Calatagan, Batangas: Historical Data Part II
PART II
PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V | PART VI | PART VII | PART VIII | PART IX | PART X
Full transcription of the so-called “Historical Data” for the Municipality of Calatagan, Batangas and its barrios, the original scanned documents at the National Library of the Philippines Digital Collections not having OCR or optical character recognition properties. This transcription has been edited for grammar, spelling and punctuation where possible. The original pagination is provided for citation purposes.
Part II of the Historical Data for the Municipality of Calatagan, pp. 11-20 of the Poblacion section[p. 11]
Pagdating ng hilot ay karakarakang hinihipo ang tiyan ng buntis at sasabihin na ang buntis ay nag-aantay ng taog o sulong ng tubig sa dagat. Pag inaakala na nasulong ang tubig ay gagawin sa buntis ay paiinumin ng hilaw na itlog at saka gugong tinadtad. Pag halos lalabas na ang bata at hindi magpatuloy ay sasabihan agad ng matatanda na buksan ang baul, aparador at sirain ang damit na suot. Kung hindi magpatuloy ng paglabas ang bata, ay ang singsing at arillos ng nanganganak ay kinukuha ng asawa upang magpatuloy ang paglabas ng bata. Pag lumabas na ang bata, hinihilot ng kaunti ang ina upang lumabas ang inunan ng bata. Pag labas ng inunan, ito ay isinisilid sa baso na may kasamang papel at sinulat upang ang bata raw ay maging matalino. Ang baso na may lamang inunan ay sa tapat ng balisbisan ibinabaon upang huag maging ginawin ang bata.
(English)
If the expectant mother gives signs of her delivery, a midwife will at once be called. If the midwife arrives and the mother has not delivered yet, she will tell that the expectant mother is just waiting for the high tide. If the time for the high tide comes, a raw egg mixed with gogo juice will be given to the mother. If the baby could not be delivered yet, the midwife will order to have the trunks and aparadors [be] opened. The clothing that the mother is wearing will be also destroyed. If after doing all these things [and] still the baby will not come out, the husband will get the ring and earrings of the mother.
Upon delivery of the mother, the placenta (inunan) will be put in a glass together with a piece of paper with some writings with the belief that this practice will make the child intelligent. The glass where the placenta and the piece of paper are placed will be buried just in the ground where the rainwater from the roof of the house is falling. This is done so that the child will not be always suffering from cold or feel chilly during cold weather.
Baptism (Tagalog)
Pag mahusay ang bata at mga ilang araw ang nakaraan, ang ama at ina ay nag-uusap tungkol sa mag-aanak sa bata. Bago binyagan ay ang karaniwang ginagawa ay binubuhusan ng tubig at nang upang maging Kristiyano daw ang bata. Ang magulang ng bata ay naghahanda rin ng kaunti upang magkaroon ng pagsasaluhan sila.
Sa pagbibinyag naman ay ang karaniwang ginagawa ay may handaan Kung bukas ang binyag ng bata, itong araw na ito ay may inihahanda na ang magulang ng bata para sa sabit ng mag-anak. Kinabukasan ay ipapasok sa simbahan ang bata upang binyagan ng pari. Kung maraming kasabay at mga babe, pagkatapos na pagkatapos ng binyag ay itatakbo ng padrino ang bata palabas upang maging una, sapagka’t para huag daw maging binabae ang bata. Habang daan ay ang padrino ay magsasabog ng pera. Pagdating sa bahay ay likit na sayawan at kantahan.
Pagkatapos at uuwi na ang padrino, siya ay mayroong iiwan sa bata na nakalagay sa sobre at iyon ay pinapakimkim ng nag-anak.
(English)
After the delivery and the child is alright, the couple will have a talk between themselves only to determine who will be the godfather or godmother. Then, the one selected will be informed accordingly.
During the baptism of the child, a little water will be poured over the head to make the child a true Christian. A party always compliments the baptism where people are invite to dine.
After the baby is baptized [in a] ceremony by the priest in the church and there [were] many children baptized, usually each rushes to be the first to come out of the church especially if the baby is a boy. This being done so that the baby boy will not be a torn-girl [tomgirl?] when he grows old.
