Lilinggiwan, Batangas (Town), Batangas: Historical Data
Full transcription of the so-called “Historical Data” for the barrio of Lilinggiwan, Batangas Town, Batangas, the original scanned documents at the National Library of the Philippines Digital Collections not having OCR or optical character recognition properties. This transcription has been edited for grammar, spelling and punctuation where possible. The original pagination is provided for citation purposes.
[p. 1]
HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE BARRIO OF LILINGGIWAN
1. The present official name of the barrio – Lilinggiwan
2. Derivation – This name was derived from the native vine used for rope, hinggiw which used to be found plentifully in this barrio. This barrio has no sitios. In fact, it was only a sitio of Ilijan.
[p. 2]
3. Date of establishment: The date it was established cannot be ascertained.
4. Original families – Bayetas and Macalalads.
5. List of tenientes from the earliest date – These persons were not barrio lieutenants. They were merely assistants to the barrio lieutenant of Ilijan. They were then called concellarios.
b. Pedro Melandrez
c. Francisco Aclan
d. Francisco Bayeta
e. Simeon Aclan
f. Pascual Aclan (Present incumbent.)
6. Stories of old barrios or sitios depopulated or extinct – None
7. Historical sites, structures, buildings, or old ruins – None
8. There are no important events, or incidents that took place in this sitio.
9. a. There were no destruction of lives, properties or institutions during the war.
Part II
Folkways
1. Kung ang ina sa kanyang panganganak ay nagluluat o nagdadanas ng malaking hirap ay karaniwang ang hagdanan ay patumbalik na isinasandal. Ayon sa kanilang paniniwala ay ang gayon nakapagpadali ng paglagsang ng bata.
2. Kaugalian sa pagbibinyag: Ang bata ay binibinyagan ng panalan sa pamamagitan ng tinatawag na “buhos tubig.” Ang gumaganap nito’y ang pinakamatanda sa nayon.
[p. 3]
3. Pagaasawa: Ang isang binate sa bukid ay dumadaan sa maraming pagsubok at gugol sa pagaasawa. Kailangang maghanda siya sa lahat ng maaaring hingin sa kanya ng magulang ng babae – gaya baga ng tinatawag na “Bigay-kaya.”
4. Namatayan: Ang isang maganakan kung namamatayan ay hindi nagwawalis ng bahay of bakuran nila sapagkat ayon sa kanilang paniniwala ay para daw winawalis ang buhay ng tao.
5. Paglilibing: Pag naipanaog ng bahay ang bangkay, kaagad na ang isang sahig ng bahay ay tinitiklap at itinatapon na kasabay ang paghahagis ng isang tabong tubig.
6. Pagdalaw: Ang isang may nais dumalaw sa kanyang mga kasama, maging kamaganak o hinde, ay lagging may taglay na anomang bagay na ikatutuwa ng dinatnan.
7. Mga Pagdiriwang: Karaniwang ipinagdiriwang sa bukid ang pista ng nayon, “Flores de Mayo,” at iba pa. Sa pagkakataong ito’y sila’y gumugugol ng di kakaunting halaga.
[p. 4]
8. Pamahiin: Kung nagtatanim ng saging ay sa pagtatabon ay dapat malayo ang nagtatanim sa puno at hinde siya natingala o tumitingin sa itaas. Ayon sa kanilang paniniwala ay sa ganito’y magiging malayo ang suwi sa puno at ang halaman ay hindi tataas pa sa tao kung nakatayo.
Puzzles and Riddles
1. Palaisipan: May tatlong pusa sa ibabaw ng mesa. Bawa’t isang pusa’y nakakakita ng dalawang pusa. Ilang pusang lahat ang nasa mesa? Tatlo.
2. Saan nagsimula ang umaga? (Sa titik na U)
3. Aling ilog ang walang tubig? (Ilog sa mapa)
4. Baboy ko sa pulo, balahibo’y pako. (Nangka)
5. Nanganak ang birhen, itinapon pati lampin? (Puso ng saging)
6. Narito na si bayaw, dala-dala ang ilaw. (alitaptap)
7. Hinde tao, hinde hayop, sumusulat ng C.D.O? (Buwan)
Proverbs and Sayings
(Mga Salawikain)
[p. 5]
2. Magpakataas-taas ng lipad sa lupa rin ang lagpak.Pagtingin sa horas
Tinitiyak nila ang oras sa pamamagitan ng anino o pagtingin nila sa lagay ng araw sa langit. Sa gabi, nasasabi nila ang oras sa pamamagitan ng tilaok ng manok.
They tell the time by looking at the sun during the day or looking at their shadows. At night, they tell the time by the crowing of the cocks.
Part III – Other Information
1. No books or written documents treating of the Philippines are available in this locality.
2. No Filipino authors residing in this locality.