Calatagan, Batangas: Historical Data Part IV - Batangas History, Culture and Folklore Calatagan, Batangas: Historical Data Part IV - Batangas History, Culture and Folklore

Calatagan, Batangas: Historical Data Part IV

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

PART IV

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V | PART VI | PART VII | PART VIII | PART IX | PART X

Full transcription of the so-called “Historical Data” for the Municipality of Calatagan, Batangas and its barrios, the original scanned documents at the National Library of the Philippines Digital Collections not having OCR or optical character recognition properties. This transcription has been edited for grammar, spelling and punctuation where possible. The original pagination is provided for citation purposes.

Part IV of the Historical Data for the Municipality of Calatagan, pp. 31-36 of the Poblacion section

[p. 31]

song chords

[p. 32]

Origin of Magic

Once, there lived a family in the middle of a wide plain. It was composed of a father and mother and a son. They were poor but the parents were kind to their son. They wouldn't let him work though he was at the age to work. Day in and day out, the boy used to play.

One day while the boy was playing, a dwarf came and talked to him. They became friends. As time went on, the boy and the dwarf just played. At last, the boy named Roberto planned to work in their field. While the boy told this matter to his friend the dwarf, he gave him a white handkerchief. The dwarf said he could use it in many cases. Roberto worked in the field. He had a good harvest.

At last, his neighbor got envious of Roberto's success, so they planned to kill Roberto. But at every instance that his neighbors intended to kill him, he used to put his handkerchief on his head and the persons would not be able to see him. So, Roberto was always saved from the bad intentions of others. Until at last, his neighbors did never intent to kill him but made friends with him.

When Roberto died, he gave the handkerchief to his son, thus, that was the beginning of every magic.

Origin of Magic (Tagalog)

May isang mag-anak na nakatira sa gitna ng bukid. Kahit mamag-asawa at isang anak lamang ang namamahay dito sa pook na ito ay nakakarama din sila ng paghihikahos sapagka’t may katandaan na rin naman ang mga magulang ng naturang anak.

Isang araw, naisipan ng matang magulang mulu [phrase makes no sense, probably “batang magpunta muli”] sa darating pook na kanyang pinaglalaruan. Ang batang ito ay maghamaghapung naglalaro doon at kung makaramdam lamang ng gutom kaya siya uuwi. Araw-araw yan ang ginagawa niya. Kung dumating siya sa tahanan ay magiliw rin siyang pakakanin ng kanyang ina ang may katandaan na. Kung hapon ay dumating ang kanyang ama, siya rin ang unang itatanong sapagka’t mahal na mahal ang batang ito ng ama.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon. Ngayon, ang batang ito ay nasa ikalabing-apat na niya ang taon. Wala ring nalalamang trabaho ni tumulong sa matanda na niyang ama at ina. Nakalipas ang maghapon sa pagpapaupo-upo na lamang niya sa pook na karaniwan niyang pinaglalaruan noong siya’y bata pa. Maya-maya’y nakarinig siya ng mapino at matinis na boses. Nagpalinga-linga siya nguni’t wala siyang matagpuan. Sa kalaunan ay napadako ang kanyang paningin sa hapoy na punongkahoy at doo’y nakita niya ang isang taong maliit na maliit at matilos ang sombrero. Tinawag ang kanyang pangalan at sinabing magpakabait at magpakasipag na siya sapagka’t siya’y nasa husto nang gulang nag-usap ang dalawa at ipinangako ng batang tutulong na siya sa kanyang mga magulang. Sinabi naman ng taong maliit na bilang gantimpala ko sa iyo ng pangako at pagbabago ng isip ay bibigyan kita ng maliit at maputing panyolito wag mo namang gamitin sa oras ng iyong kagipitan. Sinabing huwag niyang ipagmamaka-ingay iyon. At kung panahon na siya’y nagigipit, ilagay lamang ang panyolito sa kanyang ulo at matutulungan na nga siyang maligtas.