[p. 12]
Customs and Practices in Domestic and Social Life
Courtship
Mga Ugali at Gawain sa Pagliligawan
Nang panahon ng ating mga nuno ay lubos ang kanilang paniniwala sa kasabihang Diyos Ama ang dapat panaligan ng lahat ng sandali ukol sa tibok ng puso, kaya’t sa lahat ng sandali’y ang ama ng babae ang inuukulan [inuulukan?] sa pagliligawan. Siya ang higit na tinitimbangan ng binatang lumiligaw, sapagka’t nasa kanya ang susi ng pagkaka-asawa ng anak na babae.
Narito ang ilan sa pinakamatandang kilos at ugali ng panahong yaon sa pagliligawan.
1. Na ang isang binata, kapag natanawan ang bubungan o alin mang bahagi ng bahay ng babaeng nililigawan, ay dapat siyang magpugay ng kahit anong suot sa ulo para ipakita ang higit siyang gumagalang sa angkan ng babae.
2. Na kapag ang isang lalaki ay pumanhik sa bahay ng dalaga upang makausap ito ay dapat siyang lumuhod ng lubos, alalaon bagay tiklop-tuhod at halukip ang kamay sa paghalik sa kamay ng ama ng dalaga. Na kung ang binata ay hindi luluhod ng lubos at hahalik ng kamay ay kamuhian siya ng ama at kailanma’y hindi na siya muling makakabalik pa.
3. Sa pag-uusap ng dalaga at binata ay laging kaharap ang magulang upang huwag makagawa ng anumang labag sa kanilang kalooban ang lalaki at babae.
Marriage
Sa Pag-aasawa
Isa sa pinakamaselan na bagay ang pumasok sa pangangasawa ng panahon ng ating mga nuno sapagaka’t nang panahong iyon ay ang higit na sinusuyo ay ang magulang ng babae at ang mga angkan nito.
Sa sandaling ang lalaki ay nakasundo ng babae na karaniwan ay bumibilang ng ilang taon ang ligawan ay nagpapakita ito ng kaibig-ibig sa pamamagitan ng pagdadala ng panggatong, pag-iigib, pagtulong sa anumang gawain sa bahay at sa paglulupa. Sa kanyang gawaing ito ay pinagkaka-ugalian na ang higit na pag-iingat sapagka’t ang ano mang kilos na hindi magiging kaibig-ibig sa magulang ng babae ay kasawian niya. Halimbawa ay sa paglalagay ng tubig sa tapayan o galong ay unti-unti upang huag matapon ito o dili kaya’y huag mabagsak ang lata at kumalantog sapagka’t hindi magkakagayo’y diumano’y siya’y galit o nadabot kung kaya’t maaaring patigilin siya sa kaniyang panunuyo o pakikitungo sa babae.
Sa paglalagay naman ng panggatong sa ilalim ng kalan o tunko ay dapat lagutin ang tali upang maipakita niyang kaniyang ibinibigay ng buong puso ito, sapagka’t kung hindi niya lalagutin ang tali ay nagpapakilalang ayaw niyang ipagatong ang kahoy, kaya’t maaaring ito’y ipabalik sa kaniya.
Pagkatapos ng ilang buwan niyang pagpapakita ng kaibig-ibig ay saka pa lamang siya tatanungin ng magulang ng babae at ipatatawag ang magulang niya.
[p. 13]
Sa pagpunta sa bahay ng babae ng magulang ng lalake ay taglay nila ang ilang manok, panggatong, bigas, at iba’t ibang uri ng kakanin na may kasama pang ilang takal na tulia [tulya] upang kanin ng mga anak ng babae. Sa pamumulong na iyan ay hihingi naman ng kaukulang halaga, o dili kaya ay bahay o ipaaayos ang alin mang bahagi ng bahay ng magulang ng babae. Dito na rin itinatakda ang araw, buwan, at taon na dapat pagkasalan. At sa pagtatakdang iyan ay totoong napakarami pa ang mga pamahiing dapat igalang. Ang ilan sa mga iyan ay ang pagpili ng araw na masuwerte, sa ang buwan ay sa palaki o pabilog at kailangan ay walang kapisan sa taong pagkakasalan. Hindi pa rin maaaring papag-asawahin ang bunso sa kapwa bunso o ang panganay sa kapwa panganay sapagka’t nagpapanalo daw diumano kaya’t maaaring mamatay agad ang isa.
