga lugar na sakop ngayon ng Lucsuhin. Sang-ayon sa marami, ang lugar na iyon ay may isang magandang alamat na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taga-Calatagan.

Noong panahon ng Kastila ay maraming paring Heswita ang dumarating sa mga liblib na nayon upang ikalat sa mga tao ang “Kristiyanismo.” Sa isang lugar ang mga paring Heswita ay nagkasundo upang makapagtayo ng isang kumbento. Maraming mga tao ang nagsigawang pilit sa pamamalakad ng mga paring ito upang maitayo ang kumbento ng nasabi. Nguni’t sa kakulangan ng mga kasangkapang gagamitin ay naging matagal ang pagkakayari na sa tinagal-tagal ay lalong di natapos. Dumating ang daang taon nguni’t nanatiling hindi tapos ang kumbento.

Dumating ang mga unang Amerikano, Nguni’t wala pa ring kayarian ang kumbento. Maraming mga tao ang nagpatayo ng mga bahay sa paligid nito at tinawag nilang Conventohan ang lugar na iyon.

Hanggang sa ngayon, ang makikita ng sinumang may nais [ay] mga guhong bato ng kumbento.

ALAMAT NG LIMBOC

Ang ngayon na Quilitisan ay isa sa pinaka maliit na nayon ng bayan ng Calatagan. Ang nayong ito ay may mga lugar na may pamagat. Sa mga pamagat ng isang lugar ng Quilitisan ay tinawag na Limboc. Bakit kaya natawag ito na ngayon?

Noong taong 1932 ay may isang engkargado ng Hacienda Calatagan na nagbuhat sa Binubusan, Lian. Siya ay tumutugon sa pangalang Timoteo Limboc. Siya ay lumipat sa lugar na iyon. Siya ay matulungin sa mga mahihirap at laging bukas ang palad sa anumang gawaing maka-Dios. Siya ay dulugan ng mga tao sa panahon ng tag-salat. Marunong siyang kumapa sa mga taong walang maibayad sa pagkakautang sa kanya. Mabait siya at marunong makipagkapwa tao. Sino mang tao ang humingi ng tulong upang magkaroon ng gawain ay buong puso niyang pinagbibigyan.

[p. 27]

Siya ay napamahal ng gayon na lamang sa mga taga-roon. Kaya nang siya ay umalis sa lugar na iyon ay lahat ng taga-roon ay nangalungkot. Dahil sa mga kabutihan niyang nagawa ay tinawag ang lugar na iyon na Limboc bilang alaala sa kaniya.

ALAMAT NG TALISAY

Ang nayon ng Talisay, sakop ng lupang Calatagan, ay may magandang alamat. Ang alamat na ito ay nagpasalin-salin hanggang sa makarating sa mga karatig nayon.

Noong panahon ng mga Kastila ay may dalawang taong naninirahan sa gitna ng gubat. Sila ay mag-ama.

Sa ngayon sa mga naninirahan sa Talisay, Ang alamat ay nagbuhat sa isang punong kahoy. Ganito ang mga pangyayari.

Isang araw, sila ay nangunguha ng mga bunga ng isang kahoy. Sila ay nangatuwa sapagka’t marami silang napanguha. Ay nagpasyal na kapitan na Kastila at ilang sundalo nito. Ang Kapitan ay humanga sa kagandahan ng gubat na iyon. Kaya’t sa kagustuhang malaman nila ang ngalan ng lugar na iyon ay nasundan nila ang mag-ama. Gayon na lamang ang pagkatakot ng dalawa sapagka't hindi nila inaasahang may mga sundalo sa kanilang likuran. Gayunpaman ay hindi sila nagpakita ng pagkatakot.

Ang Kapitan ay kaagad nagtanong sa mag-ama sa kanilang sariling wika. Itinatanong nila kung ano ang ngalan ng pook na iyon. Sa pagkaunawa ng mag-ama na ang itinatanong ng Kapitan ay kung ano ang kanilang pinangunguha, ay sumagot agad sila ng, “Talisay, Talisay po ito.”

Inulit-ulit ng Kapitan ang salitang ito habang umaalis.

Nagpasalin-salin na ang salitang ito sa mga naninirahan doon at pinamagatan ang nayong iyon ng “Talisay.”

Beliefs and Interpretations

The people of Calatagan are almost unanimous in their beliefs and interpretations regarding universal phenomena. This is due to the fact that the sitios are not too far apart and the people have easy means of contact. Here are some of their beliefs and interpretations.

