Calatagan, Batangas: Historical Data Part IX - Batangas History, Culture and Folklore Calatagan, Batangas: Historical Data Part IX - Batangas History, Culture and Folklore

Calatagan, Batangas: Historical Data Part IX

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART IX

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V | PART VI | PART VII | PART VIII | PART IX | PART X

Full transcription of the so-called “Historical Data” for the Municipality of Calatagan, Batangas and its barrios, the original scanned documents at the National Library of the Philippines Digital Collections not having OCR or optical character recognition properties. This transcription has been edited for grammar, spelling and punctuation where possible. The original pagination is provided for citation purposes.

Part IX of the Historical Data for the Municipality of Calatagan, pp. 41-50 of the Barrios section.

[p. 41]

Noong isabit ng bata ang gintong lumbo sa dating sabitan nito ay bigla na lamang itong lumipad na paitaas. Anong laking himala. Hinabol niya ito, subali’t hindi niya maabutan. Tumaas nang tumaas ang gintong lumbo, hanggang sa maging isang hugis bituin. Anong ningning ng sinag nito sa langit, lalong-lalo na kung gabi na walang buwan. Umiyak ang batang babae at hiniling niyang bumaba ang nasabing gintong lumbo.

Lumipas ang mga araw at buwan. Ang kanyang pinakamamahal na bagay ay naroon pa rin sa itaas, kumikinang at napakaliwanag. Samantalang ito’y kumikinang ay paminsan-minsan naman ito’y nagsasabog ng liwanag na pababa sa lupa. Ang patak na makinang na buhat sa gintong lumbo ay yaong tubig na nadala pang paitaas ng lumbo. Ang patak ng tubig na kumikinang ay siyang tinatawag na “taing bituin” sa ngayon at yaong maitim na sunog at pumapatak sa lupa ay yaong batong kumikinang. Sa batong ito’y masusumpungan ang gintong lantay at diyamanting makinang din.

THE FIRST MAN AND WOMAN

Biblically speaking, the first man and woman of the world were Adam and Eve. Though Science seems not to agree with this, yet this is the common belief of most people on earth.

Speaking of Calatagan, particularly the first man and woman are hard to determine exactly. In the absence of written records, resource persons were being asked to give light to such. But usually, the answer was not so exact. Still, they would conclude that when they first came here, there were already groups of people but rarely only.

From the different information gathered, there seemed to be an opinion that the early people here where the offspring of the old, old descendants of the Martinez family. Generation after generation, people increased until at present, some descendants of the Martinez family are parts of the population of this town.

UNANG LALAKI AT BABAE

Alinsunod sa banal na kasaysayan, ang unang lalaki at babae dito sa mundo ay si Adan at si Eva. Kahit marami ang hindi naniniwala sa bagay na ito, lalo’t higit ang mga taong kulang [sa] tiwala sa Dios, ay marami din ang may paniwala dito.

At tungkol sa unang lalaki at babae dito sa Calatagan, ay mahirap masabi sapagkat walang mga kasulatang mapagbabasihan. Kaya’t ang bagay na ito ay naging kapani-paniwala sa lahat dahil sa sabi ng mga matatanda. Nguni’t ano mang pagpipilit ng mga matatanda na makapagpatunay sa bagay na ito ay hindi mabigyan ng tunay na liwanag, sapagka’t ang laging nagiging sagot ay matao na nang sila ay magkamalay.

At sa mga sabi sabihin ng iba ay ang naging kauna-unahang tao dito ay ang mga ninuno ng mga Martinez. Lumakad nang lumakad ang panahon na hanggang sa ngayon ay ang nasabing familia ay siya pagbubuo ng mga tao dito sa Calatagan.

ORIGIN OF BIRTH OF TWINS OR MORE

Giving birth to twins is not so surprising as when it will be more. In the early days, twins were given two and then were old descendants who were twins. As to the origin of [the] birth of twins or more is concerned in our municipality, it is very hard to determine. Even those old folks could not give, especially the origins. Giving birth to twins is not only common during the early days but even at present. As there are so many living twins.

In the poblacion (Calatagan), a family gave birth to triplets. They were all girls. This honor belongs to the family of Mr C. Castaneras, chief clerk of our town. This happened before the Second World War. Among the triplets, two are able to survive and those two are at present Grade Six pupils at the Calapatan Elementary School.

