Janopol, Tanauan, Batangas: Historical Data - Batangas History, Culture and Folklore Janopol, Tanauan, Batangas: Historical Data - Batangas History, Culture and Folklore

Janopol, Tanauan, Batangas: Historical Data

Full transcription of the so-called “Historical Data” for the barrio of Janopol in the City of Tanauan, Batangas, the original scanned documents at the National Library of the Philippines Digital Collections not having OCR or optical character recognition properties. This transcription has been edited for grammar, spelling and punctuation where possible. The original pagination is provided for citation purposes.
Historical Data
[p. 1]

I. HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE BARRIO OF JANOPOL

Part One: HISTORY


1. Present official name of the barrio: Janopol

2. Popular name of the barrio, present and past: Janopol

(a) Derivation and meaning of this name: Janopol tree

(b) Names of sitios within the jurisdiction of the barrio: None

3. Date of establishment: No record available

4. Original families:
Pamplona Families Magpantay Families
Andaya Families
5. List of tenientes from the earliest time to date:
a.  Paulino Pamplona h.  Juan Rivera
b.  Anacleto Pamplona i.  Lupo Magpantay
c.  Roman Magpantay j.  Miguel Roxas
d.  Bernabe Sumagui k.  Melanio Rueda
e.  Esteban Roxas l.  Adriano Refresca
f.  Juan Pamplona m.  Maximo Amurao
g.  Terdorico Marado
6. Story of old barrios or sitios within the jurisdiction that are now depopulated or extinct: No old barrios or sitios.

7. Data on historical sites, structures, buildings, old ruins, etc.: None.

8. Important facts, incidents or events that took place:

(a) During the Spanish occupation:
1. Outbreak of cholera in 1900 that took more or less 15 per cent of the inhabitants. [Note: 1900 was already during the American colonial era.]

(b) During the American occupation to World War II:
1. Eruption of Taal Volcano in 1911 that destroyed the flourishing oranges that made Tanauan famous.

(c) During and after World War II:
1. Confiscated the chickens and pigs [of the people] respectively by the Japanese soldiers.
2. Burning of civilian houses by the retreating Japanese soldiers.

[p. 2]

3. Massacre of several natives by the retreating Japanese soldiers: March 1945.

9. (a) Destruction of lives, properties and institutions during wars:

a. 1896-1900: No data available.

b. 1941-1945:

(1) Confiscation of poultry, cows, horses and hogs by the Japanese army.
(2) Burning of houses by the Japanese soldiers.
(3) Killing of civilians by the Japanese soldiers.

b. Measures and accomplishments toward rehabilitation and reconstruction following World War II:

1. Increased food production by using fertilizers from ICA aid.

2. Conducting assemblies whereby enlightening the people on health, citizenship, economics, etc. are done.

3. Conducting community surveys and application of remedial measures in activities of the people found defective.

4. Organizing the people of the community into small organizations, thus improving themselves by self-help.

5. Construction of artesian wells to improve the water supply of the community.

Part Two: FOLKWAYS

10. Traditions, customs and practices in domestic and social life:

(a) Birth:
(1) Dapat wala sa bahay ang asawang lalaki upang mapaanak ang ina ng walang paghihirap. (The father must not be in the house so that the mother will have an easy delivery).

(2) Niluluop ang nanganganak upang maitaboy ang masasamang impakto. (The mother is smoked in her pre-delivery to drive away the bad spirits.)

(3) Huwag titigil sa pintuan ng bahay ang sino mang dumadalo sa [panganganak]. (No stopping at the door of the house to prevent the hardship of the mother in delivery.)

(4) Ang paligo ng bata ay nilalagyan ng kuwarta kung lalaki at bulaklak kung babae. (Money and flowers are placed on a male and female baby bath, respectively.)

[p. 3]

(b) Baptism:
(1) Tumatakbong palabras ng simbahan, na una sa ibang bininyagan, ang ninong. (The godfather runs ahead of the others in going out of the church.)