1. A halo around the moon gives the people a feeling of surprise when this phenomenon happens during the dry season. This phenomenon means heavy rain.
2. A halo around the sun during the dry season brings cheer to farmers. This phenomenon means early rain and early planting season.
3. Red clouds during sunrise brings fear and sorrow to the people. This means coming bloodshed in wars, excessive heat to plants and animals.
4. When the new moon first shines in the sky and there are plenty of stars around it, the young men become hopeful, especially those who are single yet. This means that young girls will become easy victims of their affections.
5. When the new moon appears tilting on either side, the farmers are joyful. This means plenty of rain.
6. When the new moon seems to tilt on either side and stands balanced, the mothers-to-be feel sorry and afraid. This means [a] hard and difficult labor during delivery.
7. When the rainbow appears in the sky very often and sometimes in twins, the people become fearful of God. This presumes the ending of the world for its meaning.
8. On New Year’s Eve, people watch the heavens. They are happy when the night is calm and bright. Plenty of stars means [a] year of plenty. Dark spots and less stars mean scarcity.
9. The appearance of comets brings fear to the people. A downward tail of a comet means epidemics, death, and sickness to the people.
10. Eclipses bring shock and fear to expectant mothers. They believe that during an eclipse, the sun eats up the moon and vice-versa. They believe that these two heavenly bodies fight for their lives

[p. 28]

during an eclipse. Their interpretation is that expectant mothers who witness this phenomenon will have difficult labor during the delivery and that either mother or child may die.
11. Rain during All Saints’ Day makes the people think of their dead. They believe that the water that drops as rain are the tears of the souls in Purgatory.
12. Earthquakes give the people a sudden fear. They believe that earthquakes presume plenty of rain or excessive heat.
13. Shooting stars bring joy to their witnesses. People believe that when one sees a shooting star and he can tell his wish before it dies out, he will be very lucky.
14. Stars shining during the daytime bring fear and sorrow to the people. This phenomenon presumes war, pests, and epidemics.
15. Roaring thunder and lightning make people come together to pray. Mirrors are covered and windows as well as doors are closed. These they believed are young puppies wondering about such that when they struck something, they burst out and kill whatever is around. People believe that prayers and burning of Holy Polar [?] will protect them from harm.

Mga Paniniwala

Ang mga tao sa Calatagan ay halos iisa ang mga paniniwala at pagpapakahulugan sa mga likas na pangyayari na sa tuwi-tuwina’y nasasaksihan. Ang dahilan nito’y ang pagkaka lapit-lapit ng mga sitio sa bayang ito. Ang kanilang paniniwala at pagkakahulugan sa mga pangyayari ng kalikasan ay halos magkakatulad at nagkakaisa.

1. Ang limbo sa pagsikat ng araw ay nangangahulugang masaganang ulan. Sa ganito’y nagagalak ang mga maglilinang sapagka’t kung maaga ang ulan ay maaga rin ang ani.
2. [Ang] Mapupulang alapaap sa pagsikat ng araw sa silangan ay naghahatid ng pangamba sa mga tao. Ang ibig sabihin nito’y may mga bubuhos na dugo bunga ng giyera. Ito’y nangangahulugan din ng matinding init ng panahon.
3. Ang limbo sa buwan ay nangangahulugan ng maraming ulan at maagang pagtatanim ng halaman. Sa gayon ay nagagalak ang mga magsasaka.
4. Ang maraming bituin umaga pa’y sa pagsikat ng bagong buwan ay nagbibigay ng pag-asa sa mga binatang naniningalang-pugad. Ang pangitaing ito ay nangangahulugang malapit na ang mga dalaga.
5. Kapag ang buwan ay hilig sa alinmang panig, maging kaliwa o kanan, Ito’y nagbibigay sigla sa magbubukid. Ito’y nagbabala ng masaganang ulan at maagang pagtatanim.
6. Kapag ang buwan ay timbang sa kanyang pagsikat, ito ay magdudulot ng pangamba sa mga magiging ina. Ang pangitaing ito ay nangangahulugang magdaraos ng hirap sa panganganak ang magiging ina.
7. Kapag ang balangaw o bahaghari ay laging bumabahad sa langit, ang mga tao ay nagiging malapit ang loob sa Dios.
8. Ang maliwanag at mabituing langit kung bagong taon ay magandang silahis ng mga magbubukid. Ito’y nagbababala ng kasaganahan at mabuting ani.
9. Ang kometa ay kapag sumikat ng nagbibigay ligalig at pangamba sa mga tao. Kapag ang buntot ng kometa ay pababa, ito’y nagbababala ng peste, salot, at kahirapan sa lupa.
10. Kapag may eklipse, ang mga magiging ina ay binabawal ang manood. Ito’y nagbababala ng kahirapan sa panganganak.
11. Ang ulan kapag Todos los Santos ay nagpapaalala sa ating mga patay. Ang tubig na tumutulo ay luha ng ating mga patay.