Kapag naayos na ang lahat, ang dapat pag-usapan ay ang ukol sa handa, sa araw, buwan at taon ng kasal ay sisimulan na ng lalake ang tinatawag na pagsisilbi. Dito ay gagawin niyang lahat ang pag-iigib, paglilinang ng lupa, pagkuha ng panggatong at pagsibak nito. Doon na rin siya titira o titigil sa bahay ng babae habang siya’y nagsisilbi na karaniwan ay tumatagal ng isang taon o hanggang tatlong taon.
Visits
Pagbibisita
Ang pagdalaw sa isang dalaga, kaibigan at kamag-anak noong unang panahon ay halos hindi nababago ng pag-unlad ng kabihasnan sa panahong ito.
Bago pumanhik ang isang dumadalaw ay tumatawag muna sa puno ng hagdan ng “tao po.” Hindi karakarakang nakakapanhik ang isang nadalaw hangga’t hindi naririnig ang tugon ng nasa bahay na “tuloy kayo.”
Pagpanhik ng isang dumadalaw sa itaas ng bahay o sa loob ng kabahayan ay nagbibigay ng magandang gabi o dili kaya ay humahalik sa kamay ng matatanda. Pagkatapos alukin na umupo ay karaniwan na binibigyan ng pamatid uhaw ang panauhin.
Bago manaog ang panauhin ay nag-iiwan muna ng mga katagang, “Ako po ay magpapaalam na.”
Death and Burial
Ang Pagkamatay at Paglilibing
Noong unang panahon, ang paglilibing sa bayan ng Calatagan ay maaaring kaiba kaysa kinagawiang paglilibing na ginaganap sa ibang karatig na mga bayan.
Sa Calatagan, bago ipanaog ang bangkay ay pinagdadasalan muna ng patungkol sa namatay. Karaniwan ang bankay ay nasa loob ng isang ataul, na niyari ng mga niyakag lamang na panday na di tulad sa ibang bayan na ang ataul ay nabibili.
Pagkatapos na makapagdasal na patungkol sa namatay ay ipinapanaog na ang bangkay sa loob ng ataul at pagkatapos ay binubuhusan ng isang tabong tubig ang hagdang pinagpanaugan ng patay. Itinutuloy ang bangkay sa loob ng simbahan at pinabibindisyunan sa isang pari na alagad ng simbahan.
Ang karaniwang pagdadala ng bangkay sa libingan ay pasan ng mga taong kusang loob na tumutulong. Pagdating sa libingan ay muling pag-uukulan ng dasal ang patay bago ihulog sa hukay.
[p. 14]
Bago ihulog ang bangkay sa hukay ay pinalalakdawan muna sa ibabaw ng ataul ng mga anak na naiwan nito o dili kaya ay mga kapatid na maliliit upang sa gayong paraan ay huag maghirap ang kaluluwa ng namatay sang-ayon sa sabi ng matatanda.
Pagkahulog ng ataul sa hukay, ang mga nagsidalo sa libing ay nagsisidampot ng isang kipil na lupa at inihahagis sa ilalim ng hukay kasabay ng wikang dalhin mo nawang lahat ng sakit sa iyong libing.
Punishments
Parusa
Maraming uri ng mga parusa ang nasaksihan ng mga taga-Calatagan noon ng Kastila. Lubhang malulupit at nakapipinsala ng katawan ang mga nasabing parusa, kaya naman hanggang sa mga panahong ito ay nasasabi pa sa mga kabataan ang mga parusang ginawa noong panahong iyon.
Ang isa sa mga pinangingilagang parusa ng Kastila ay ang pagtiklop ng mga kuko sa mga daliri ng isang nagkasala. Tangi sa rito’y marami pang ibang parusa ang nilalapat ng mga Kastila sa mga nagkakasala, katulad halimbawa ng mga sumusunod:
1. Pagpalo ng latigo sa katawan ng isang taong nakagapos sa initan ng araw. Ang karaniwang bilang ng palo ay dalawampu’t limang haplit.
2. Pagpapa-init sa nagkasala sa ilalim ng arawan sa loob ng isa o tatlong araw.
3. Pag-ipit ng leeg sa garote.
Ang nasabi sa itaas ay ilan sa bumubuo ng mga parusang ginagawa ng mga Kastila noong kapanahunan nila.
English Translation
Courtship and Marriage
1. When asking a girl to attend a party, the boy invites the parents of the girl first. When she attends parties, she is always accompanied by a relative as her chaperon.
2. The wife holds the purse and gives out the money. She is responsible for keeping the home.
3. Friends and relatives give gifts to the young couple.
4. The whole family considers the courtship and possible marriage of the marriageable members.
5. The parents must sanction the marriage. Couples who marry contrary to the parents’ wishes are liable to be disinherited.