(2) Binibigyan ng ninong ang batang bagong binyagan ng pakimkim. (The newly-baptized baby is given money by his godfather.)

(c) Marriage:
(1) Ang babae o lalaki ay umuunang palabras ng simbahan pagkatapos ng kasal. (The bride or bridegroom runs ahead [of each other in going out of] of the church after the matrimony.)

(2) Pinakakain ng matamis ang bagong kasal bago pumanhik ng tahanan. (The newly [married] couple is given sweets before allowing them to enter the house.)

(3) Ang taong malapit nang ikasal ay hindi pinaaalis ng bahay sapagka’t maraming kapahamakan ang naghihintay sa kanya. (If a person is to be married soon, he or she should not leave home, for he or she is subject to many disasters.)

(d) Death:
(1) Ang bangkay ng namatay ay tinatanuran sa paniniwala na pinapaltan ng iba ng masasamang impakto. (The dead is being watched to prevent the bad spirits to change it.)

(2) Pag mulat pa ang mata ng bagong nalagutan ng hininga ay nagpapakilala na may mga kamag-anak pang hinihintay. (When the eyes of the newly dead person are still open, that shows that he is still waiting for some more relatives.)

(e) Burial:
(1) Ang mga anak ng namatay ay pinalalakdaw sa ibabaw ng kabaong ng namatay upang huwag na niyang dalawin ang kanyang mga anak. (The children of the deceased are asked to walk across the dead to prevent the dead person from visiting his children.)


11. Myths, legends, beliefs, superstitions:

(a) Superstitions:
(1) Naglalagay ng itlog sa isang sulok ng tatamnan ng bawang at sa ganyang paraan ay lalaki at puputi ang magiging ulo ng bawang. (In planting garlic, the planters before planting put an egg in a corner of the field so that the garlic shall become very big and very white.)

[p. 4]

(2) Huag titingala pag nagtatanim ng saging upang huag tumaas ang itinanim na saging. (Avoid looking up while planting bananas so that the plant will not become very high.)

(3) Pag mabituin ang gabi’y kinabukasan ay mabuti ang paghahasik ng balatong. (The best time to plant mongo is when the preceding night is starry.)

(b) Legends:
(1) Ang Alamat ng Araw, Buwan, at Bituin:

Ang ilang dahon ng matandang salaysayin ay bumabanggit ng ilang kuwento na noong ang mundo ay hindi pa natatagalang lalangin ng Diyos, ang magandang langit na bughaw ay totoong napakababa at naaabot lamang ng kamay. Noon ay wala pa ang araw, buwan at ang [mga] bituing namamasdan natin ngayon na nagsisipag-ningning na walang hanggang kalawakan.

Noon ay ilan lamang ang naninirahan sa malapad na lupa; at dito’y kabilang ang isang mag-asawa ang nabubuhay sa pagsasaka at sa pag-aalaga ng mga hayop. Ang mga hayop noon ay maamo, lalo na ang mga ibon na pantay tao lamang kung lumipad sa mga maliliit din punong kahoy at mga halamang ang mga sariwang luntiang dahon ay halos nakikipaghalikan na rin sa marikit na pisngi ng mababang langit.

Ang ito ay kilala sa kasipagan. Kapag nakakita na sila ng kaunting liwanag na hindi nila malaman kung saan nagbubuhat, wala silang nakikitang araw, ay magtutungo na sila sa bukid at gumagawa ng walang puknat hanggang sa humapdi ang kanilang sikmura at makaramdam ng gutom. Araw-araw halos ay ganyan ang kanilang napag kaugalian, at sila’y kapwa masaya at maligayang nabubuhay.