THE ORIGIN OF THE CAVE OF TIBIG IN THE BARRIO OF BALIBAGO

Before the outbreak of the Second World War, there was an organization known to be called as “Kolrom,” [Kolorum?] which the government authorities came to be suspicious about its movement. To evade suspicion from the government, the organization branded itself as an organization of the late national hero, Dr. Jose Rizal. Since we had not acquired our independence during that period, the leaders of this organization were able to convince their innocent followers that

[p. 29]

we could acquire our freedom by means of singing, praying, dancing in caves.

The organization and its followers had done nothing except singing, dancing, praying and convincing the people [of] their beliefs. The leaders were only the ones who knew the purpose of the organization. Members of this organization increased in great numbers, but most of the members were those illiterates and working men.

Not long [after], it had gathered many followers in small towns and barrios. They went to the mountains. One of their camps was in the mountains of Balibago. What made the government authorities more suspicious of them was the digging of caves except their praying and dancing for the want of independence. When working, no persons were allowed except the members to observe their activities. They spent day and night digging the cave of Tibig. They looked fearful [fearsome] because of the females’ long beards and mustaches

War broke out. Majority of the members were confined in the mountains of Balibago. The suspicion of the government authorities came into reality when the organization was attached to the Makapili and the Sakdal Organization. These organizations wear pro-Japanese.

The liberators from the Japanese brutality came. The Japanese Army in the mountain of Balibago used the cave of Tibig as their shield against the advancing Americans. War was over and the cave was known to be called as the “Cave of Tibig” in the barrio of Balibago.

ANG PINAGMULAN NG YUNGIB TIBIG SA NAYON NG BALIBAGO

Hindi pa kamalay-malay sumiklab ang Pangalawang Digmaang Pangdaigdig ay may isang samahang sinubaybayan ng mga may kapangyarihan sapagka’t kahina-hinalang kaaway ng tahimik na mamamayan. Kung tawagin ang samahang ito ay “Kolorom.” Ipinagpanggap ng mga namumuno ng samahang ito na iyon ay Samahan ni “Rizal.” Sapagka’t noong panahong iyon ay wala pa tayo ng kasarinlan ay binulag ang mga tagasunod nito na nakakamit ang kalayaan sa pamamagitan ng pagkanta, pagsayaw at pagdalangin sa mga yungib.

Walang ginagawa ang pangkat na ito kundi mamundok, magkantahan sa mga nayon at mang-akit. Dumami ang mga tagasunod ng samahang ito. Walang nahimok sumapi sa kaisahang ito kundi yung mga mangmang at walang pinag-aralan.

Hindi naglaon at ang may iwi ng lakas at dami ng tauhan, ang samahang ito ay namundok na, at isa sa mga ito ay sa bulubundukin ng Balibago. Doon ay walang ginawa ang pangkat na ito kundi ang dati nilang gawain. Nguni’t lalo silang naging kahina-hinala sa may kapangyarihan nang sila ay naghuhukay na ng yungib sa Tibig sa nayon ng Balibago.

Malapit noong sumiklab ang digmaan, at wala pala silang inatupag kundi ang paghuhukay ng yungib. Noong una’y nakalapit pa ang taga nayon upang makinig ng kanilang awitan, ngunit nang malao'y wala nang nakadadais kundi mga kaanib sa samahan. Nakatatakot ang kanilang mga anyo sapagka’t ang mga lalaki’y naglalaguan ang mga balbas.

At hindi pa yun ang kapuna-puna sa kanilang mga kilos, kundi ang gabi ay ginagawa nilang araw sa paghuhukay ng yungib. Nagsiklab ang digmaan at ang samahan sa pagsusubaybay ng alagad ng batas ay napag-alamang nagkakatipon sa kabundukan ng Batulao. Napatunayang sila’y kaaway ng pamahalaan sapagka’t nasasangkot ang kanilang samahan sa samahan ng “Makapili” at “Sakdal.”