[p. 15]
Death and Burial
There are different ways to show that a family has been bereaved. The female members of the family wear black dresses, usually for one year. The mean wear arm bands or black ties or put a small black piece of cloth over their hearts. Relatives of the deceased wear black clothes. The family of the deceased serves refreshments to those who come to mourn. They watch and stay awake the whole night before burial. Prayers are offered for nine days for adults. Four days are observed for younger children.
One of the most horrible ideas associated with death is that of the deceased is a mother and has left behind her several small children. She will either try to take them with her to the other world or haunt them until they fall sick and die also. To offset this horrible possibility, before a grave is covered, the surviving children are passed over the open hole. One relative stands to one side of the grave while another waits on the other side. The babies and small children are then transferred one by one, from one relative to the other. Another is the surviving child is either dressed in red dresses or wrapped in [a] red blanket for the same reason.
Visits
The custom of visiting a girlfriend, relatives, and friends during the Spanish time is not changed even by the gradual advance of civilization, especially in the town of Calatagan.
Before a visitor could enter a house of anybody he is visiting, the first thing that a visitor must do is to say “Tao po” at the foot of the stairs. He has to wait for the owner of the house to say “Come in” before a visitor could go up and enter the house. As soon as he enters the room, he must greet the elders politely. He sometimes kisses the hands of the elders. He is then given a seat and is offered refreshments.
In going home, before the restore could leave the home office host, he has to say “Goodbye” in a very courteous manner.
Punishments
Various kinds of punishments wear inflicted by the Spaniards upon the Filipinos during the former’s regime. The punishments were so inhuman that it took several hundreds of years before the Filipinos could erase from their minds those brutalities done by the Spaniards.
Among those punishments, there was one which the Filipinos dreaded most. It was the removal of fingernails from [the] hands and feet of the guilty one.
The following were some of the medieval punishments from which the Filipinos suffered much.
1. The weeping of a prisoner while he was tied to a post.
2. Hog-tying the prisoner and left unsheltered under the sun for two or three days.
[p. 16]
3. “Garrote” – that is, squeezing the neck with an iron collar until the man died.
Those mentioned above were only some of the few punishments experienced by the Filipinos at the hands of the Spaniards.
Myths
(In Nat. Lang.)
Noong unang panahon, ang mga Pilipino ay naniniwala sa isang makapangyarihang Diyos at nasa ilalim niya ang ibang mabababang Diyos na gaya nina Lalahon, diosa ng mga ani at apoy, Diana, diosa ng pag-ibig at balangao, diosa ng mga balangao.
Ang mga tao noon ay sumasamba rin sa araw, sa buwan at sa mga tala at bituin. At magpahangga ngayon ay tinatawag na mga diosa ang mga tala gaya nina Hupiter, ang hari ng lahat ng mga diosa, Venus, diosa ng kagandahan, Diana, diosa ng pag-ibig at Mercuryo, diosa ng lakas.
Mayroong isang kwento bagay sa isang diosang [dios] nagngangalang Hercules. Siya ay anak ng hari ng mga diosang si Hupiter.
Noong kauna-unahang panahon, mayroong isang makapangyarihang Diyos. Isang araw, siya ay nakasakay sa kanyang karwaheng ginto. Napadaan siya sa tapat ng isang malapalasyong tahanan ng isang mandang [magandang?] mutyang nagngangalang Almina. Humanga siya dito at init [ibig?] niya ito sa una pa lamang pagkakita niya rito. Kanyang ipinagtapat ang kanyang pag-ibig dito at pinagpilitan niyang mapa-ibig ito. Di katagalan ay nagka-ibigan sila. Nalaman ito ng reyna ng mga diosang si Huno. Nagalit ito at sinumpa si Almina at sinabing maghihirap ito sa pagluluwal ng sanggol at gayon nga ang nangyari.
Si Hercules ay lumaki na malakas at makapangyarihan, pagka’t nang malaman ng mga diosa ang pagkaluwal sa kanya ay nagsidalaw ang mga ito at nagsipagbigay ng kani-kanilang alaala. Binigyan siya ng mansanas na ginto ni Venus, ang kay Minerva ay karunungan at kay Mercurio ay bilis at lakas na siyang taglay ni Hercules.
Myth
(In English Trans.)