ANG PINAGMULAN NG PAG-AANAK NG DALAWA O HIGIT

Ang pag-aanak ng kambal o dalawa ay hindi naging kahanga-hanga

[p. 42]

sapagka’t ito ay naging isang karaniwang pangyayari. Nuong unang panahon, ang pag-aanak ng kambal ay nangyayari rin sapagka’t hanggang sa ngayon, ang mga naging bunga ng ganitong pangyayari at ating masasaksihan.

At tungkol sa pinagmulan ng pag-aanak ng dalawa o higit s dalawa ay hindi rin matiyak. Ang mga matatanda ay hindi makapagsabi ng mga bagay na ito. Nguni’t ang pagsisilang ng sanggol na kambal ay hindi lamang noong una nangyayari sapagka’t sa kasalukuyan ay makikita natin ang ganitong bagay.

Sa poblacion (Calatagan) ay may isang familia na nagsupling ng tatlong sanggol na lahat ay babae. Ito ay nangyari sa familia ni Ginoong Cecilio Castueras. Ito ay nangyari nuong hindi pa sumisiklab ang Ikalawang Digmaang Pangdaigdig. At sa ngayon ay dalawa lamang ang nabuhay at ang dalawang ito ay kasalukuyang nag-aaral sa Mababang Paaralan ng Calatagan.

ORIGIN AND INCIDENTS OF DEATH AND DISEASES IN CALATAGAN

1. Beriberi of adults and allied dietary diseases:

90% to 95% of the population of Calatagan has beriberi. The origin of this is due to the diet of the people. They generally live on rice and fish. The people don’t produce vegetables except the wild ampalaya and during the rainy season, the string beans. As to milk (canned or fresh), you will still find that 30% to 40% doesn’t take milk because they don’t like it and about 80% doesn’t take milk because they cannot afford to buy milk. [The] Poverty of the people is one of the factors. The moond [means?] of living is another factor, in which they prefer to bet their money in cockfights than buy foods and medicine. Almost 95% of the population takes animal meat maybe 5 to 10 times a year only. They generally taste animal meat only on special occasions when there is [a] fiesta or baptism, so that their protein and other vitamin source is almost nil.
2. Infantile Beriberi
Infantile beriberi, commonly known as “Taon,” has a very high incidence here. This is due to the faulty diet of the mothers as mentioned above. This is one of the highest causes of infant mortality here. Death due to beriberi is quite high especially in infants. Death in adults is due to heart and nerve complications.
3. Malaria
During the months of October to April, malaria is rampant. The incidence of malaria is less now that when there was still a sugar central in this municipality. This was due to the fact that there were more breeding places for mosquitoes, especially the places where the farmers soaked the sugar points (seedlings). The Calumpang River and its tributaries are still infected with anopheles mosquitoes and immigrants from the province of Mindoro are another factor in spreading this disease. Some people still don’t believe that it is transferred by mosquitoes. Almost 90% of the total population doesn’t use mosquito nets which is due to the poverty and ignorance. Some do not like to use it because it is warm. [The] Cause of death is due to complications like [the] cerebral type, typhoid type, malarial caheria (emaciation and anemia) and enlargement of the spleen commonly known as “kayawa.”
4. Intestinal diseases
Almost 98% of the population is infected with this disease. This is due to unhygienic living. 99% of the population eats with bare hands. It is so unfortunate that the compulsory use of spoons and forks among school children is not done at all. Even among the school teachers, eating with bare hands is very common and this is one principal way of getting infested. Poor water supply is another factor. 90% of the people have only one or two glasses in their houses which is common use for all. Improper washing of hands and the toilet system which is the pit and “parang” or “likod-likod” system is another factor in the spread of the disease. Death is due to appendicitis, infection, the full bladders, anemia and intestinal obstruction.