Nagbagong buhay na si Roberto, ang batang dati ay walang nalalamang gawain. Siya na ang nagsasaka ng kanilang bukid at sapagka’t kinakasihan naman siya ng kapalaran ay naging masagana ang kanyang ani. Kung panahon ng kabungahan ng kanyang gulayin, ay siya’y nag-

[p. 33]

titinda ng kanyang gulayin, ay siya na rin ang nagtitinda sa pamilihang bayan. Ano ba’t kung dumarating na si Roberto ay parang bihag niyang lahat ang namimili at agad nauubos ang kanyang kalakal. Dahil sa mga pangyayaring iyon na malimit nasasaksihan ng lahat ang ibang ugali ni Roberto ay pinagtangkaan na siyang ng masama ng ibang mga tao. Kaya’t nang isang hapon na papauwi na siya buhat sa pamilihan ay hinarang siya ng ilang lalaki at sinabing ilabas ang lahat niyang salapi. Sa pagkakataong iyon ay nagunita niya ang kanyang panyolito. Kaya’t dumakot siya sa bulsa na akala naman ng masasamang loob na kinuha ang salapi ay di sila’y nangaghihintay. Nguni’t sa sandal palang iyon, ang dinukot ni Roberto ay ang kanyang panyolito at naipatong sa kanyang ulo sapagka’t kahit na pala puti ang panyolito ay hindi iyon nakikita ng kanyang kaharap. Kaya’t bigla siyang nawala sa paningin ng mga humarang sa kanya. Biglang nagtanungan ang mga masasamang loob at sinabing, “Ano kayang agimat ang hawak na iyon ni Roberto? Subukan uli natin ang kanyang galing.”

Samantalang nagsasaka si Roberto sa gitna ng kanyang bukid isang umaga ay muli na namang naglabasan ang marahil ay may dalawangpung tao at sinabing umuwi siya sa kanyang tahanan at bigyan sila ng maraming salaping naipon ni Roberto. Pinaawasan ang kanyang kalabaw at sapilitan niyang pinalakad na napapaligiran ng mga tao. Walang imik si Robertong sumunod. Nguni’t iilan pang hakbang ang nagagawa nila’y nawala na naman si Roberto. Sinaliksik nila ang gubat sa pagbabakasakaling makita nila si Roberto. Nagtaka naman sila’t wala naman silang nakitang taong tumakbo ay ano’t nawala si Roberto sa kanilang paningin. Hindi nila nalalamang iyo’y likha na naman ng panyolitong puti ni Roberto. Marami pang pagsubok ang ginawa sa kanya ng mga tao nguni’t isa man sa kanila’y hindi nagtagumpay. Kaya’t buhat noo’y kinaibigan na lamang ng bawa’t isa sa nayon si Roberto na unti-unti namang gumaling ang buhay. Hindi rin naman niya kinalimutang dalawin ang pook na kinatagpuan niya ng agimat na iyon. Hanggang sa siya’y tanghaling pinakamayaman sa nayong iyon na wala ring nakabatid ng puti niyang panyolito. Nguni’t siya’y iginagalang at minamahal ng kanyang [mga] kaibigan.

Origin of Divination

There once [was] a man living in a far place. He was respected by everybody in his town due to some characteristics possessed by that man. People wondered why this man could tell what had happened and would happen to [a] man whom he talked with though that man was not known to him. This characteristic of him was great to everyone, but how the man acquired it still made the people think deep and well. But according to this man, he was just awakened one morning with that characteristic. It was from his dream that from that time on, by looking at the person, he would be able to tell his past and his future. This was the origin of divination.

That practice of the man was proven by one who was new to this place, Calatagan. Because he was once able to meet the said man, and was able to tell his past and even his future. At first, he didn’t believe it, but when the year the man told him he would suffer from that sickness, he then believed and said he would always believe it. Thus, divination was known to the fore-seeing and foretelling of future events or discovering hidden knowledge and this was proven, said by one of the residents in this place.

Origin of Divination (Tagalog)

Matutunog na halakhak, awitin at tugtugan ang naririnig at masasaksihan sa isa sa mga bahay sa gitna ng kabayanan. Doon pala’y nagdaraos ng isang kasayahan bilang pasasalamat sa pagtatapos ng isa sa mga anak ng inang nakaririwasa sa bayang ito. Katatapos lamang ng naturang anak sa paggagamot. Maraming panauhin sa tahanang iyon na nagbuhat pa sa iba’t-ibang bayan.

[p. 34]

Origin of Divination (Tagalog – Cont’d)

Iyo’y mga kaibigan at kakilala ng kilalang angkang ito.