During the olden times, Filipinos believed in the existence of a supreme God called Bathala and under him were the lesser gods and goddesses among whom were Lalahon, the Visayan goddess of harvest and fire, Diana, the deity of love and Balangao, the god of the rainbow.
People also venerated the sun, the moon and the stars. And even at present, stars are said to be [gods and] goddesses such as Jupiter, the king of all the gods, Venus, the goddess of beauty, Diana, the goddess of love and Mercury, the goddess of strength.
There was [a] story about a god called Hercules. He was the son of King Jupiter.
[p. 17]
[A] Long, long time ago, there was a great king. He was the greatest of all the gods and goddesses.
One day, he was riding on his golden chariot. He passed by a beautiful mansion owned by a very beautiful woman called Almina. He admired her and loved her at his very first sight of her. He told her about his love and tried to win her. Soon, they fell in love with each other. [The] Goddess Juno, the queen of all gods and goddesses, felt jealous and became angry upon knowing their relation. She cursed Almina and told her [that] she was going to suffer in giving birth to the child. And when Almina gave birth to Hercules, she suffered very much as Juno head said.
Hercules grew to be a very strong, powerful god because when the goddesses and gods heard about his birth, he was given by the goddesses gifts.
Venus give him a golden apple, Minerva game knowledge and Mercury shared [with] him his strength.
Pinagmulan ng Pook “Kay Bungo”
Sa layong humigit kumulang sa pitong kilometro, sa may gawing hilaga ng kabayanan ng Calatagan ay may isang pook na bagaman di gaanong kagandahan ay nakakatawag ng pansin ng sino man upang magtanong sa sarili kung bakit ang pook na iyon ay tinawag ng gayong nakapanghihilakbot na pangalan. Ang pook “Kay Bungo” ay namamagitan sa dalawang pampang na pinagsasadya ng mga kabataan tuwing sasapit ang kaarawan ni San Juan. Ito’y nahahati sa dalawang bahagi, sa gawing silangan ay napapaligiran ng makapal na latían at sa gawing kanluran naman ay katihang nakaharap sa Dagat Tsina. Kung papaano tinaguriang “Kay Bungo” ang pook na iyon ay isang kuwentong nagpasalin-salin na sa mga lahi.
Noong ang Calatagan ay isa pang ilang na kalawakan ay mayroong punong makapangyarihan na nagngangalang Gat Lipana. Siya ay sinasampalatayanan di lamang ng kanyang nasasakupan kundi pati na ng mga tao sa kanugnug pook na umaasa sa kanyang pagtangkilik. Sila ay namumuhay na matahimik at walang pinangangambahan kundi ang paminsan-minsang pagsalakay ng mga Moro na naglipana sa gawing hilaga ng pook na iyon. Sariwa pa sa kanilang alaala ang Ilang nagdaang panahon na ang isang pangkat ng mga Moro ay sumalakay at madalang bihag ang mga anim na dalaga. Ganyan ang buhay ng mga tao doon. Sa tuwing papasok sa kanilang gunita ang pangyayaring iyon ay na titigil sila ng pangamba ang kanilang mga puso.
Isang gabi ng kabilugan ng buwan, tahimik na nun sa pook na iyon ay nagising na lamang ang buong kaharian sa isang babala, babala ng di malimot-limot ng puno buhat ng huling sumalakay ang mga kaaway. “Mga Kaaway,” sigaw ng tanod samantalang mabilis na tumakbong papunta sa kinalalagyan ng batingaw upang paluin ito ng ubos kaya niya.
Ang puno na nabahala sa gayong babala ay mabilis na kumilos at nagpasya. Tinipon ang kanyang mga kawal at nagsilakad sila upang pumunta sa may dalampasigan.
[p. 18]
Doo’y nakita nila ang limampung sasakyang dagat ng mga Moro sa gawing kanluran na ang tinutungo ay kanilang kinalalagyang dalampasigan.
Bago nakalipas ang isang oras ay isang nakakabmal na labanan ng dalawang pangkat ang namayani. Mga ingay at kalastian ng kampilan at nakalulunos na daing ng mga sugatan ang narining sa magkabikabila. Nagpatuloy ang paghahamok ng tatlong oras. Walang makatiyak sa magkabilang panig ng kapanalunan. Nagsasalimbayan ang mga pana sa itaas. Natina ng dugo ang buhanginan.