[p. 43]

5. P.T.B.
P.T.B. has also a very high incidence here to due poor diet and exposure to relatives. Late diagnosis by not going to x-ray clinics is generally the cause of death. Poverty is another cause. Spitting anywhere spreads the disease, which is a common habit here.
6. Pneumonia
Pneumonia among the farmers is quite common. The usual cause is a general neglect of the common cold. Another factor is that after plowing, they usually like on their bamboo floors and expose themselves to draft. Another factor is the change in climate predispose them as after working hard, they are caught by a rain. Generally now, only the untreated cases and late cases are usually the causes of death.
7. Yows
Yows especially in babies was common here ten years ago, especially among people living near the seashore. This [is] caused by [the] infection of many by spirochetes. It is almost under control now except some one or two who come from Mindoro. This [is] spread by flies or direct contact.
8. Gastroenteritis
This is common especially during the rainy season. This is due to the fact that almost every household is not properly and sanitarily kept. The advent of household flies, infection of water wells and unhygienic living. [The] Cause of death is toxemia or poisoning. During summer, the general cause is the “sinaing na tulingan,” the eating of raw fruits like mangoes, siniguelas, calumpit, etc. is another factor.
9. Venereal disease:
This was common only when the barrio of Balitoc was invaded by the prostitutes. Another cause is that there are now people who go to the city and they become infected and they spread it among his family.
10. Cancer
Cause still unknown, but we have only two or three cases registered here. Laboratory diagnosis is not available here.

MGA SAKIT AT PAGKAMATAY DITO SA BAYAN NG CALATAGAN

1. Beriberi o Panas
90% hanggang 95% ng mamamayan ay may sakit ng beriberi o panas. Ang pinagmumulan nito ay sa hindi wastong pagkain. Ang marami ay nabubuhay sa kanin at sa isda lamang. Hindi sila nagtatanim ng gulayin nang may makain ng gulayin. Ang gatas ay 50% hanggang 40% ang hindi nagugustuhan ng mga tao, marami ay hindi umiinom ng gatas, at ang isa pang dahilan ay sa kawalan ng pambili. Ang kahirapan ng pamumuhay ng tao ay siyang dahilan ng di wastong pagkain nila. Humigit kumulang sa 95% ng mga tao na naninirahan dito ay lima hanggang sampung beses lamang nakakakain ng karne sa loob ng isang taon. Marami pa ay kaya lamang makakatikim ng karne ay kung piesta o may binyagan.
2. Beriberi sa mga Bata
Ang beriberi ng mga bata ay kung tawagin ay “taon.” Ang karaniwang pinanggagalingan ng sakit na ito ay ang hindi wastong pagkain ng ina ng mga wastong pagkain. Napakarami ng namamatay na batang bagong silang. Dahil sa sakit na ito, may mga maidad na bata ang namamatay din dahil sa kumplikasyon sa puso, at nerbios, na nagsisimula rin sa sakit na ito.
3. Malaria
Sa mga buwan ng Oktubre hanggang Abril, ang malaria ay likas. Noong unang panahon na may central ng asukal pa sa bayang ito, ang sakit na malaria ay bihirang gumitaw [lumitaw?] sapagka’t nang mga panahong yaon ay walang lugal ang mga lamok upang mabuhay ng masagana. Subali’t yong ilog ng Calumpang ang siyang pinanggagalingan ng maraming lamok na kung tawagin ay anopheles. Ang lamok na ito ay siyang may dala ng sakit na ito. At isa pang pinagmumulan ng sakit na malaria ay yaong mga taong lipat dito sa atin na may dalang karamdamang ito. Nang sila ay makagat ng lamok na anopheles at bago kumagat sa ibang taong wala namang sakit ay may dala ng sakit ang lamok na yaon, kaya’t lahat sila ay nagkaroon ng sakit na malaria. Marami ang hindi naniniwala na ang malaria ay hindi nakahahawa sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Marami rin sa mga

[p. 44]