Nguni’t sa kabila ng kanilang kasipagang iyon, ang isang maipipintas lamang sa kanila ay ang kakuparan sa paghahanda ng bigas, alalaon baga’y kung dumarating ang oras ng pagluluto ay karakaralang mayroon sila ang makukuha sa bumbong upang maisaing agad. Ang kanilang katwiran marahil ay sagana naman sila sa palay at mga pang-ulam. Anumang oras na ibig nilang magluto ay naka pagbabayo agad ang lalaki, at nakapaghahanda naman ng pang-ulam ang babae.

Isang hapong umuwi sila mula sa kabukiran ay patang-pata at gutom na gutom. Pagdating nila sa maliit na kubo, ay nagmamadaling kumuha ng palay ang lalaki at binayo sa isang pandak na lasong. Ang babae ay nagpatay ng isang matabang manok upang maiulam.

Samantalang nagliliyab ang kalan ay lumilikha ng magagandang usok, ay naisipan ng babae na isabit ang kanyang suklay at mahabang kuwintas sa pisngi ng marikit na langit. Ang lalaki naman ay nagkakangkukuba ng pagbayo, sapagka’t ibig niyang makapagsaing agad. Sa kanyang pagmamadali at pag-ubos ng lakas sa pagbayo ay malimit na sumuko ang dulo ng kanyang halo sa langit, at dahil doon ay nabibigyan siya ng kaabalahan. Siya’y naiyamot at pagalit na nagsalita, “Napakababa naman ng langit na ito! Manong tumaas ka ng tumaas nang hindi ako naaabala sa aking pagbayo.”

Sukat na ang kanyang sinabi ng yaon upang magulimihanan silang mag-asawa, sapagka’t noon din ay nakita nila ang matuling tumataas ang langit natangay ang suklay, kuwintas pati ang kalan na nuon ay nagniningas. Mula noon, bawa’t gabi ay nakikita ng mag-asawa ang gasuklay na buwan kung nangangalahati ito at ang mga bituin na nagsabog sa langit, at kung araw naman ay ang araw na nagbabagang tanglaw sa daigdig. Naisip ng mag-asawa na ang apoy ang naging araw, ang suklay ang naging buwan, at ang kuwintas naman ang naging bituin.

[p. 5]

(2) Ang Alamat ng Lanzones:

Ang matamis na bunga ngayon ng lansones ay hindi nakakain noong unang dako, sapagka’t yaon ay nakamamatay. Sa maraming bayan at lalawigan ng Luzon, lalo na sa Laguna na ngayon ay siya ang may pinakamaraming inaaning lansones, ang halamang ito ay halos naggugubat, sapagka’t nagtubo lamang sa tabi ng daan, sa mga tumana, sa mga parang at sa mga bukid. Gayunman, ang mga tao ay malaki ang pangingilag sa mga bunga ng lansones, sapagka’t sa isang bayan din ng Laguna ay may isang malungkot na pangyayaring naganap na ang dahilan ay ang bunga ng lansones.

Sinasabing may isang matandang pulubi na sa kalalakad sa mga kanayunan ay inabot ng matinding gutom at uhaw. Noon ay katanghaliang tapat at ang sikat ng araw ay nakapaso, kaya’t naisipan ng matanda na sumilong sa isang malagong puno na nahihitik ng magandang bunga. Ang maliliit at naninilaw-nilaw na bungang yaon sa pagkahinog ay malabis na nakaakit sa mga mata ng napapagod na matanda. Sapagka’t hindi niya nalalaman kung ano ang punong yaon ay pumitas siya ng bunga, at buong kasiyahan siyang kumain ng kumain ng kumain. Datapuwa’t pagkaraan lamang ng may kalahating oras, sumakit ang kanyang tiyan, bumula ang kanyang bibig, at noon din ay tinanghal siyang malamig na bangkay.

Nagkagulo ang maraming tao sa wala nang buhay na pulubi. Gayon na lamang ang kanilang takot, sapagka't minsan pa nilang napatunayan na ang bunga ng lansones ay tunay na lason at nakamamatay.