Si Gat Lipana na nasasandatahan ng sinampalok ay laging nanggigitna sa pakikipaghamok sa kaaway. Nguni’t magpakalakas-lakas man ang isang tao ay walang makapagsasabing di magagapi at laging mananatiliang kanyang lakas na gaya ng kanyang hangad.
Sa kalaunan, ang kakaunting tauhan ni Gat Lipana na natira ay nahina at nang dumating ang sandaling isa man ay walang nakaligtas. Ang buhay ng magiting na pinuno ay natapos sa dati’y matahimik at masaganang pook. Humanga ang mga Moros sa ipinamalas na kagitingan niya kung kaya’t ang kanyang bangkay ay nilibing sa kanyang kinatimbuwangan. Nagsi-alis ng madalian ang mga Moro sa takot na magsidating at maghigante ang mga tao sa karatig na pook.
Magmula na noon ay wala nang nangahas pumasok sa pook na iyon sa paniwalang kung tahimik na ang dagat ay may maririnig na kalastian at isa pa ay na iyon ay walang tumitirang tao sapagka’t napakalayo sa kabayanan.
Sanay nalimutan na ang kwentong ito kundi lamang sa isang taong dahilan sa paghihikahos sa buhay ay naka-isip maggala at humanap ng ipagtatawid-gutom at napagawi nga sa pook na ito.
Isang araw, itinaboy ng paghahangad mabuhay at naka-isip gumala at humanap ng makakain ay lumakad na walang nalalamang kahahantungan hanggang sa makarating sa isang pook na maalimango. Nalaman niyang maalimang [maalinmang?] doon kaya’t dumukal siya ng dumukal sa buhanginan sa pag-aakalang mayroong alimango sa butas, nguni’t anong panggigilas niya at laking takot ang sumakanya ng tumambad sa kanyang mga mata ang di inaasahang bungo ng isang tao. Dali-dali siyang umuwi at ibinalita sa mga maraming nakikinig. Ang balita ay kumalat at lumaganap na parang apoy sa buong bayan. Sa pagsusuri ay napatuyaang ang bungo ay kay Gat Lipana na nasawi sa kamay ng mga Moro. Matagal nang panahon ang nakalipas. Napatunayang ang bungo ay sa nasawing si Gat Lipana dahilan sa suot nitong hikaw na bakal at pulceras at iba pang gamit noong panahong una.
Magmula na ng mahukay ang bungong iyon ay naging “Kay Bungo” na ang pook na iyon. Kahit mga bata ay sasagot ng “Kay Bungo” kung tatanungin kung saan nakakakuha ng ipinagbibiling suso sa bayan.
The Legend of “Kay Bungo”
(English Translation)
Some seven kilometers to the south of the poblacion of Calatagan is a place which though not perfect in its beauty will arouse the curiosity of anyone why such a lonely and melancholy spot ever adopted a name so frightful yet interesting. The place “Kay Bungo” as it is popularly known among the townsfolk, is between two swimming resorts of young men and women whenever the day of Saint John comes annually. It has two distinct divisions with a swamp of
[p. 19]
abundant mangroves on the eastern side and a sand-paper like beach on the western portion facing [the] China Sea. How the place got its terrifying name is a legend handed down from generation to generation.
Way back when Calatagan, save the western shore, was an immense wild waste, there stood on what is known as “Kay Bungo,” a village under a chief named Gat Lipana, known for his prowess. He was idolized not only by his tribe but also by the neighboring villagers who were dependent on his trustworthy protection. They lived peacefully among themselves and feared nothing except the occasional raids of the Moros who roamed the distance south. The memory was still fresh in their minds when several years ago, a band of Moros invaded their place and carried away captives of half a dozen young women.
Such was the life of the villagers. Now and then, terror seized their hearts whenever this incident came to their meditation.
One evening, when the whole village was enveloped by the brilliant rays of the moon and buried in deep slumber of the night, the entire settlement was awakened by the astonishing cry of the sentinel, a precaution which the chief had never neglected since the last raids. “Enemies!” shouted the guard as he run to the gong and struck it with all his might.
The, touched by this warning, summoned all his warriors and marched down the seashore where they saw silhouetted against the western horizon, fifty Moro vintas en route to their beloved shore.