tao dito ay hindi gumagamit ng kulambo. Ang karaniwang namamatay sa malaria ay bunga ng kumplikasyon katulad ng ataki sa utak, tipos, pagkukulang sa dugo at “kayawa.”
4. Karamdaman sa Bituka
Mahigit sa 98% ng taong naninirahan dito na may karamdaman sa bituka. Ang karaniwang dahilan ay ang maruming tahanan. 99% ang kumakain ng nagkakamay. Ang paggamit ng tubig na marumi ay isa pa ring dahilan. 90% ang may basong inuman sa pamamahay. Ang hindi wastong paghuhugas ng kamay at ang di wastong paggamit ng palikuran ay isa pang dahilan ng pagkakalat ng sakit sa bituka. Ang ikinamamatay ay dahil sa apendisitis, sa apdo at sa almoranas.
5. Tuberculosis
Ang sakit na tuyo ay bunga ng di wastong pagkain. Sinasabi na ang sakit na ito ay hindi minamana. Ang maagap na pagtuklas sa sakit na ito ay malaki ang itutulong sa pagpapagaling. Ang kahirapan ay siyang dahilan ng hindi pagtuklas ng sakit na ito. Ang rayos x ang siyang makabagong aparato na makapagsusuri ng pinagmumulan ng sakit na ito sa baga. Ang paglura saan mang lugal ay maaaring tumulong sa pagkakalat ng sakit na ito. Ang sakit na ito ay siya na ring pumapatay sa mga may karamdamang ito.
6. Pulmonia
Ang pulmonia ay karaniwang sakit ng magbubukid. Ito ay karaniwang nagmumula sa isang napabayaang sipon. At taong pagod at nahiga sa sahig ay karaniwang kinakapitan kaagad ng sakit na ito. At sakit na ito ay madaling lumubha, maaaring mamatay sa loob ng tatlong araw lamang kapag hindi nilapatan kaagad ng lunas. Mabilis ang pamamaga ng baga at pag may nana na ito ay lalong malubha. Ang may sakit ay walang hibas ang lagnat.
7. Bubas
Ang sakit na ito ay karaniwang dumadapo sa mga bata lalo na sa mga naninirahan sa tabi ng dagat. Ang sakit na ito ay madalas makahawa. Ang sugat ay lumalaki at butak-butak. Ipinalalagay na ang sakit na ito ay nagbuhat sa Mindoro, maaaring makahawa sa pamamagitan ng mga langaw.
8. Kurso
Ang sakit na kurso o pagtatae ay karaniwang lumalabas kung tag-ulan. Ang karamihan ng langaw, karumihan ng pusali ang mga paligid ang siyang pinagmumulan ng sakit na ito. Kung tag-init naman, ang pinagmumulan ng sakit na ito ay ang pagsasaing ng mga isda, lalo na ang tulingan, ay hindi husto ang pagkaluto o makati o di kaya ay halpok ang isda. Karamihan pa ay huling putok. Hindi lamang ito, katulad ng mga bungang-kahoy, yan ay isa pa ring nakapagkukurso lalo’t marami ang nakain.
9. Sakit na lihim
Ito ay sakit ng mga lalaki na nagmumula sa paggamit ng mga babaing masasama. Noong araw, ang barrio ng Balitoc ay isa sa mga naging biktima sa mga sakit na ito. Ang marami ay sa Maynila nakakuha ng sakit na ito, na kung tawagin ay amoris, sipilis, reloj, o pamamaga ng puson. Ang karaniwang biktima ay ang asawa ng lalaking may dinadalang sakit na ito.
10. Cancer
Ang karamdamang ito ay hindi pa natutuklasan ang tunay na kadahilanan. Mayroon lamang dalawa o tatlong kaso na ang tunay na dahilan ay hindi pa maipaliwanag.

ORIGIN OF WITCHCRAFT

An old man who was known for his honesty and kindness with the people around him was once coming home from his field, lost his way among the bushes and thickets. He turned here and there, cutting with his bolo all vines and undergrowth along his way. His attempts were all in vain.

He beheld a beautifully-built house he had not ever seen

[p. 45]

in that place before. As he got near it, the door plaged [curious word] open and without his knowledge, he found himself inside surrounded by dwarves. Without any more from the strange people, the table was set and food was ready for him. He ate very much till after he seemed filled up.

As he was staring at the things he found in the room, he felt sleepy. What had happened after that were unknown to him, as he just found himself lying on a golden bed. When he woke up, he wanted to go home. As he tried to feel his way out, the king of the dwarves appeared before him and handed him a shining stone.

“On behalf of your kindness and honesty, I entreat [?] you this stone to be of use to yourself and your fellow man. Go, then, and do as you’re needed.” Then the king disappeared. Everything had returned to its former being. The man fully regained his consciousness. He found himself left alone in the familiar place he was acquainted with. He went home with the shining stone in his pocket.