Hindi nagkamali ang may kapangyarihan sapagka’t ang mga Hapones ay ginawang kublihan ang sa ngayo'y tinatawag na yung ng Tibig sa nayon ng Balibago.

ORIGIN OF LAND

In the beginning, there was only the sun. Then, something happened and a part of the sun broke off into many pieces. One piece which broke off became the land.

[p. 30]

When the earth had just been separated from the sun, it was made of gases and burning rocks. The earth was then a ball of fire. Nothing could live in it.

Very thick, dark clouds rose from the face of the hot land. The cloud fell as rain. Ask the rain fell, it made a loud hissing sound like the noise that you hear when you pour water on live charcoal. Some of the water rose as vapor back into the air. This vapor again became clouds.

The clouds continued to cool off and fell as rain. The earth became cooler and cooler as the rain fell. The earth cooled off and shrank. It became smaller and smaller. The outside cooled off faster than the inside. Many cracks were formed as the land shrank. Through these cracks, the melted rocks inside came out and formed mountains as the cooled off.

The rain continued to fall. After thousands of years, the lower parts of the earth were filled with water. These parts are now ours he's, oceans, and lakes.

Rivers were formed by the rain. As they flowed toward the oceans, they broke the big rocks into smaller pieces. The wind and the sun helped the rain to break the rocks. For thousands of years, the rain, the sun, and the wind continued to break the rocks into smaller pieces. In this way, the soil began to formation. The soil covered the rough rocks.

When there was enough land, plants begin to grow and animals began to appear.

ANG PINAGMULAN NG LUPA

Sa simula pa ng kamunduhan, wala kundi ang araw. Mayroong isang pangyayari ang isang bahagi ng araw ay sumambulat sa maraming pira-piraso. Ang isang piraso ay naging lupa.

Nang ang lupa ay bago pa lamang mahiwalay sa araw, iyon ay nabubuo ng gas at nagliliyab na pader. Samakatuwid, ang lupa ay sa isang bola ng apoy. Walang maaaring makapanahan noon sa lupa.

Napakakapal at napaka-itim na ulap ang sumiklabo sa ibabaw ng lupa. Ang ulap ay lumamig at bumagsak na ulan. Noong umuulan na, ay gumawa ng napaka-ingay na bagay, katulad ng maririnig kung magbubuhos ng tubig sa kumukulong karbon. Ang iba sa tubig ay pumailanglang patungo sa hangin. Ang singaw na ito ay naging ulap na muli.

Ang ulap ay nagpatuloy na muling lumamig hanggang sa umulan. Ang lupa ay lumamig at yumanig at lumiit nang lumiit. Ang labas ay lumamig na di katulad ng kalooban. Maraming lumot ang lumitaw habang yumayanig. Sa pagitan ng lumot ang natunaw na pader sa loob ay lumabas at naging bundok habang lumalamig.

Ang ulan ay nagpatuloy sa pagbagsak. Pagkaraan ng maraming mga taon, ang mababang lugar ng lupa ay napuno ng tubig. Ang lugar na ito ay siya ngayong dagat, ilog at dagatan.

Ang ulan ay gumawa ng ilog. Habang ang ilog ay umaagos patungo sa karagatan, ang naglalakihang pader ay nabasag ng pira-piraso. Ang hangin at ang araw ay nakatulong sa pagbasag ng pader. Sa nagdaang maraming taon, ang araw, ang ulan at ang hangin ay patuloy sa pagbasa ng pader. Ang batuhan ay napingkian at naglagisan hanggang sa ang mga iyon ay nagkapira-piraso. Sa ganitong paraan ang lupa’y nagmula. Ang pader ay natakpan ng lupa.

Noong magkaroon na ng sapat na lupa, ang halaman ay sumibol, at ang hayop ay sumupling sa kamunduhan.

Origin of Seas, Lakes, Rivers, Plants, Trees, and Animals

During the olden times, there was a king and a princess who ruled a certain village. They were both cruel and that was why they were not liked by those who were under them.

“Our king is too cruel,” said one of the men under him.

“We cannot even ask something from him,” others said.

“We cannot even stay near their palace,” others still will say

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V | PART VI | PART VII | PART VIII | PART IX | PART X

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of the Municipality of Calatagan,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post