Before an hour had passed, there was a terrible fighting between the two mighty forces. Nothing could be heard, except [the] chasing of Kampilan and the moaning of the wounded. They fought for three hours, but could [not] assure victory. Here and there, arrows and lances flew. The sand was carpeted with human blood and the water nearby was tinged with red. Gat Lipana, armed with sinampaloc and fighting up with his famed skill, was always in the midst of his enemies. But alas! Powerful as he might be, his strength could not last as long as he wished. Finally, his outnumbered men gradually weakened until not a single man was left standing. Thus, the life of Gat Lipana, a brave chieftain, ended in the place which was once a peaceful and prosperous village. Moved by his courage, the Moros buried him in the sand where he fell, after which they hastily sailed away fearing the vengeance of neighboring tribes.
Since then, no one dared enter this village because it was the common belief of the people that a scruch [?] could be heard especially at night when the she was very calm. Beside these incidents, the distance from the poblacion caused the unsettlement of the place even nowadays.
This anecdote would have been forgotten by the populace had it not [been] for the man who, unable to pursue [his] livelihood, resorted to the digging of sand crabs.
One morning, driven by the necessity to support his family, he reached this place were the crabs were plentiful. Finding [a] large hole, he commenced digging it with his hands. To his surprise and extreme fear, he dug not a crab but a skull glaring blankly at the sunlight.
[p. 20]
Forgetting his determination to secure food, he hurriedly went home and related his story to anxious listeners. The news of his finding spread like wildfire around the town. After in observation, this finding was identified as that of the remains of Gat Lipana, who died at the hands of the Moros many years ago. The skull was easily traded [traced] to be that of Gat Lipana because of the iron earrings, bracelets, and bronze ornaments used by the chiefs of that era.
Ever since the other thing of the skull, the place began to be known as “Kay Bungo.” Even children would answer “Kay Bungo” if asked where they pick up the snails that they sell around the town now.
Mga Pamahiin at Pakahulugan
(In Nat. Language)
1. Kapag pumula ang langit sa kanluran ay nangangahulugang uulan.
2. Nangangahulugang uulan kaya nga’t ang mga manok ay nagsihapon sa katanghalian.
3. Ang pagsikat ng kometa na may buntot na pababa ay nagbabala ng darating na digmaan o salot.
4. Kung sa gabi’y may buwan at bituin halos magkadikit na ay nangangahulugang magiging malapit ang mga babae sa lalaki.
5. Ang buwan kapag nakatagilid ay magiging maulan.
6. Sa tag-ulan at may mga tagak na nagliparang punta sa kanluran ay nagbabadya ng pagtila at kung ang pagliliparan ng mga tagak ay sa silangan ay nangangahulugang tutuloy pa ang ulan.
7. Sa pagkakainan at malaglag ang kutsara nang di sinasadya ay nangangahulugang may darating na babaeng panauhin at kung tinidor naman ay panauhing lalaki.
8. Kapag naglingas ang puwit ng kawali ay nangangahulugang may darating na panauhin.
9. Ang paru-parong itim na nagpaligidligid sa isang tao na ayaw ng umalis ay nagbabalitang may namatay na kamag-anak.
10. Pag nakaamoy ng kandila kahit walang may sindi ay nangangahulugang may naghihingalong kamag-anak.
11. Ang di pangkaraniwang pagtahol ng aso na kakaiba sa pandinig ay nagbabalang may namatay.
12. Ang batang may malalim na batok ay maramot.
13. Kapag nangarap na nalaglag ang baging, nangangahulugang mamamatay ang magulang o asawa.
Pamahiing bagay sa pagkakasakit
1. Masamang maligo kung araw ng Martes at Biyernes pagka’t magkakasakit.
2. Masamang maligo sa hapon pagka’t nakaka-iga ng dugo.
3. Di dapat maligo kung kaarawan ni San Lazaro pagka’t pagmumulan ng pagkakasakit.
4. Pagkatapos maligo ay di dapat matulog, lalo na kung basa ang buhok pagka’t nakakasira ng bait.
5. Pag ang bata ay wala pang isang taon ay di dapat gupitin ang buhok pagka’t magkakasakit.
6. Magiging galisin ang taong nanaginip ng maraming kwarta.
7. Masamang manghinuko kung araw ng Martes at Biyernes.
8. Di dapat manghinuko kung nasa banig pagka’t pag napasiksik ang kuko sa banig ay magkakasakit ng matagal.
PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V | PART VI | PART VII | PART VIII | PART IX | PART X
Notes and references:Transcribed from “History and Cultural Life of the Municipality of Calatagan,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.