He began the use of the shining stone when a neighbor got sick. With it, he was able to make him well. From that time on, witchcraft has been handed [down] from one generation to another.

ORIGIN OF WITCHCRAFT
(Tagalog)

Isang dapit hapon noon nang ang masipag na magsasaka ay payapang naglalakad na pauwi sa kanilang tahanan nang kung sa anong dahilan at ang kanyang nilalakaran ay biglang naharangan ng sala-salabat na bagin at mga punong kahoy. Pinagtataga niya ang mga iyon, subali’t wala siyang magawa upang matunton muli ang daang patungo sa kanila. Ano ba’t pagpapaikot-ikot niya’y napagawi siya sa pintuan ng isang malaking tahanan. Pagbungad niya sa pintuan ay bigla itong bumukas at napatambad sa kanyang paningin ang kakaibang anyo ng mga tao. Lubhang maliit na lahat ang nakita niya. Wala siyang narinig na salita sa mga taong iyon nguni’t ang hapag ng pagkain ay biglang naihanda at siya’y kumain hanggang siya’y mabusog. Sa kanyang pagmamasid ay nakaramdam ng pag-aantok at siya'y nakatulog. Wala na siyang nagunita pa maliban sa siya'y nakahimlay sa magarang kama. Nang siya’y magising ay nabalisa at nagnais na umuwi. Hinanap niya ang daan palabas ng tahanang iyon, nguni't nagulat siya sa hari ng maliliit na taong iyon sapagka’t sinabi sa kanyang huwag nang magpilit na umalis at binigyan siya ng batong kumikinang at pagkatapos ay nawalang bigla ang taong maliit at ito namang magsasaka ay natutuhan ang landas na patungo sa kanilang tahanan. Ginamit niya ang batong iyon sa paggamot at nang siya’y malapit nang mamatay ay pinaghati-hati niya ang batong nasabi at iyon ay pinagmulan ng tinatawag na anting.

THE ORIGIN OF MAGIC

A young shepherd was once pasturing his master’s sheep when among the rocky and hilly countryside, he met an unfamiliar man. The man gave him a horn. This horn will help you much in assembling your sheep. Blow the bigger end if you do not want a certain thing and blow the smaller end if you want them together.

The master wondered why the shepherd had not lost any sheep. He then spied on him in the field. He discovered the shepherd's horn. So, he stole it while he was sleeping. The master placed the horn under his pillows when he went to sleep. But the horn was gone the following day. He called for the shepherd. When the shepherd came, he blew the large end of the horn. His master disappeared with his family. For many days, he waited for his return but nobody came.

The shepherd inherited the property of his master. He married and had many children. When he was about to die, he divided his horn into pieces and gave each child a piece.

Thus was the origin of magic.

ANG PINAGMULAN NG SALAMANGKA

Isang araw, ang batang pastol ay patungong muli sa bukid na dati niyang pinag-aalagaan ng kanyang mga alagang tupa. Walang anu-ano

[p. 46]

ay may nasalubong siyang matanda at siya’y kinausap. Nawili ang matanda sa pakikipag-usap sa pastol kaya’t ang mga tupa naman ay nagpatuloy sa paglalakad patungo sa bukid. Nagunita ng pastol na nagkahiwa-hiwalay ang kanyang halaga, kaya’t halos mapaiyak siya sa paghahanap. Pinigil siya ng matanda at binigyan siya ng sungay ng isang hayop na di kilala ng batang pastol. Sinabi ng matanda na hipan ang maliit na dulo at may makikita siyang ibang pangyayari. Hinipan ng batang pastol at nagdatingan ang kanyang mga alaga. Natuwa ang bata. Nalaman din niyang kapag hinipan ang malaking dulo’y nawawala ang nais niyang mapalayo sa kanya. Isinaisip na iyon ng bata at saka siya labis na nagpasalamat.

Labis na nagtaka ang amo ng batang pastol at laging iyon ang mga tupa kaya’t sinubok niya isang araw. Nang masaksihan niya ang pangyayari ay ninakaw niya nang gumabi. Nguni’t hinangad ng batang mapabalik at ang sungay ay nakita uli niya sa kanyang higaan. Pagkatapos tipan niya ang malaking dulo at ang kanyang amo pati mga anak noon, ay nangawalang bigla na hindi na nagbalik.