Sa ilalim ng isang punongkahoy sa loob ng maluwang nitong bakuran ay masasaksihan ang may anim na lalaki na maligayang nag-uusap. Doon sa umpokang iyon ay kabilang ang punong-guro sa bayang iyon na nagkaroon ng kakilala sa pagtitipon-tipon. Kaya’t nakilala nga sila doon at nawiling mag-usap ng tungkol sa paaralan at pamumuhay sa bayang iyon. Nguni’t sa lubhang nagtatagal ang pag-uusapan nila ay sinabi sa punong-guro ng isang lalaking may matipunong pangangatawan at mukhang maginoong kumilos na ang punong gurong noon lamang niya ang nakita at makilala ay nagtataka sa mga sasabihin ng taong ito sa kanya. Matamang pinagmasdan ng punong-guro ang naturang lalaki. Ang sabi ng taong ito, “Kayo sa pagsapit ng humigit kumulang na apatnapu’t-limang taon ay magkakaroon ng isang karamdaman na sakit sa tiyan na pagdaranasan ninyo ng katakut-takot na hirap. Manghihina kayong lubha.” At ang pinagdaanan ng taong kausap ay nasabi rin lahat.

Lumipas ang mga taon at nasapit nga ng punong guro ang sinabi ng taong yaon. Kaya't napatunayan niya ang totoo ang pinagsasabi sa kanya.

Popular Games and Amusements – When Held and Why

1. Huego de Prenda – This is one of the games played in this place especially in the house where someone died. It is a popular game which is usually joined or played by ladies and gentlemen. This game is played for the purpose of enjoyment in the barrio while they are still waiting for the old people to pray for the dead. Another purpose why this kind of game is played is to give happiness to the members of that family and to make them forget their sorrows about the death of one of the members of their family.

(Tagalog)

Ang juego de frenda ay isa sa mga karaniwang larong ginagawa sa tahanan ng isang namatayan lamang. Iyon ay ginagawa ng mga taong nakikiramay sa dalamhati ng kasambahay ng namatay upang aliwin sila sa kanilang mga kalungkutan.

2. Sintak –This game is usually played by the schoolchildren in the months of January & February. It is played to spend their leisure time and for enjoyment.

(Tagalog)

Ang larong sintak ay karaniwan sa mga batang nag-aaral. Ito ay ginagawa nila sa mga buwan ng Enero at Pebrero, at sa mga oras na sila’y naghihintay ng oras ng pasukan.

3. Sunka – This is another game popularly played by old and young at home. They play this anytime because, as old people, they can no longer work hard tasks, so they just spend their time playing sunka.

(Tagalog)

Ang sunka ay laro ng mga matatanda sa kanilang tahanan. Sapagka’t sila’y matatanda na, kaya’t inaaliw na lamang nila ang kanilang sarili sa ganitong laro.

4. Cockfight – This one form of amusement [is] common in this locality. Because in other places, this kind of amusement was once held so the transfer of it here is just by imitation. It is held during the dry months and is true or done by old persons for enjoyment.

[p. 35]

Sabung

Ang aliwang pagsasabong ay hinango o ginaya na lamang ng mga taga-rito sa ibang bayan kaya’t ang aliwang iyan ay pinagka-ugalian na nitong gawin dito kung panahon ng tag-init upang pawiing paminsan-minsan ang kanilang pagod sa maghapong paggawa sa bukid. Iyon ay ginagawa ng mga husto sa gulang, hindi angkop sa mga bata.