Lumipas ang maraming taon at ang malungkot na pagkamatay ng pulubi ay pinangingilagan pa rin, sa paniwala ng mga tao na talagang lason at nakamamatay.

Subali’t doon din sa pook na yaon at sa lilim din ng mga puno ng lanzones, ay may isang magandang diwata na nakapagpahingalay. Ang diwatang yaon ay hindi kilala ng mga taga-roon at kung saan siya nagbuhat ay wala silang nalalaman. May nagsasabing ang diwata ay isang nimpa na umahon sa batisan, may nagpapalagay namang ito ay sugo ni Apolo at anak ng marikit na araw.

Sa gitna ng mga pagtataka ng mga tao ay nakita nilang ang marikit na dalagang yaon ay pumitas ng mga bunga ng lanzones at kumain ng kumain. Nahihintakutan ang mga nagsisipanood, sapagka’t naguguni-guni nilang pagkaraan ng ilang sandal ay masasaksihan nilang magpipilipit ito at walang salang mamatay.

Datapuwa’t lumipas ang maraming oras at nabigo ang kanilang paniwala. Ang mahiwagang babae ay patuloy pa ring kumakain na sinasabayan pa ng matamis na pag-awit. Nakikita nila na hindi man lamang dumaing ang diwata at nang mabusog na ay pumitas pa ng ilang bunga at umalis. Sa gayon ay inisp ng mga tao na siyasatin ang bunga ng lanzones. Sa bawa’t bunga ay nakita nila na may kurot, gayon noong mga nagdaang araw ay wala naman ang kurot na yaon. Sa ganyon ay isinaloob nila na ang kurot na yaon ay kurot ng birhen, na inalis ang bias ng lason ng lanzones sa pamamagitan ng kurot. Mula noon ay nagsikain na rin ng lanzones ang mga tao at natiyak nilang masarap at hindi na nakakamatay.

12. Popular Songs: Games: Amusements:

A. Songs:

1. Kundimans (Modern songs)

2. Folk songs:

ILAW NG NAYON

Sa parang ng nayong ito
Ang kampupot ay nanagano
Pag-ibig ay malinis na tubig
Damdamin ay alay sa ito.

Dikit kang walang kapara
Birhen naming sinasamba

[p. 6]

Lunas ka ng aming sulo
Bango ay tulad ng sampaga.

Birhen ilaw ka ng nayon
Sa hangad naming madulutan
Tuwa, aliw, kasiyahan ang puso naming ay naglalamay
Sa gabing kasayahan.

Nagsakit kaming lahat
Kanipol itong hantungan
Ng matuwid sa alamat
Tuwa sa ilaw ng nayon.

B. Games and Amusements:

1. Indoor baseball

2. Moving picture

3. Attending programs

4. Cockfighting

13. Puzzles and Riddles:

1. Hinigit ko ang bagin, nag-ututan ang matchin. (Gilingan)
2. Takbo-ng-takbo, hindi makarating sa kubo. (Makina)
3. Maliit pa si Tiban, umaakyat na sa kawayan. (Langgam)
4. Hinigit ko ang yantok, nagdilim ang buntok. (Dagim)
5. Limang magkakapatid, iisa ang dibdib. (Kamay)

14. Proverbs and Sayings:

1. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. (You cannot reach your destination if you do not look to where you come from.)

2. Nasa diwa ng katarungan ang tunay na kabihasnan.

3. Iyang huwad na alahas ay makaling matunayan.
Pagka’t mababa ang uri kay sa alahas na tunay.

4. Ang damdamin sa pagsuyo ay kagaya rin ng tubig,
Sa kahit na punting puwang ay tumatagas na pilit.

15. Methods of measuring time:

1. Position of the sun, moon and stars.

2. Crowing of roosters.

3. Watches

16. Other Folktales: None

Notes and references:
Transcribed from “Report on the History and Cultural Life of the Barrio of Janopol,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post