Naging sa batang pastol ang ari-arian ng kanyang amo. Siya’y lumaki at nagka-asawa at nagkaroon ng maraming anak. Nang maramdaman nitong malapit na siyang pumanaw, pinagpira-piraso niya ang sungay sa kanyang mga anak. At Iyan ang pinagmulan ng salamangka.

THE ORIGIN OF DIVINATION

Divination is common among country folks, especially to those of the olden days. From the experience of the villagers, they can foretell the coming of typhoons by looking at the sun’s or the moon’s crown. Yet, there are many stories that explain this belief.

A hunter was once caught by a storm in the forest. He took shelter under a big tree. Due to his tiredness, he went to sleep. When he woke up, he found himself in a palace.

Just then, a servant told him to see his master. When he followed the servant to the adjacent room, he saw a monk with [a] long beard. The monk gave him a small book. In this book were found the things to happen in the future.

The following day, he was led by the monk’s servant to the other side of the mountain where the path in going was. When he reached home, he began studying the book. Time proved that the contents of this book were purely divination.

From this time on, to the present, divination has been handed [down] from generation to generation in various interpretations.

THE ORIGIN OF DIVINATION
(Tagalog)

Karaniwan na may nababalita tayo ng mga taong nakapagsasabi ng pinagdaanan at pagdadaanan pa ng iba. Ayon sa salaysay ng isang matanda, minsa’y sila daw ay namamaril sa bundok. Biglang nagdilim at nagkaroon ng malakas na hangin at ulan. Kaya’t napilitan siyang mangubli sa isang malaking punongkahoy. Sa tagal ng pagkakasilong nila’y napahimbing ang matanda. Bigla na lamang silang nakarating sa isang malaking tahanan na ang naninirahan ay mga taong mahahaba ang balbas. Siya ay naging kaibigan ng mga taong iyon. Sa loob ng panahong itinigil niya doon, siya’y nakagiliwan ng mga iyon. Kaya’t binigyan siya ng aklat na may lamang maraming bagay na magtuturo ng palatandaan ng nakaraan at pagdadaanan ng isang tao. Pagkatapos niyang matanggap iyon, siya ay inihatid ng mga kautusan ng mga taong may mahabang balbas. Noo’y natutuhan na niya ang pauwi. Nang siya’y makarating sa kanilang tahanan ay lagi na niyang binabasa ang aklat. Natutuhan niyang lahat ang laman ng aklat, kaya sa sandaling makita niya ang isang tao ay masasabi niya ang pinagdadaanan at pagdadaanan pa.

Doon nagsimula ang pagsasabi na may mga tao raw na nakapagsasabi nga ng nakaraan at pagdaraanan na hanggang ngayon ay umiiral pa sa lahat ng dako.

POPULAR GAMES

Sipa is an old, old game, but there was a time when the people

[p. 47]

did not know how to play it. The first game of sipa started one day when two girls began to quarrel over a basket. The basket is mine, said one girl.

“It is not yours. It is mine,” said the other.

When the other girl so that the other girl was becoming angry, she said, “It yes my basket, but you may keep it.” So, she kicked it to the other girl.

The girl was ashamed that she had quarreled with her neighbor over a little basket. Each one wanted the other one to keep the basket, [so] they kicked the basket back and forth. Soon, the people gathered around to see the kicking. They thought it must be fun, so they started to kick their baskets back-and-forth also. Before night, many people were kicking rattan baskets.

That was the beginning of the sipa game. Now, the people use hard rotten balls instead of the kind of basket that the two girls quarreled about.

MGA KARANIWANG LARO

Ang larong sipa ay nagbuhat sa dalawang batang nag-away dahil sa isang basket. Sa di sinasadyang pangyayari’y gustong masulo [ma-solo] ng isa ang nasabing basket, nguni’t ang isa naman ay ayaw pumayag. Kaya ang ginawa nila ay pinagkagisan ang basket at humantong tuloy sa kanila ang sipaan ng basket. Ang mga tao ay lumigid na sa kanila sapagka’t siya ay nasisiyahang manuod hanggang ito ay matutuhan ng mga tao at ikinasisiya naman nilang laruin.