Puzzles and Riddles
1. E. With head, without stomach, with neck, without waist.
T. May ulo, walang tiyan, may leeg walang baywang.
2. E. Flying when it left, dragging when it arrived.
T. Nang umalis ay lumilipad, nang dumating ay umuusad.
3. E. Deep when decreased, shallow when increased.
T. Malalim kung bawasan, mababaw kung dagdagan.
4. E. There is a trunk but no branches, there are leaves but no fruit.
T. May puno, walang sanga, may dahon walang bunga.
5. E. It has no teeth and no jaws, its breath is hot.
T. Walang ngipin, walang panga, mainit ang hininga.
6. E. My tree at Lucena, has live charcoal for its flowers, and a sword for its fruit.
T. Kahoy ko sa Lucena, bulaklak ay baga, bunga’y espada.
7. E. One battalion of soldiers, has only one corporal.
T. Isang batalyong sundalo, iisa ang kabo.
8. E. While the boat is moving, the pilot is lying down.
T. Lumalakad ang bangka, ang piloto’y nakahiga.
9. E. I have a pet animal whose eyes are bigger than the knees.
T. May alaga akong isang hayop, malaki pa ang mata kay sa tuhod.
10. E. Gold wrapped in silver, silver wrapped in leather.
T. Gintong binalot sa pilak, pilak na binalot sa balat.
Puzzles
1. E. I saw 8 pig in the pigpen. I went near it. One of them jumped. How many were left?
T. Mayroong walong baboy sa ulbo. Nilapitan ko. Lumukso ang isa. Ilan ang natira?
2. E. For example last week, I planned to go to Manila. I left Calatagan riding on the B.T.Co. I passed Lian. I dropped at Palico. When the bus left, I rode again. I reached Manila. I dropped at the station. I saw many people there. Where am I now?
T. Halimbawa nagpunta ako sa Maynila noong isang linggo. Sumakay ako sa B.T.Co. Nagdaan kami sa Lian. Nang dumating sa Palico ay bumaba ako. Nang aalis na ang truck ay sumakay ulit ako. Dumating kami sa Maynila. Bumaba ako sa istasyon. Marami akong nakitang tao doon. Nasaan ako ngayon?
3. E. Everybody is busy preparing for the fiesta. In every house, everything is prepared. Good food, especially. There is a nice preparation in my house, in my sister’s house and in all my neighbors. But the house nearest your house is not well-prepared. When will you come up?
T. Lahat ay abala sa paghahanda. Bawa’t tahanan ay naghahanda ng masasarap na pagkain. Sa amin ay masasarap na pagkain ang inihanda, sa bahay ng kapatid ko’t sa alin man sa aming kahanggan ay gayon din. Nguni’t sa bahay na pinakamalapit sa inyo ay hindi kasing sarap ang handa ng sa amin. Ngayon, saan ka papanhik?
Proverbs and Sayings

1. A hero who is wounded acquires greater courage.
Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang

[p. 36]

Proverbs and Sayings (Cont’d)
2. Agility and bravery are the shields of the body
Ang kagitingan at katapangan ay armas ng katawan.
3. One won’t attain success if one doesn’t take the risk.
Kung hindi ka magtitiyaga, hindi ka magkakamit pala.
4. If there is hardship, there is happiness.
Pag may hirap ay may ginhawa.
5. Make the best of time, as time lost is never found.
Piliting bawa’t oras na mawaglit
ay may magandang bungang ibabalik
Sapagka’t ang oras na mawaglit Ay hindi na magbabalik.
Methods of Measuring Time

1. Sounds made by the bird named “sabukot.”

Usually, people in the barrios and in the mountains do not have watches, but they can tell time by the sounds made by this bird sabukot. According to them, when this bird makes that sound, it is already five o’clock in the afternoon.

Karaniwang sa bukid ang mga tao ay walang orasan, kaya’t ang ginagamit lamang nila ay ang huni ng ibong sabukot. Ayon sa karanasan ng marami, pag humuni daw ang ibong iyon ay ikalima na ng hapon kaya’t kung sila’y nagsasaka ng bukid, kailangang itigil na nila sapagka’t hapon na.

2. Flower of the “patola.”

According to experience common to the people in the barrio, when this plant patola closes their flowers, it is already six o’clock so it must be the time for them to pray the Angelus and then have their supper because it is getting dark.

Ayon sa mga karanasan na pag-ikom daw ng bulaklak ng patola ay nangangahulugang ika-anim na ng hapon.

3. The Sun Directly above the Head.

To determine the time when it is twelve o’clock, it is to look at the sun but it is very difficult, so look at your shadow and when it is already at your side, it is twelve o’clock because the sun is direct to us.

Karaniwang pag tirik na raw ang araw, iyon nangangahulugang ika-labing dalawa ng tanghali.

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V | PART VI | PART VII | PART VIII | PART IX | PART X

Notes and references:
Transcribed from “History and Cultural Life of the Municipality of Calatagan,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post