Hipit, San Nicolas, Batangas: Historical Data - Batangas History, Culture and Folklore Hipit, San Nicolas, Batangas: Historical Data - Batangas History, Culture and Folklore

Hipit, San Nicolas, Batangas: Historical Data

Historical Data graphic
Historical data from the National Library of the Philippines.

Full transcription of the so-called “Historical Data” for the barrio of Gipit (Hipit) in the Municipality of San Nicolas, Batangas, the original scanned documents at the National Library of the Philippines Digital Collections not having OCR or optical character recognition properties. This transcription has been edited for grammar, spelling and punctuation where possible. The original pagination is provided for citation purposes.

[Note to the reader:]

At the time when this document was created, the barrio of Gipit (Hipit) was still a part of Taal rather than San Nicolas. The latter did not become a separate municipality until the year 1955, after the passage of Republic Act No. 1229.

[p. 1]

KASAYSAYAN NG NAYON NG GIPIT

Ang kasaysayan ng Gipit ay nagsimula noong panahon ng pananakop ng mga Kastila dito sa atin.

Sa pasimula, ang pook na ito ay isang malawak na kaparangan na naliligid ng mga gubat at halamanan. Iilan lamang ang magbubukid na nagsisipanirahan dito at sila’y nasasakop ng nayon ng Munlawin.

Noong panahong yaon ay walang katahimikan ang [mga] mamamayan. Ang naghahari ay lakas sa ibabaw ng kapwa lakas. At noong mga panahong yaon ay ang mga nayon ay binubuo sa mga samahang tinatawag na barangay; at ang mga barangay na iya’y siyang hindi magkasundo at nagsisipaglaban ang barangay sa kapwa barangay.

Sa kagandahang loob o palad na ito ay isinilang ang isang magiting na lalaki na kinilala at sinusundan [ng] kanyang mga kanayon hanggang sa gawin siya ng pangulo o kabisa de barangay.

Sa kabisa niya o pangulo ay natuklasan niya ang magtatag ng sariling tanggulan laban sa sinumang mananalakay “Ang Tanggulang Gipit.”

Dito niya tinipon ang mga magigiting na lalaki na hanggang magpakasakit alangalang sa katahimikan. At ang tanggulang iyan ay hindi napasok ng masasamang loob.

Mula noon ay nakilala na ang nasasabi ng nayon ng Gipit, na sa kasalukuyan ay tahimik at payapa.

Ang nagsipanuno ng nayong ito ay ang mga sumusunod: Rufino Manalo, Mariano Agoho, Agapito Suarez, Bernardo Agoho, Alponso Garcia, Juan Almanzor, Apolonio Roxas, Domingo Umandap, Santiago Manalo, Ricardo Agoho, Agapito Suarez, Maximino Tenorio, at Apolinario de Sagun.

(1896-1900) Nang panahong yaon na nakatatag pa lamang ng nayon ay sumiklab na ang digmaang Kastila at Pilipino. Ang damdaming makabayan ng mga kabataang Gipit ay hindi nagpabaya sa paghawak ng sandata at nakipiling sa ibang mga kababayan sa pagtatanggol ng kalayaan ng Inang Bayan. At hindi naman dito sa ating bayan kundi hanggang sa dako paroon ng lalawigang Tayabas ay narating nila sa pagtugis sa mga kalaban hanggang sa tuluyang maibagsak ng mga Pilipino ang Pamahalaang Kastila dito sa atin.

At dumating ang mga Amerikano na siya ang nagtatag ng bagong pamahalaan sa pananakop dito sa atin.

[p. 2]

(1941-1945) Pananahimik ng bayan sa ilalim ng bandilang Amerikano ay sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig. Gaya ng unang panahon ay may Ilan din na taga Gipit na nagsipagtagis ng dayo sa larangan ng Bataan.

Pagkatapos ay sumapit ang pananakop ng mga Hapones. Sari-saring kalupitan ng mga Hapones ang nadama ng mga Pilipino sa buong kapuluan, nguni’t sa kagandahang palad, ang nayong ito ay hindi nagdanas ng gayong kalupitan.

At nang sumapit dito ang hukbong mapagpalaya (Amerikano) na nagpapalitan ng putok ng kanyon ay sinama ng kapalaran ang nayong ito na napatakan ng isang bagay na nakasisilab. At sa gayong pangyayari ay may labing-isang bahay ang nasunog ng apoy nguni’t sa kabila noon ay wala namang taong napinsala.

Iyan ang kasaysayan ng Gipit hanggang sa pangkasalukuyan.

[p. 3]

Part II – (Folk Ways)

Ang Pagdarasal ng Mag-Anak

Isang ugali ring malaganap sa mga tahanang Pilipino ang pagdarasal pagtugtog ng orasyon. Ang lahat ng tao sa loob ng isang tahanan, pati ang mga alila, ay tumutungo sa silid na may dambana at doon sila nagdarasal. Ang tunog ng kampana sa orasyon ay isang hudyat upang tumigil sa paggawa ng paggiliw at magtungo sa silid na pinagdarasalan. Ang ugaling ito ay nagpapatibay sa pagmamahalang bumubuklod sa isang pamilya. Sa kanila ay naghahari Ang pagkaka-isa. Sa diwa nila ay namamayani ang pagnanais sa kabutihan ng lahat. Ang pagdarasal ng mga anak at ng mag-asawa ay kanilang tungkulin sa pamilya. Kahit saang pook sila naroroon ay sumasa-isip nila ang pag-uwi sa tahanan pagsapit ng takdang oras ng pagdarasal. Ang bagay na ito lamang ang ligaya ng mga magulang, sapagka’t sa ilang sandali lamang ay nagkakatipon-tipon silang lahat na mag-anak. Dahil sa ugali nito ay nagtutungkas ang ilang pag-ibig bagay na ipinapagkapuri ng kanilang pamilya. Pagyamanin natin ang ugaling ito sapagka’t ang katatagan ng bansa ay nasasalig sa katatagan ng pamilya.

Notes and references:
Transcribed from “Kasaysayan ng Nayon ng Gipit,” 1953, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post