At dito nagmula ang larong sipa.

THE FIRST GAME OF SINTAK

The game sintak originated from a place which is said to have been isolated, isolated in the sense could not travel from one place to another because transportation was not available.

But one day, while a little girl was playing near the road, it so happened that a bus passed by and the people were so anxious to look. The bus was over-speeding that some stones almost hit the people. What the small girl did was she tried to pick up some stones trying to go after the bus so as to let the driver understand what he had done, but unluckily, she was unable to catch up with the bus. She planned to go home so she put the stones in her pocket, but unluckily, the pocket had holes in it. The stones went out, so the girl got the stones and held them with her hands. As she was walking, she was holding the stones, throwing them one by one, up and down. The girl sat under a tree and there, she played with the stones until at last she discovered one this which was said to be indifferent. She enjoyed playing with [the] stones until at last, children gathered around her trying to look, but afterwards the children also played with her.

From now on, sintak is always played by children so as to enjoy.

ANG LARONG SINTAK

Ang larong sintak ay nagmula sa nang ang isang batang babae ay naglalaro sa tabi ng daan, kaunti nang tamaan ng bato. Nagkataong dumaan ang trak at sa di sinasadya ay tumilapon ang ibang bato. Ang ginawa ng bata ay pinulot at pagkatapos ay pinilit niyang maihagis ang bato sa nasabing trak. Ang bato ay hindi [curious word] kaya nahulog na muli. Ang ginawa ng bata ay pinulot uli at inilagay sa kanyang bulsa. Ang bulsa pala naman [ay] butas kaya nahulog na muli. Tinanganan na lamang ng bata ang mga bato at bago siya nagpatuloy nang paglalakad. Habang siya ay lumalakad ay inihahagis ng paitaas at pagkatapos ay sasambutin naman sa baba. Hanggang sa siya ay mapaupo at isa-isa niyang inihagis nang paitaas ang mga bato at tuloy sambot. Hanggang sa matutuhan niya ang larong sintak. At kung kaya hanggang ngayon ay nilalaro pa ng mga bata.

At dito nagmula ang larong sintak.

[p. 48]

Page 83. of the original text.

[p. 49]

PUZZLES AND RIDDLES

Puzzles

1. In the unknown 100th BCT, a major announced to his men.

“Privates can be promoted to sergeant through mental examination:

I have 9 stables, these stables are surrounded by [a] fence that it can accommodate exactly ten horses. Ten horses, it cannot be more or less. Anyone of you who can think in the length of time may be made sergeant as soon as possible.

Procedure:

Write the words ten horses.
Ten Horses.

Sa pangkat ng 100 BCT ay mayroong mga private. Ang mga private o ultimong sundalo ay binigyan ng isang pagsulit ng nakatataas.

Ako’y may siyam na kuadra, ang kuadrang ito ay nalilibot ng bakod alalaon baga’y hindi maaaring lagyan ng higit pa sa siyam na kabayo.

Bilang tanong o palaisipan, ang sampu kong kabayo ay ipasok sa siyam na kuadra nang hustong-husto at walang labis. Ang maka-isip ng paraan ay gagawin kong sargento bukas din. Paraang katulad ng nasa itaas.

2. I have one hundred centavos (₱1.00). Go to the market Pedro and buy one hundred pieces also. In the market, buy mandarin at 4 for 1 centavo, 15 centavos a mango and 2 centavos a banana. Pedro, make a discount to the seller, if not make an addition of 1 centavo.

Ako’y mayroong isang daang sentimos (₱1.00). Ikaw Pedro ay pumunta sa palengke. Ang isang daang sentimos na ito ay iyong ipamili. Isang daan din ang dami ng iyong pamimilhin. Sa palengke ay tigatlong bagol ang isang mangga, at 4 ang isang pera ng kalamunding, 2 sentimos ang isang saging. Tanong – ilang mangga? Ilang kalamunding? Ilan ang saging?
80 mandarin at     
3 mangoes at     
17 bananas at     
        ----
   100                                  
₱0.20
₱0.45
₱0.35
-----
₱1.00
3. May sampung baboy sa kulungan. Lumukso ang lima, ilan ang natira?
Sagot: Sampu
There are ten pigs in a pig pen. Five jumped, how many were left?
Answer: Ten
4. What is the very first thing that the carabao does [sees?] immediately at sunrise? (Shadow)
Ano ang kauna-unahang ginagawa [nakikita?] ng kalabaw pagsikat ng araw? (Anino)
5. There are two cats. One is facing the east while the other is facing the west. Why can they see each other? (Because they are facing each other.)
Mayroong dalawang pusa. Ang harap ng isa ay sa silangan, samantalang ang isa nama’y sa kanluran. Bakit sila nagkakakitaan? (Sapagka’t sila ay magkaharap.)

RIDDLES

 1.  May ulo, walang tiyan,
      May liig walang baywang.
(bottle) 1.  With head, without stomach,
      With neck, without waist.
 2.  Sa init ay sumasaya,
      Sa lamig ay nalalanta.
(acacia) 2.  Happy in the heat,
      In the cold is withered.

[p. 50]

 3.  Iisa na kinuha pa,
      Ang natira ay dalawa.
(tulya) 3.  One still was taken
      But still there were two.
 4.  Buto't balat nguni't lumilipad.(saranggola-kite)  4.  Bone and skin but it flies.
 5.  Takbo roon, takbo rito,
      Hindi maka-alis sa tayong ito.
(duyan-cradle) 5.  Run there, run here,
      Could not leave the place where it stands.
 6.  Nang umalis ay lumilipad,
      Nang dumating ay umuusad.
(ulan - rain) 6.  Flying when it left,
      Dragging when it arrived.
 7.  Hayan na hayan na,
      Hindi mo nakikita.
(hangin - wind) 7.  There it is, there it is,
      You don't see it.
 8.  May bibig, liig at katawan,
      Walang paa at kamay.
(botelya - bottle) 8.  With neck and body,
      But with no feet and no hands.
 9.  Hinila ang yantok,
      Nagdilim ang bundok.
(pag ibinababa ang ilaw upang patayin -  when the light is lowered to be put out) 9.  I pulled the rattan,
      The mountain became dark.
10. Bahay ng anluwagi
      Iisa ang haligi.
(bahay ng kalapati -  dove's cot)10. The house of the carpenter
Has only one post.
11. Naligo ang kapitan,
      Hindi nabasa ang tiyan.
(bangka - banca)11. The captain took a bath,
      Without wetting his stomach.
12. Bahay ko sa Pandakan,
      Malapad ang harapan.
(pantalan - wharf)12. My house in Pandacan
      Has a wide front.
13. Baka ko sa Maynila
      Abot dito ang unga.
(kulong - thunder)13. My cow in Manila,
      Can be heard here.
14. Tinaga ko sa gubat,
      Sa bahay umiyak.
(banduria - native guitar)14. I cut it with a bolo in the forest,
      But it cried in the house.
15. May puno, walang sanga,
      May dahon, walang bunga.
(sandok - ladle)15. There is a trunk but no branches,
      There are leaves but no fruits.
16. Naluluto'y walang init,
      Umaaso kahit malamig,
(yelo- ice)16. It can cook without heat,
      It smokes although cold.
17. Walang ngipin, walang panga
      Mainit ang hininga.
(gun - baril)17, It has no teeth, and no jaws
      Its breath is hot
18. Kahoy ko sa Lucena, may bulaklak,
      Ay baga bunga'y espada.
(puno ng kabalyero)18. My tree in Lucena has live charcoal
      For its flower and a sword for its fruit.
19. Munting tampipi
      Puno ng salapi.
(sili - pepper)19. Small chest is full of money.
20. Ang paa'y apat
      Hindi makalakad.
(hapag - table)20. It has four feet,
      But cannot walk.

PROVERBS AND SAYINGS

1. Ang kawayan, habang tumutubo, langit na mataas ang itinutoro,

Pag ito’y lumaki at saka lumago sa lupang mababa yumuyuko.

While the young bamboo grows, it points high up to heaven,
But when it grows old, it bends down to lowly earth.

2. Ang palalo’y walang tuto, sa hirap nanagano, api saan man patungo.
The arrogant is useless in poverty he dwells, everywhere he is despised.

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V | PART VI | PART VII | PART VIII | PART IX | PART X

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of the Municipality of Calatagan,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post